Mga Sanhi ng Erectile Dysfunction

August 01, 2016

Photo courtesy of fsHH via Pixabay

 

Ang erectile dysfunction o ED ay isang medikal na kondisyon kung saan nawawalan ng kakayahan ang isang lalaki na magkaroon ng ereksyon kapag nakikipagtalik. Ito ay sanhi ng pagkasira o kapag naging barado ang mga nerves at blood vessels na kinakailangan upang mapatindig ng isang lalaki ang kanyang ari.

 

Bagama’t karaniwan ito sa mga matatandang lalaki, maaaring maranasan ito sa kahit ano mang edad. Marami pang maaaring maging dahilan ang ED o male impotence. Basahin ang mga sumusunod at gawin itong gabay kung ikaw ay nakakaranas o may kilalang nakakaranas ng naturang kondisyon.

 

 

Mataas na cholesterol

 

Sinasabing ang pagkakaroon ng mataas ng cholesterol ay nakadadagdag sa pagkakaroon ng ED. Bagamat hindi nangangahulugan na gamot ang pampababa ng cholesterol sa ED, pinaniniwalaan na ang mga lalaking umiinom ng gamot para sa pagpapababa ng kanilang cholesterol ay nakararamdam ng improvement sa kanilang sexual performance.

 

Sa kabilang banda, ang male impotence ay maaaring maging sensyales din ng cardiovascular disease.

 

Diabetes

 

Ang pagkakaroon ng diabetes ng mga lalaki ay nagiging sanhi rin ng erectile dysfunction. Ayon sa pag-aaral, ang mga may diabetes ay nagkakaroon ng ED 10 to 15 years earlier kumpara sa mga non-diabetic dahil sa mga pagbabagong hatid ng diabetes sa katawan.

 

Sa kabilang banda, maaaring naman itong solusyunan tulad ng pagkontrol ng blood glucose, pagpapababa ng blood pressure, cholesterol, at triglyceride levels. Bagamat nagagamot ang ED sa pamamagitan ng pag-inom ng Viagra, Cialis, o Levitra, nakasasama ito sa mga lalaking may heart problem na siyang maaaring maging dulot din ng sakit na diabetes.

 

Stress at depression

 

Bagama’t hindi maiiwasan ang stress at depression sa ating pang araw-araw na buhay, ang mga ito ay maaari ring maging sanhi ng ED. Ang depression ay nakasisira ng desire na nagdudulot ng ED. Nawawala ang sexual excitement, at maaari ring makasira ng sex drive ang mga gamot para dito. Samantala, labanan ang stress sa pamamagitan ng pagre-relax at regular na pag-e-ehersisyo, gayundin ang pagkuha ng sapat na tulog.

 

Bukod sa stress at depression, nakababawas din ng sex drive ang low self-esteem at anxiety.

 

Photo courtesy of Tabeajaichhalt via Pixabay

 

Labis na pag-inom ng alak at gamot

 

Maaaring uminom ng alak upang makondisyon ngunit ang labis na pag-inom ng alak ay nakakapigil din sa erection. Mas makakabuting iwasan ang sobrang pag-inom ng alcohol at sikaping maging moderate na lamang ang pag-inom nito.

 

Samantala, ang mga iniinom na gamot ay maaaring makaapekto rin sa pakikipagtalik. Ang ilan sa mga common drugs ay maaaring magdulot ng ED. Kabilang dito ang blood pressure drugs, pain medication, at katulad ng nabanggit kanina, ay ang mga anti-depressants. Ang mga street drugs na amphetamines, cocaine, at marijuana naman ay pwedeng maging sanhi rin ng problema sa pakikipagtalik.

 

Sobra sa timbang

 

Ang sobrang katabaan ay hindi lamang nakakapagpababa ng self-esteem kundi nakakaapekto rin ito sa sexual performance ng lalaki. Ang mga lalaking obese ay nagpo-produce ng mababang amount ng testosterone na mahalagang factor sa sexual desire at sa erection.

 

Ang pagiging sobra sa timbang ay konektado rin sa high blood pressure at hardening ng arteries, na pwedeng makapagbawas ng blood flow sa ari.

 

Iba pang health conditions

Bukod sa diabetes at mataas na cholesterol, ang iba pang health conditions tulad ng spinal cord injuries, at multiple sclerosis ay makaapekto rin sa mga nerves, muscles, o blood flow na kailangan sa erection.

 

Ang pagsasailalim sa surgery sa prostate o bladder problems, ay makakaapekto rin sa nerve at blood vessels na nag-cocontrol ng erection.

 

Ang pagkakaroon ng ED ay may malaking epekto rin sa relasyon ng lalaki sa kanyang partner. Makabubuting pag-usapan ang suliraning ito at maghanap ng lunas. Makatutulong din ang suporta ng babae sa kanyang partner, makapagpapataas ito ng kanyang self-esteem.

 

leather-pants-1423502_1920 (1).jpg

Photo courtesy of Couleur via Pixabay

 

Bagama’t maselang issue ang erectile dysfunction, nararapat pa rin na ipatingin sa espesyalista ang kondisyong ito. Doktor lamang ang makapagsasabi kung ano talaga sanhi ng kondisyon at kung ano maaaring gawin ukol dito. Sa kabilang banda, maaari rin namang gumamit ng ED drugs, hormone treatments, at suction device na maaaring makatulong sa erection, o counselling.

 

Nariyan din ang pag-inom ng RiteMED Sildenafil, testosterone treatments, penile constriction rings, penile sleeves, vacuum pumps, injections, suppositories, at surgical implants. Tiyaking ikonsulta sa doktor ang mga ito bago gawin ang isang treatment.