Bad habits for the eyes

October 11, 2016

Ang pagkakaroon ng good vision o eyesight ay isang mahalagang bagay na kung minsan ay napapabayaan ng iba. Ang ilan sa mga problema sa mata ay maaaring hereditary o namana lamang ngunit may mga naka-ugalian din tayong gawain na pwedeng maging sanhi ng mga impeksyon o seryosong problema sa mga mata. Ang pinakamabuting gawin ay alamin ang mga epekto ng mga nakasanayang ito at tiyaking baguhin para sa eye protection at mapanatili ang magandang kondisyon ng mga mata.

 

Narito ang ilan sa mga nakasanayang kaugalian na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga mata o ng eye health:

 

1.Pagtitig ng matagal sa mga gadgets, computer, at TV screen

 

Ang pagtitig ng matagal sa mga cellphone, tablet, computer, at TV ay may masamang epekto sa ating mga mata. Kadalasa’y hindi nakapagpapahinga o nakakapikit ang mata ng tuwing nagbabasa o nanunuod ng mga palabas kaya naman hindi nakukuha ng mga mata ang sapat na lubrication na maaaring maging sanhi ng dry eyes. Magandang ipahinga ang mga mata every 20 minutes at pumikit-pikit habang nanunuod o nagbabasa para mapabuti ang eye health.

 

 

2. Pagtulog na may suot na contact lens

 

Ang pagsuot habang natutulog ng contact lenses ay humaharang para makakuha ng sapat na oxygen ang mga mata at kung minsan ay nauuwi sa impeksyon. Ang mga impeksyon sa mata ay higit na mapanganib lalo na kung mapabayaan dahil makapag dudulot ito ng permanenteng pinsala at kung minsan ay kakailanganing tanggalin ang apektadong mata kapag lumala ito.

 

 

3. Pagkamot o pagkuskos sa mata

 

Ang labis na pagkuskos sa mata ay maaaring mag sanhi ng walang tigil na kati lalo na tuwing allergy season. Kapag may nararanasang allergies, maaaring gumamit ng cool compress dahil ang kaugaliang ito ay pwedeng magdala ng bacteria sa mga mata.Tiyaking umiwas sa warm compress dahil mas makadaragdag ito lalo sa pagkati ng mga mata.

 

4. Hindi pagkain ng masustansya

 

Kinakailangan alagaan ang mga mata sa pamamagitan ng pagkain ng mataas sa vitamins at minerals gaya ng green vegetables, prutas, at isda gaya ng salmon. Magandang samahan din ng pag-eehersisyo upang mapalakas ang resistensya para malabanan ang mga sakit. Ang pag-inom naman ng sapat na tubig kada araw ay makatutulong sa hydration at tear production ng mga mata.

 

5. Paninigarilyo

 

Ang paninigarilyo ay kilala bilang sanhi ng maraming masamang epekto sa katawan. Maari itong mag dulot ng eye diseases katulad ng katarata, macular degeneration, uveitis, at dry eyes. Ang mga taong madalas naninigarilyo ay may mas malaking chance na mabulag kumpara sa mga taong hindi naninigarilyo. Magandang itigil ang bisyo upang mabawan ang risk ng pagkakaroon ng mga eye diseases na nabanggit.

 

 

6. Paggamit ng mumurahing makeup

 

Maaari mang makatipid sa pagbili ng mumurahing make-up, malaki ang posibilidad na ito ang maging sanhi ng pagkasira ng mga mata. Mas mabuting mag-invest sa mga kalidad at kilalang brand nito. Importante na ang mga eye makeup gaya ng eye shadow, mascara, eyeliner, at eye creams ay huwag nang gamitin pagkatapos ng 3 buwan.

 

7. Hindi pagpapacheck-up sa doktor

 

May mga problema sa mata na hindi agad nagpapakita ng mga sintomas gaya ng glaucoma. Ang regular na pagpapatingin sa doctor ng mata ay inirerekomenda upang ma-detect at maagapan kaagad kung may problema man sa mata o wala. Ang mga ophthalmologist o optometrist ang makapagbibigay ng tiyak at naaayon na payo kung mayroon mang nararanasang problema sa mga mata.

 

Sa makabagong panahon ngayon, marami nang mga solusyon at gamot sa pagkakaroon ng mga problema sa mga mata gaya ng laser eye surgery. May kamahalan ang procedure na ito kung kaya’t mas mabuting siguraduhin ang pag-iwas sa mga bad habits na nabanggit para sa eye protection bago pa ito mauwi sa komplikasyon. Kailangan din nating tandaan na dapat gawing priority ang kalusugan ng mga mata upang mapanatili at magkaroon ng good vision ang mga ito.

 

Sources:

 

http://www.cheatsheet.com/health-fitness/7-bad-habits-that-damage-your-eyes.html/?a=viewall

http://www.allaboutvision.com/smoking/

http://www.allaboutvision.com/resources/bad-habits.htm

http://www.crowfootvisioncentre.ca/bad-habits-that-ruin-your-eyes.html

Image 1: Photo courtesy of Poodar Chu via Unsplash

Image 2: Photo courtesy of dbreen via Pixabay

Image 3: Photo courtesy of PublicDomainPictures via Pixabay