Walang pinipiling tao at oras ang sakit ng ulo. Maaring mangyari ito habang nagtatrabaho, nag-aaral o nagpapahinga ngunit iisa lamang ang nagiging epekto: hirap ang sinuman gampanan ang mga pang-araw-araw na gawain kapag madapuan nito. Sa kagandahang palad, maaaring maiwasan ang migraine o sakit ng ulo.
Ang migraine ay dinudulot ng pamamaga ng mga blood vessel, at ang nasabing pamamaga ay maraming sanhi. Ang pagkilala sa mga karaniwang sanhi pati ang iyong mga partikular na trigger ay mainam sa pag-iwas dito. Narito ang ilang tips upang maiwasan ang pag-atake ng migraine.
Maghanda ng isang headache diary
Ang pagiging handa at mausisa sa mga bagay na nagiging sanhi ng iyong migraine ay importante sa pag-iwas sa mga susunod na pag-atake. Itala ang oras at mga posibleng sanhi ng iyong migraine sa isang headache diary. Tulad ng isang imbestigador, unti-unti mong malalaman ang mga eksaktong sanhi ng pananakit ng iyong ulo sa paglista ng mga detalye at paghanap ng mga parehong impormasyon.
Sa pagtuklas ang mga tunay na sanhi, mas madali mo nang maiiwasan ang pananakit ng ulo. Halimbawa, kunwari mayroon kang tension headache, ilista ng ang mga maaaring nagdulot ng stress at anxiety na siyang nagreresulta sa sakit ng ulo.
Iwasan ang labis na pag-inom
Ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng hangover na nagreresulta sa matinding sakit ng ulo, panghihina, pagkahilo, at pagsusuka. May mga uri ng alak na walang kaakibat na migraine, ngunit masama naman sa atay ang labis na konsumo nito at maaaring magdulot ng depression. Upang makaiwas sa literal at matalinghagang sakit ng ulo, huwag uminom nang labis. Gamitin lamang itong pantanggal ng stress.
Iwasang malipasan ng gutom
Karaniwang sanhi ng migraine ang pagtaas ng blood sugar level sa katawan. Nangyayari ito kapag hindi wasto at napapanahon ang pagkain. Siguraduhin na kumain kada tatlong oras o tuwing makaranas ng gutom upang mapanatiling normal ang blood sugar levels. Maaring magbaon ng small snacks kapag papasok sa trabaho. Magbaon na rin ng gamot sa headache upang makasigurado.
Iwasan naman ang labis na pag-kain sapagkat maaaring tumaas ang blood pressure at para makaiwas sa pagiging overweight.
Huwag sobrahan ang pag-inom ng kape
Kung madalas kang uminom ng kape, malamang ay may kataasan ang iyong caffeine level. Withdrawal ang kalaban pag humantong na sa ganitong estado. Ang hindi pag-inom ng kape sa loob ng mahabang oras ay magdudulot ng withdrawal headaches dahil sa biglaang pagbaba ng caffeine levels.
Upang hindi maging dependent sa kape, limitahan lamang sa hanggang 2 tasang kape kada araw ang iyong konsumo. Marami namang mainit na drink ang maaaring inumin kung kinukulang ka sa enerhiya.
Ayusin ang oras ng pagtulog
Ang kakulangan sa tulog at ang iregular na oras ng pagtulog ay parehong nakakagulo ng protein levels ng katawan, kaya nagdudulot ang mga ito ng migraine. Upang makaiwas sa sakit ng ulo, ugaliing matulog at gumising sa takdang oras. Sanayin ang sarili na matulog sa wastong oras, maging sa weekend, at siguraduhing makakuha ng hindi bababa sa anim na oras ng tulog.
Kung sumakit ang iyong ulo, maraming gamot sa migraine ang mahahanap sa mga pharmacy. Paracetamol, ibuprofen, at iba pang katulad na gamot ang iyong maaaring bilhin. Para makamura, pumunta sa isang generic drugstore, kung saan mahahanap lahat ng nasabing gamot sa abot-kayang halaga. Kung hindi nawawala ang iyong sakit ng ulo, kumonsulta sa iyong doktor.
Sources:
- http://www.healthline.com/health/migraine/how-to-avoid-one-before-it-happens#Food3
- http://www.webmd.com/migraines-headaches/guide/understanding-migraine-prevention#1
- http://www.prevention.com/mind-body/natural-remedies/migraine-causes-and-cures
- http://www.everydayhealth.com/news/how-avoid-migraine-headache-triggers-at-work/