Masusutansyang Pagkaing Pang-Outing

April 25, 2017

Tuwing tag-init, lahat ng tao ay gustong magtampisaw sa tubig, mapa-dagat man o swimming pool. Karamihan ay nagtutungo sa mga resort para mag-enjoy at magpalamig. Sinusulit ng pamilya ang bakasyon ng mga bata sa eskwela para  makapagbonding.  

Hindi mawawala sa bawat outing ang iba't-ibang putaheng Pinoy sa mga mala-fiestang handaan. Ngunit, hindi rason ang summer outing para hindi kumain ng masustansya. Mas lalong dapat mag-ingat sa pagkain kung tag-init para maiwasan ang heat stroke o heart attack.

 

Narito ang ilang mga masusustansyang pagkain maaaring baunin sa inyong outing ngayong summer:

 

Adobong Manok

 

Hindi matatawag na outing ng Pinoy ang isang outing kung walang adobong baon. Ito ang laging binabaon dahil matagal itong mapanis. May sauce, may gulay at may protein pa. Mas mainam na manok ang gawing pangunahing sangkap imbes na baboy para maiwasan ang pagkain ng taba. Lagyan din ng madaming patatas ang adobo para sa mga bata. Maaaring ring lagyan ng carrots para sa fiber at vitamin A!

 

Inihaw na Isda

 

Hindi kumpleto ang outing kung walang inihaw. Kaysa baboy, mas maganda kung isda gaya ng tilapia at bangus ang iihawin. Lagyan ng kamatis, sibuyas at bawang ang tyan ng isda para mas malasa. Ang bangus ay mayaman sa protina, vitamin A, vitamin B6, vitamin B12, Calcium, Iron, saturated fat, calories at Omega3. Mababa rin ito sa sodium. Dahan dahan lang sa pagkain ng bangus dahil mataas ang cholesterol nito.


undefined

 

Lato

 

Ang lato o lato-bilog ay masustansyang pagkaing bagay na bagay ipares sa anumang ulam. Mayaman ito sa iron, iodine, calcium, vitamin A at C. Hindi na ito kailangang lutuin kaya sakto ito sa mga outing. Maaari itong ihain bilang salad, samahan lamang ng ginayat

 

Tuna Sandwich

 

Magandang ipakain sa mga bata ang sandwich tuwing aahon sila sa tubig. Mainam na gumamit ng wheat bread para sa fibre na mayroon ito. Kung gagamit ng tuna mula sa lata, piliin ang canned tuna na naka-pack sa tubig para mas mababa ang sodium intake. Lagyan ng lettuce at kamatis ang sandwich!

 

Fresh Buko Juice

 

Kung sawa na kayo sa tubig, maaaring gawing alternative na inumin ang fresh buko juice. Ang buko juice ay nagtataglay ng potassium, isa sa mga importanteng mineral ng katawan. Mayroon din itong magnesium, copper, cytokinins at antioxidants. Mabilis mapanis ang buko juice kung kaya't mainam na bumili nito kung malapit na kayo sa inyong destinasyon.

 

Prutas at Gulay

 

Patok na patok sa mga outing ang mga prutas gaya ng mangga, melon, pakwan, pinya at saging. Ang mga ito ay parte ng grupo ng pagkain na tinatawag na 'Glow food.'Ang mga prutas na ito ay mayaman sa iba't - ibang bitaminang kailangan ng katawan.

 

Para naman maengganyo ang mga batang kumain ng gulay habang nasa outing, gawing veggie stick ang mga gulay gaya ng pipino, carrot at labanos. Ilagay ang mga stick sa tabi ng yelo para malamig na ang mga ito kapag kakainin.


undefined


Tips sa Paghahanda ng Baon Para Sa Outing

1. Planuhin ng maaga ang mga pagkaing dadalhin. Isaisip ang allergies ng mga kasama.

2. Pumili ng mga pagkaing matagal mapanis lalo na kung malayo ang inyong pupuntahan. Kailangang maging maingat sa pagpili at maghahanda ng pagkain dahil mas mabilis mapanis ang mga pagkain tuwing summer dahil sa init ng panahon.

3. Iwasang magbaon ng mga processed na pagkain gaya ng hotdog dahil mataas ito sa calories, sugar at fat.  

4. Maaaring maglagay ng mga sobrang prutas sa tubig para mas maenganyo ang mga batang uminom ng madaming tubig.

5. Siguraduhing malinis ang mga kubyertos na gagamitin sa paghahanda ng pagkain.

6. Maghugas ng kamay bago kumain lalo na kung magkakamay para makaiwas sa sakit.

 

Sources:

  • http://www.thekitchn.com/the-best-foods-to-pack-for-the-beach-91115
  • http://www.thedailymeal.com/7-healthy-snacks-pack-beach-day
  • http://www.rd.com/health/healthy-eating/10-tips-for-the-perfect-beach-picnic/
  • http://www.superkidsnutrition.com/how-to-pack-healthy-snacks-and-meals-for-the-beach/
  • http://sntpost.stii.dost.gov.ph/frames/OcttoDec05/What_you_really_get_from_lato.htm
  • http://mavhealthytips.blogspot.com/2013/06/bangus-health-benefits.html
  • http://healthyeating.sfgate.com/health-benefits-tuna-salad-sandwich-6584.html
  • http://www.mindbodygreen.com/0-18146/7-more-reasons-to-drink-coconut-water.html