Depression sa mga lalaki

November 30, 2016

 

Kilala noon ang clinical depression bilang isang “woman’s disease” kaya naman mahirap para sa mga lalaki ang ma-diagnose, ma-recognize ang symptoms nito, at makahingi ng treatment sa mga dalubhasa dahil sa image na mayroon ang depression.

Ayon sa National Institute of Mental Health, ang depression ay isang major depressive disorder o clinical depression na maaaring maranasan ng marami. Nagiging sanhi ito ng severe symptoms na maaaring makaapekto sa pakiramdam, pamamaraan ng pag-iisip, at pag-handle ng mga pang araw-araw na gawain tulad ng pagtulog at pagkain.

Ang depression ay nararanasan ng dalawang kasarian at maaari ring makaapekto sa relasyon sa iba at trabaho ng taong mayroon nito. Ang sintomas ng depression para sa mga lalaki ay pareho lamang sa symptoms ng mga babae ngunit iba ang pag-express ng mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan. Anu-ano nga ba ang mga sintomas ng depression para sa mga kalalakihan?

 

Symptoms of Depression in Men

Para sa mga kababaihan, ang matinding kalungkutan at worthlessness ang kadalasang nararamdaman kung may depression, samantalang pagkaramdam ng pagiging iritable, aggressive, o hostile na maaaring magsanhi ng withdrawal naman ang kadalasang nagiging epekto ng depression sa mga kalalakihan. Ilan pa sa mga sumusunod ay mga common symptoms ng depression para sa anumang kasarian.

  • Pagkawala ng interes sa mga pleasurable activities
  • Fatigue o pagkapagod
  • Pagbabago sa appetite
  • Sleep disturbances
  • Apathy o lack of concern, emotion, interest

 

Maliban sa mga nabanggit na mga symptoms, mayroong ding three most commonly overlooked signs of depression sa mga lalaki:

 

undefined

 

Photo Courtesy of PublicDomainPictures via Pixabay

 

  1. Physical pain - Ang depression sa mga lalaki ay minsang pisikal tulad ng backache, paulit ulit na headache, problema sa pagtulog, sexual dysfunction, o digestive disorders na hindi nagrerespond ng mabuti sa normal treatment.
  2. Anger - Ang nararamdamang galit ay iba-iba depende sa indibidiwal ngunit kadalasan ito ay nagmumula sa irritability, sensitivity sa mga criticism o pagkawala ng sense of humor, road rage, short temperedness, at violence. Ang ibang mga lalaki ay maaari ring maging abusive at controlling.
  3. Reckless behavior - Ang mga lalaking nakararanas ng depression ay pwedeng sumubok sa mga risky behavior tulad ng paggawa ng dangerous sports, reckless driving, at pagsubok ng unsafe sex. Maaari ring maparami ang pag-inom, umabuso ng drugs, at magsusugal.

 

Bakit hindi lubos na kinikilala ang depression sa mga lalaki?

Maraming rason kung bakit hindi napapansin agad ang clinical depression para sa mga kalalakihan at isa na marahil sa major reason ay ang imahe ng mga lalaki sa lipunan. Ang mga lalaki ay kilala sa pagiging matibay at malakas at ang paglalabas o pag-express ng emosyon ay sinasabing isang feminine trait. Dahil dito, ang mga lalaking depressed ay nagsasabi lamang ng nararamdamang physical symptoms - tulad ng pagkapagod - kaysa sa mga sintomas na may kinalaman sa emosyon.

Dahil marami ang untreated cases ng depression sa mga lalaki, mataas din ang bilang ng mga kalalakihang nagkakaroon ng suicidal thoughts at nagpapakamatay. Ayon sa pag-aaral ng Centre of Disease Control and Prevention sa US, sinasabi na ang mga lalaki ay four times more likely to die mula sa suicide kumpara sa mga kababaihan.

 

Treatment for Depression

Sa kabila ng mga negatibong epekto ng depression, maaari pa itong magamot sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. Social support

Ang pagkakaroon ng social support ay nakatutulong upang makabawas ng stress at mas maging masaya. Halimbawa ng mga social supports ay pagsali sa mga groups o organizations, pag-volunteer, pag-reach out sa pamilya at mga kaibigan, at pag-participate sa mga social activities.

 

 

undefined

Photo Courtesy of unsplash.com via Pexels

 

2. Healthy lifestyle

Importante ang pagkakaroon ng healthy lifestyle upang mapabuti ang katawan at kailangang mag-ehersisyo hindi lamang para sa pisikal ngunit pati na rin sa mental health upang malabanan ang mga iba’t ibang sakit. Ang simpleng pagtayo sa kama ay mahirap para sa mga taong depressed ngunit ang regular exercise at pag-kain ng mga masusustansyang pagkain ay effective ding gamot tulad ng antidepressant medication.

 

3. Professional help

Kung hindi sapat at nahihirapang gawin ang pagkakaroon ng social support at healthy lifestyle, maaari ring kumonsulta sa mga professionals, partikular ang mga psychiatrist, upang matulungan. Maaaring bigyan ang depressed males ng therapy o medication ng mga therapist at doktor upang mapabuti ang kalagayan ng mga lalaki na may depression.

 

Hindi madali ang magkaroon ng depression kaya naman mabuting gawan na ito ng aksyon kung nakararamdam ng mga sintomas na nabanggit. Importanteng pangalagaan hindi lamang ang pisikal na kalusugan ngunit pati na rin ang mental health ay kailangang bigyan ng importansya para makaiwas sa iba’t ibang epektong naidudulot nito kapag napabayaan.

 

Sources:

http://www.webmd.com/depression/depression-men#1

http://www.helpguide.org/articles/depression/depression-in-men.htm

http://www.health.com/health/gallery/0,,20521449,00.html

https://www.nimh.nih.gov/health/topics/depression/index.shtml

http://www.befrienders.org/suicide-statistics