Ayon sa International Diabetes Foundation na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mabilis na pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng diabetes. Noong taong 2014, mahigit tatlong milyong Pinoy ang nagkaroon ng diabetes sa buong bansa. Mula sa datos ng Philippine Diabetes Association, apektado na ang mga bata sa elementarya at high school ng sakit ng diabetes habang tinataya ng Philippine Society of Pediatric Metabolism and Endocrinology na nasa 8 percent ng mga batang Pilipino ay diabetic. Isa sa bawat sampung diabetic ay mga bata.
Sobra ang sugar sa dugo ng taong may diabetes. Ang sugar na ito ay nanggagaling sa mga pagkain gaya ng tinapay, cereals, pasta, kanin, prutas, gulay at ibang produktong may dairy.
Ang Type 1 Diabetes ang karaniwang uri ng diabetes na tumatama sa mga bata. Ang lapay o pancreas ng batang may Type 1 diabetes ay hindi kayang mag-produce ng insulin, ang hormone na nagkokontrol ng blood sugar level. Ang mga batang may ganitong kondisyon ay nangangailangang magturok ng sinulin at mag-monitor ng blood sugar habambuhay.
Ang mga batang obese o overweight, may family history ng diabetes, hindi aktibo at hindi kumakain ng maayos ay may malaking tsansang magkaroon ng Type 2 Diabetes. Sa Type 2 Diabaetes, ang lapay ay nakakagawa pa ng insulin, ngunit ang insulin ang syang hindi nagfufunction ng tama.
Paano nga ba malalaman kung ang inyong mga anak ay may diabetes sa murang edad pa lamang? Heto ang mga sintomas ng Type 1 Diabetes.
-
Madalas na pag-ihi at pag-inom ng tubig.
Inaalis ng katawan ang sobrang blood sugar sa pamamagitan ng ihi. At dahil sa madalas na pag-ihi, napapadalas din ang pag-inom ng tubig.
-
Pagkain ng madami.
Madalas magutom ang batang may Type 1 Diabetes dahil wala itong nakukuhang sapat na energy dahil sa kakulangan ng sugar.
-
Pamamayat.
Dahil sa kawalan ng energy na binibigay ng sugar, ang tissue ng muscles at taba ay lumiit na nagreresulta sa pagpayat. Ito ang una sa mga senyales ng diabetes.
-
Pagkadama ng sobrang pagod.
Ang kakulangan ng sugar sa cells ng katawan ng bata ang nagdudulot ng pakiramdam ng sobrang pagkapagod.
-
Malabong paningin.
Dahil sa masyadong mataas ang blood sugar ng isang bata, may klase ng fluid na nahahatak mula sa lente ng mata nito na nagdudulot ng pagkalabo ng mata.
-
Yeast Infection.
Ang mga batang babaeng mayroong type 1 diabetes ay maaaring silang makaranas ng pangangati sa kanilang ari na dulot ng yeast infection.
Mahalagang magkonsulta agad sa doctor kung napansin ang mga nabanggit dahil maaaring maiwasan ang ibang kumplikasyon kung madedetect ng maaga ang kondisyon. Ayon sa Diabetes UK, karamihan ng mga kaso ng type 1 diabetes ay hindi agad na-diagnose. Ang mga batang may type 1 diabetes na hindi agad na-detect ay maaaring magkaroon ng tinatawag na ‘diabetic ketoacidosis’ (DKA). Ang DKA ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga type 1 diabetic. Sa mga bata namang may Type 2 diabetes, ang paglala ng sakit ay mas mabilis kumpara sa matatanda. Mas mataas din ang tsansa nilang magkaroon ng kumplikasyon gaya ng sakit sa kidney at maya kaysa sa mga batang may Type 1 diabetes.
Sources:
- http://www.philstar.com/bansa/2013/09/14/1207491/bata-teenagers-na-may-diabetes-dumarami
- https://untvradio.com/mabilis-na-pagtaas-ng-kaso-ng-diabetes-sa-pilipinas-ikinababahala-ng-mga-eksperto/
- http://www.philstar.com/opinyon/247346/gamot-kontra-diabetes-sa-bata
- http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-1-diabetes-in-children/basics/symptoms/con-20029197
- https://www.diabetes.org.uk/Guide-to-diabetes/
- https://www.diabetes.org.uk/Diabetes-the-basics/Diabetes-Symptoms/
- http://www.diabetes.org/diabetes-basics/symptoms/?loc=superfooter?referrer=http://www.diabetes.org/living-with-diabetes/parents-and-kids/everyday-life/?referrer=https://www.google.com.ph/
- https://www.diabetesresearch.org/document.doc?id=274
- https://www.thesun.co.uk/living/3083525/kids-who-spend-three-hours-a-day-watching-telly-or-playing-video-games-flirting-with-diabetes/
- http://kidshealth.org/en/kids/type1.html#
- http://www.medicalnewstoday.com/articles/284974.ph