7 Myths at Facts Tungkol sa Erectile Dysfunction

November 23, 2016

 

Hindi nakakatuwa magkaroon ng impotence o erectile dysfunction (hindi pagtigas ng ari). Nakakababa ito ng tiwala sa sarili at mahirap ihayag nang senswal sa iyong partner ang nararamdaman. Karaniwang hindi delikado ang nasabing karamdaman, ngunit maaari itong sintomas ng mas malubhang sakit, lalo na sa mga nakatatanda.

Dahil marami ang naapektuhan ng karamdamang ito, may mga kumakalat na haka-haka tungkol dito. Karamihan sa mga ito ay hindi totoo kaya aming bibigyang linaw ang mga tamang kaalaman tungkol sa erectile dysfunction.

 

Myth 1: Kasama sa pagtanda ang pagkakaroon ng erectile dysfunction. Dapat matuto na lamang mamuhayan nang mayroon nito.

Fact: Totoo na mas karaniwan ang male impotence sa mga nakatatanda, ngunit hindi ibig sabihin na normal sa matanda magkaroon nito. Maaari itong mabigyang lunas maski na para sa mga taong lampas 50 ang edad. Magpatingin sa doktor at tiyak na mabibigyan ka niya ng wastong gamot sa erectile dysfunction.

 

Myth 2: Matatanda lamang ang nagkakaroon ng male impotence.

Fact: Mas mataas ang probabilidad magkaroon ng impotence ang mga nakatatanda, gayunman maaari itong makuha sa kahit anong edad. Kasama sa mga sanhi ng karamdaman ang paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, high blood, at high cholesterol, kaya sikaping magkaroon ng healthy lifestyle upang maka-iwas dito.

 

Myth 3: Hindi na kailangan magpatingin sa doktor kapag may erectile dysfunction RiteMED Sildenafil lang ang kailangan.

 

undefined

 

Fact: Malaki ang naitutulong ng sildenafil bilang gamot sa erectile dysfunction dahil naglalaman ito ng nitrous oxide na nakakatulong sa pagpapatigas ng ari. Subalit hindi ito gumagana sa lahat ng tao, kaya mainam na magpatingin sa doktor kung ikaw ay may erectile dysfunction.

Bukod sa sildenafil, maaari kang resetahan ng tadalafil, vardenafil, o avanafil, na nagpapagaling sa mga symptoms of erectile dysfunction. Maaari ka ring sumailalim sa ilang medical procedure kung malubha ang iyong kaso o kung ang sanhi ng impotence ay mas malubhang sakit. Kung minsan, ang sanhi ay mga problemang pangkaisipan, at maaaring magrekomenda ng psychiatrist ang iyong doktor.

 

Myth 4: Hindi tumitigas ang aking ari. Tiyak na mayroon akong erectile dysfunction. 

Fact: Hindi lamang erectile dysfunction ang sanhi ng hindi pagtigas ng ari. Kabilang sa mga sanhi ang mga problemang pangkaisipan, pagod, stress, at anxiety. Pagpahingahin muna ang sarili, pagkatapos ay tingnan kung kayang “pasiglahin” ang ari.

 

Myth 5: Hindi mapanganib ang erectile dysfunction. Walang dapat ikabahala.

Fact: Para sa mga karaniwang kaso, hindi nakamamatay ang karamdaman at kayang-kaya gamutin. Subalit ang erectile dysfunction ay kabilang din sa mga sintomas ng sakit sa puso, diabetes, Parkinson’s disease, high blood, multiple sclerosis, metabolic syndrome, at iba pang sakit. Magpatingin sa doktor upang makasigurado.

 

Myth 6: Habang buhay na akong iinom ng pills kapag nagkaroon ng male impotence.

Fact: May posibilidad na hindi mo na kailanganin ang pills kapag nabigyan ng solusyon ang sanhi at symptoms of erectile dysfunction. Ang pagbabawas o pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak ay nakakatulong, gayun din ang pagpapahinga, pagbabawas ng timbang, at pagpapatingin sa psychiatrist.

Alamin ang wastong sanhi ng sakit sa pagkonsulta sa iyong doktor upang hindi ka maging dependent habang buhay sa pills.

 

Myth 7: Walang sexual desire ang taong may erectile dysfunction.

Fact: Karaniwan ay mayroong pagnanais makipagtalik ang taong may erectile dysfunction. Nasasapawan nga lang ito ng hiya o pangamba na hindi mapaligaya ang partner kaya kadalasan ay nawawalan na ng gana ang lalaki. Intindihin na lamang ang kondisyon ng may sakit dahil nakakababa ito ng kumpiyansa at nagdudulot ng depression.

 

Gamit ang tamang kaalaman, kayang labanan at puksain ang erectile dysfunction. Subalit maraming kalalakihan ang nahihiyang magpatingin sa doktor dahil apektado ng karamdaman ang kanilang ari at sexual performance. Tandaan na ang mga doktor ay propesyonal at sanay na sila magpagaling ng mga ganitong kaso. Kasama sa kanilang training ang pag-unawa sa kalagayan at mga pangangailangan ng pasyente.

 

Sources:

http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/basics/definition/con-20034244

http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/basics/treatment/con-20034244

http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/basics/causes/con-20034244

http://www.healthcentral.com/sexual-health/c/1443/150534/dysfunction/

http://www.webmd.com/erectile-dysfunction/myths-and-facts-about-erectile-dysfunction

http://www.webmd.com/erectile-dysfunction/myths-and-facts-about-erectile-dysfunction?page=2

http://www.webmd.com/erectile-dysfunction/myths-and-facts-about-erectile-dysfunction?page=3