Ang pananakit ng tiyan ay labis na nakaaapekto sa araw ng isang tao. Maraming posibleng maging sanhi ang pananakit ng tiyan gaya na lamang ng maling nakain, stress, o reaksyon sa klima.
Kapag ang sakit na nararamdaman sa tiyan ay dulot ng maling nakain, ito ay panandalian lamang at maaaring gamutin. Ngunit hindi maaaring isantabi ang malalalang sakit gaya ng amoebiasis. Ang pananakit ng tiyan ay isang pagkalahatang tawag sa nararamdaman ngunit ito ay maaaring maging pagtatae, cramps, o constipation.
Anuman ang kondisyon na ito, pinakamabuti pa rin ang pag-inom ng maraming tubig. Ito ay upang maiwasan ang dehydration. Bukod pa riyan ay maganda rin na samahan ng tamang diet ang kondisyon na ito. May mga pagkaing mainam at dapat iwasan ang mga taong nakakaranas ng pananakit na tiyan.
Narito ang mga pagkaing dapat kainin:
Saging
Ang saging ay madaling tunawin at hindi nakasasama sa tiyan. Ito ay madalas ibigay sa mga sumasakit ang tiyan dahil sa taglay nitong pectin na nakakatulong sa pagbuo ng dumi. Mabuti ito para sa mga nakakaranas ng diarrhea.
Kanin, Tinapay, at Patatas
Maganda ring kainin ito ng mga taong nakakaranas ng pananakit ng tiyan. Madali lamang itong i-digest kaya hindi na ito nakakadagdag stress sa may dinaramdam na digestive system. Bukod pa riyan, nakatutulong ito sa mga nakakaranas ng diarrhea dahil ina-absorn nito ang fluid sa dumi.
Luya
Maraming nang pag-aaral ang nakitaan ang luya ng magandang epekto sa digestive system. Para gamitin itong panggamot sa pananakit ng tiyan, maaari itong pakuluan sa tubig at inumin bilang tsaa. Pwede rin namang gayatin sa maliliit na pirasa ang luya at saka nguyain ito na parang candy.
Papaya
Isa rin ang prutas na ito sa mga mabuti sa pananakit ng tiyan. Tumutulonng ito sa digestion at nakababawas ng constipation. Ang taglay nitong enzymes na papain at chymopapain ay dumudurog sa protein at tumutulong na ibalik ang acidic environment ng tiyan.
Mga dapat iwasan:
Softdrinks
Ang softdrinks ay maraming taglay na kemikal na maaaring makasama lalo sa pananakit ng tiyan. Ang carbonation na nangyayari pagkatapos inumin nito ay maaari ring makasama sa ibang tao.
Matataba at mga mamantikang pagkain
Ang pagkain ng cream at keso kapag may pananakit ng tiyan ay dapat munang itigil upang hindi na ito lalo pang lumala. Ang mani ay dapat ring iwasan dahil maaari itong makasama sa mga mayroong nut allergy o di naman kaya ay nut intolerance. Maaari rin itong magdulot ng pananakit ng tiyan dahil sa mataas nitong fiber content at fat content.
Tsokolate at kape
Makikitaan ng caffeine ang mga pagkain na ito. Maaaring makasama sa pananakit ng tiyan ang caffeine, lalo na sa mga may diarrhea. Ang ibang klase ng tsokolate na may gatas o mani ay pwedeng makasama sa mga mayroong lactose-intolerance.
Ang mga payong ito ay general reminders lamang. Makabubuti kung susundin ang mga pagkaing dapat at hindi dapat kainin kapag nakararanas ng pananakit ng tiyan. Karamihan sa mga ito ay para sa mga may diarrhea o constipation. Ang ilang dahilan sa pananakit ng tiyan gaya na lamang ng stress o iba pang sakit ay dapat agad isangguni sa doktor. Pinakamaganda pa rin ang kumonsulta sa doktor upang malaman ang tunay na kalagayan at maresetahan ng gamot kung kinakailangan.
Sources:
-
http://www.health.com/health/gallery/0,,20570225,00.html/view-all#chocolate-and-caffeine-0
-
http://www.shape.com/healthy-eating/diet-tips/7-foods-ease-upset-stomach