Answering Common Diabetes Questions

January 31, 2017

 

Mabilis ang paglaganap ng sakit na diabetes sa buong mundo. Sa kasalukuyan, 422-milyong katao ang mayroon nito, na siyang nakaka-alarma dahil mapanganib ang nasabing karamdaman. Maraming kaso ang hindi agarang nabibigyan ng medical attention sapagkat hindi madaling mahalata ang mga sintomas nito.

 

Wastong kaalaman ang ating sandata upang maiwasan ang karamdaman o ma-kontrol ito nang maayos. Narito ang madalas na katanungan ng mga tao tungkol sa diabetes at ang mga kasagutan sa mga ito.

 

Ano ang diabetes?

 

Ang diabetes ay grupo ng mga sakit kung saan masyadong mataas ang nilalamang asukal ng dugo o blood sugar. Nangyayari ito dahil sa kawalan ng kakayahan ng pancreas na gumawa ng insulin – isang hormone na ginagawang energy ang blood sugar – o ang pagkawalang-bisa ng epekto ng nasabing hormone sa katawan.

 

Ano ang mga pangunahing uri ng diabetes?

 

May tatlong pangunahing uri ang sakit: ang type 1, type 2, at ang gestational diabetes. Sa type 1 diabetes, ang pancreas ay walang kakayahan o masyadong kaunti ang ginagawang insulin. Ang type 2 naman ay ang hindi pagtalab ng insulin sa katawan. Maaaring tumaas ang blood sugar levels ng isang babaeng nagdadalang tao nang walang maliwanag na rason, at ang tawag dito ay gestational diabetes.

 

Ano ang mga kumplikasyon ng diabetes?

 

undefined

 

Malubha ang mga kumplikasyon ng diabetes kapag hindi nakontrol nang maayos ang sakit. Maaari itong magdala ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at sa huli, kamatayan. Heto ang mga pangunahing epekto ng karamdaman:

 

·         Mga sakit sa puso at mga ugat

·         Nerve damage

·         Kidney damage

·         Eye damage

·         Foot damage

·         Problema sa pandinig

·         Mga sakit sa balat

 

Ano ang mga wastong pagkain para sa mga diabetic?

 

Dahil ang labis na taas ng blood sugar level ang pinoproblema ng mga diabetic, kinakailangang iwasan o limitahan ang mga pagkaing maraming asukal, mayaman sa saturated at trans fats, mataas sa cholesterol, at maraming sodium. Huwag mabahala dahil maaari mong kainin ang sumusunod:

 

·         Leafy vegetables

·         Prutas

·         Lean meat

·         Itlog

·         Isda

·         Mga legumes gaya ng peas at beans

·         Tubig at mga inumin na low-calorie

·         Plain yogurt (iwasan yung sweetened)

·         Oats, nuts, whole grains, at iba pang fiber-rich foods

 

Mayroon bang murang gamot para sa diabetes?

undefined


May mga gamot na tumutulong sa pagpapababa ng blood sugar, at ang mundo ng generic drugs ay tinitiyak na ang mga ito ay abot-kaya.

 

·         Insulin – Maraming uri ang insulin na rinereseta ng doktor base sa iyong kondisyon. Tinutulungan nito ang katawan i-proseso nang wasto ang blood sugar. Ito ang pangunahing gamot sa type 1.

 

·         Metformin – Para sa mga may type 2 diabetes, metformin ang pangunahing gamot. Pinapaganda nito ang reaksyon ng katawan sa insulin, na siyang magpapababa sa blood sugar levels ng katawan. Pinababa din nito ang dami ng ginagawang glucose ng atay.

 

·         Mga katulad na oral medication – Kung ang metformin ay hindi mabisa para sa iyong kondisyon, maaari kang resetahan ng iba pang mga uri ng oral medication tulad ng sulfonylureas, meglitinides, SGLT2 inhibitors, thiazolidinediones, at DPP-4 inhibitors.

 

·         Ehersisyo – Nakakababa ng blood sugar ang pag-eehersisyo kaya isama ito sa iyong pang-araw-araw na gawain. Kung kayang mag-ehersisyo ng 30 minutes kada araw, limang araw sa isang linggo, malaki ang maitutulong nito sa pagpapabuti ng iyong kondisyon. Kung hindi naman, sanayin ang katawan sa mga physical activity.

 

·         Wastong diet – Ang pag-kain ng mga pagkaing mataas sa fiber, healthy carbohydrates, good fat, at good cholesterol ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar levels. Ngunit dapat sabayan ito ng ehersisyo at pag-iwas o paglimita sa mga pagkaing matataba, maalat at mataas sa calories., at maraming sodium. Umiwas din sa mga bisyo.

 

 

Sources:

 

·         http://www.who.int/diabetes/global-report/en/

·         http://my.clevelandclinic.org/health/articles/diabetes-frequently-asked-questions

·         https://medlineplus.gov/diabeticdiet.html

·         http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/basics/complications/con-20033091

·         http://www.webmd.com/diabetes/guide/understanding-diabetes-detection-treatment#1

·         http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/diagnosis-treatment/treatment/txc-20169988

·         http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/diabetes-diet/art-20044295

·         https://www.endocrineweb.com/conditions/type-1-diabetes/what-insulin

·         http://www.webmd.com/diabetes/features/diabetic-diet-6-foods-control-blood-sugar#1

·         https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/diabetes