Anong Klase ng Ubo ang Mayroon Ka?

December 14, 2016

 

Ang pag-ubo ay pangkaraniwang kondisyon na madalas nangyayari araw-araw. Salungat sa popular na kaalaman, ang ubo ay hindi sakit. Ito ay reaksyon ng katawan kapag may mga bagay na nakabara sa daluyan ng hangin. Ang puwersa ng hangin na galing sa pagbahing ang siyang naglalabas ng mga bara tulad ng plema, sipon, at ligaw na pagkain.

 

Maraming uri ng ubo ang maaaring mangyari sa tao. May mga hindi mapanganib at merong nagsisilbing senyales o sintomas ng malubhang karamdaman. Ating talakayin ang mga ito.

 
 

Productive cough

 

Ang productive cough ay naglalalaman ng plema at sipon na nanggagaling sa daluyan ng hininga, loob ng ilong, sinuses, o sa baga. Nakaka-irita man ang bahing na dala nito, ang productive cough ay kailangan ng katawan para ilabas ang mga bara. Kabilang sa mga sanhi ng ubong ito ay mga viral illness, impeksyon sa baga at daluyan ng hangin, labis at patuloy na paninigarilyo, at chronic obstructive pulmonary disease.

 

Kapag mayroon kang productive cough, magbaon ng panyong pampahid ng mucus. Ilabas naman ang plema sa lababo o toilet, at hindi sa kalye dahil maaaring nakakahawang sakit ang pinagdudulutan ng iyong ubo. Uminom din ng gamot upang madali ang paggaling sa sakit na sanhi ng iyong ubo.

 

Kung matindi ang ubo at tila hindi gumagaling, magpatingin agad sa doktor. Maaaring may seryoso ka ng sakit.

 

 

Non-productive cough

 

undefined

Ang non-productive cough o dry cough ay hindi naglalaman ng sipon at plema. Nangyayari ito kapag ikaw may naligaw na pagkain sa daluyan ng hangin, nakalanghap ng alikabok, mabahong kemikal, o dahil sa allergy. Maaari ding maging resulta ang ubong ito ng viral illness, hika, at acid reflux.

 

Kung ang sanhi nito ay simpleng bara o simpleng iritasyon, nawawala ito nang kusa. Subalit sa ibang kaso, maganda kung lagi kang may baong gamot sa ubo.

 

 

Acute Cough

 

Ang acute cough ay ubo na nawawala sa loob ng tatlong linggo. Ang mga karaniwang sanhi nito ay mga simpleng kondisyon gaya ng sipon, allergy, at bara sa daluyan ng hangin, ngunit maaari din itong maging chest cough na dala ng pulmonya, o sintomas ng mga karamdaman gaya ng trangkaso, whooping cough, at iba pang uri ng respiratory infection.

 

 

Subacute Cough

 

Ang subacute cough ay nananatili kahit wala na ang respiratory infection o sipon. Karaniwang tumatagal ang ubo ng tatlo hanggang walong linggo at ang mga kadalasang pinanggagalingan nito ay postinfectious cough, bacteria,virus, at hika. Kung malubha ang impeksyon, kinakailangang magpunta sa ospital upang mabigyan ng tamang lunas ang sakit.

 

 

Chronic Cough

 

undefined

 
 
Tinatawag na chronic cough ang uri ng ubo na patuloy na nanunumbalik o tumatagal ng lampas ng walong linggo. Maaari itong sintomas ng allergies, lalo na kung ikaw ay laging exposed sa mga allergen o sanhi ng iyong allergy. Subalit, pwede ring resulta ang chest cough ng mga seryosong karamdaman tulad ng bronchitis, hika o epekto ng paninigarilyo (smoker’s cough).

 

Dahil ang ubo ay reaksyon ng katawan, at hindi sakit, dapat mabigyan ng lunas ang sanhi nito. Ang simpleng sipon ay kayang pagalingin ng gamot sa ubo at ang simpleng allergy naman ay nakukuhang pagalingin ng antihistamine. Subalit, para sa mga mas malubhang kaso ng ubo, kritikal ang pagkonsulta sa doktor. Mainam na malaman agad ang sanhi ng matinding ubo bago pa lumala ang sakit o impeksyon na pinagdudulutan nito.

 

 

Sources:

 

  • https://www.nhlbi.nih.gov/health/health-topics/topics/cough

  • http://www.mayoclinic.org/symptoms/cough/basics/causes/sym-20050846

  • http://www.webmd.com/cold-and-flu/tc/coughs-topic-overview#1

  • http://www.robitussin.com/cough-cold-center/understanding-what-your-cough-telling-you

  • http://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/cough

  • http://www.antimicrobe.org/e40.asp