Tamang Paggamot sa COPD

January 29, 2017

 

Hindi madali ang normal na pamumuhay kapag mayroong malalang kaso ng chronic obstructive pulmonary disorder (COPD). Ikaw ay makararanas ng hirap sa paghinga, matinding pag-ubo at pamumuo ng plema, at panghihina – maliban sa pagtaas ng panganib magkaroon ng malulubhang lung disease, mga sakit sa puso, at cancer.

 

Kalimitan, emphysema at chronic bronchitis ang pinagmumulan ng COPD, kaya susi ang pag-gamot sa mga ito sa paggaling at pag-iwas sa nasabing karamdaman. Ang COPD ay may dalawang karamdaman – emphysema at chronic bronchitis. Ating talakayin ang mga lunas sa COPD.

 

Pagtigil sa paninigarilyo

 

Ang paninigarilyo ay agarang pinapalala ang mga sintomas ng COPD dahil sa mga nilalalamang kemikal ng usok ng sigarilyo. Maski ang secondhand smoke o ang simpleng paglanghap sa usok ay nakakairita sa mga daluyan ng hangin ng katawan.

 

Dahil sa lamang nicotine nito, hindi madaling tigilan ang paninigarilyo kaya maaaring humingi ng tulong sa iyong doktor. Ikaw ay kanyang bibigyan ng gamot at payo para masolusyonan ang adiksyon. Lagyan ng mas maraming pisikal na aktibidad ang iyong araw-araw na pamumuhay, gaya ng sports at pag-eehersisyo, upang mapalitan ang nakasanayan.

 

undefined

 

Pag-iwas sa air pollution

Gaya ng usok ng sigarilyo, ang singaw ng sari-saring usok at kemikal ay nakakairita sa respiratory system. Ang matagalang paglanghap sa mga ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon. Upang makaiwas sa peligro, takpan ang bibig at ilong ng panyo o kahit anong tela kapag mausok ang kinaroroonan.

 

Kung ‘di maiiwasan ang mga lugar na mausok o may malakas na singaw ng kemikal, maaaring magsuot ng face mask o maskara para protektado ang iyong baga at mga daluyan ng hangin.

 

Sumali sa isang pulmonary rehabilitation program

 

Upang hindi lumala ang COPD, may mga kinakailangang pagababago sa iyong pamumuhay, at ang lahat ng ito ay bahagi ng pulmonary rehabilitation program na ino-offer ng mga pagamutan. Kabilang sa mga ipinapamahagi ng programa ay mga ehersisyo, tamang diet, mga makubuluhang payo, at wastong kaalaman sa iyong eksaktong kondisyon.

 

Tandaan na ang COPD ay grupo ng mga sakit na nagdudulot ng bara sa daluyan ng hangin, at hindi ito iisang particular na karamdaman. Sa iyong pagbisita sa pagamutan, Sasailalim ka sa spirometry, isang test na susukatin ang kakayahan ng iyong baga, sa iyong pagbisita sa pagamutan. Dito ay malalaman ng doktor ang estado ng iyong baga at maaari ka niyang ipasok na naturang programa.

 

Operasyon para sa malulubhang kaso

 

Depende sa kaso ng iyong COPD, maaari kang bigyan ng simpleng oxygen therapy – na magdadala ng karagdagang oxygen sa iyong baga – o sumailalim sa isang sensitibong operasyon. Para sa malulubhang kaso, maaaring tanggalin ng doktor ang maliit na bahagi ng napinsalang tissue sa iyong baga upang mabigyan ng mas malaking puwang para sa growth ng healthy tissue. Pwede ring alisin ang mga namuong air spaces sa baga upang mapigilan ang karagdagang pinsala. Kung masyado nang napinsala ang baga, maaaring kailanganin na ang lung transplant.

 

undefined

 

 

Uminom ng wastong gamot

 

Dahil maraming uri ang COPD, marami rin ang gamot na maaari mong inumin. Base sa iyong kondisyon, ang mga sumusunod na gamot ay maaaring ireseta sa iyo ng doktor:

 

·         Bronchodilators

·         Inhaled steroids o gamot na nilalanghap

·         Mga inhaler

·         Antibiotics

·         Theophylline

·         Phosphodiesterase-4 inhibitors

·         Oral steroids

 

Ang ilan sa mga naitalang gamot ay kailangang inumin sa nakatakdang oras upang sapat na maprotektahan ang iyong baga at mga daluyan ng hangin. Sundin ang payong dosage at schedule ng doktor para mapadali ang iyong paggaling.

 

Sources