10 Masustansyang Pagkain para sa Malusog na Puso

November 28, 2016

 

Ang malusog na puso ay masayang puso. Hindi ito madaling kapitan ng sakit at may sapat na resistensya laban sa mga impeksyon. Madaling maramdaman ang mga benepisyo nito dahil magiging mas maganda ang kondisyon ng iyong katawan. Upang magkaroon ng malusog na puso, dapat magkaroon ng healthy at balanced diet na mababa ang level ng cholesterol.

Kapag nagpatingin sa iyong cardiologist, ikaw ay papayuhang kumain ng mga pagkain na mabuti sa iyong puso. Namamahagi sila ng sustansya na nagpapalakas at nagpapatibay sa nasabing organ. Karamihan sa mga ito ay prutas at gulay, ngunit mayroon ding tila kakaiba. Ating talakayin ang mga ito.

 

1. Salmon

Pinaka-healthy para sa puso ang salmon sapagkat ito ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na nagpapaganda ng daloy ng dugo at nagpapababa ng triglycerides na siya namang nagiging sanhi ng mga sakit sa puso. Isama sa iyong diet ang mga isda gaya ng salmon, tuna, sardinas, o mackerel, at kainin ito nang dalawang beses sa isang linggo.

 

2. Yogurt

Kapag ang mga sakit sa gilagid ay napabayaan, sila ay maaaring maging sanhi ng mga sakit sa puso. Ang yogurt ay mabisang panlaban sa gum diseases at nakakatulong mapanatiling malusog ang puso. Bukod dito, nakakatulong din ang yogurt sa mga gustong magbawas ng timbang dahil kaunti lamang ang calories nito, at tumutulong sa pag-iwas sa atherosclerosis o pagbara ng plaque sa mga daluyan ng dugo.

 

3. Nuts

Gaya ng tuna at salmon, ang almonds at walnuts ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Maliban dito, naglalaman din ang mga ito ng fiber, Vitamin E, at folate. Ang mga nabanggit na sustansya ay tumutulong sa mga operasyon ng puso at sa pag-iwas sa sakit sa puso.

Kapag nasawa ka na sa almonds at walnuts, maaari ding kainin ang pistachio, peanuts, at macadamia nuts. Mas maiging kainin ang mga ito nang walang asin at oil.

 

4. Oatmeal

Ang oatmeal ay nakakapagpababa ng cholesterol dahil mataas ito sa soluble fiber. Mas mainam sa kalusugan ang plain oatmeals kumpara sa mayroong flavor dahil maraming asukal ang mga iyon. Bukod sa oatmeal, healthy rin para sa puso ang iba pang whole grain foods gaya ng tinapay at pasta.

 

5. Red wine

 

undefined

Photo from Pixabay

 

Lingid sa kaalaman ng iba, ang pag-inom ng isang basong red wine araw-araw ay nakakatulong sa pag-iwas sa atherosclerosis at iba pang sakit sa puso. Ang red wine ay mayroong polyphenol at resveratol, na pinapanatiling hiwa-hiwalay ang mga platelets ng dugo. Imbis na uminom ng beer o vodka, wine na lang ang piliin, ngunit huwag ito inumin nang labis.

Maliban sa red wine, maganda rin kung idadagdag sa diet ang pagkain ng ubas o grapes.

 

6. Citrus fruits

Ang orange, grapefruit o suha, at iba pang citrus fruits ay punung-puno ng pectin, na nakakapagpababa ng blood pressure at nakakatulong sa pag-iwas sa atherosclerosis at pamamaga ng arteries. Mayroon din itong hesperidin na nakakapag-enhance ng pagdaloy ng dugo, at Vitamin c na tumutulong sa pag-iwas sa stroke.

 

7. Avocado

Ang avocado ay mayaman sa mono-unsaturated fats, o good fats, na nakakatulong sa pagpapababa ng blood cholesterol at pati na rin sa blood clotting. Masustansya ang avocado para sa puso at masarap kapag hinaluan ng gatas at kaunting asukal.

 

8. Kamatis

Ang kamatis ay mataas sa potassium, na nagpapabuti sa operasyon ng puso, bato, at iba pang organs. Maganda ring source ang kamatis ng lycopene, na tumutulong sa pag-alis ng masamang cholesterol. Napapanatili rin nitong maganda ang daloy ng dugo sa blood vessels at nakakatulong din ito sa pag-iwas ng atake sa puso. Mababa sa calories at sugar ang kamatis, kung kaya nama’y pwedeng-pwede ito idagdag sa kahit anumang diet.

 

9. Dark chocolates

 

undefined

Photo from Pixabay

 

Marami nang naisagawang pagsusuri na siyang nagpapatunay na nakakatulong ang dark chocolates sa pag-iwas sa atherosclerosis, angina, at iba pang sakit sa puso. Nagtataglay sila ng flavonoids, na tumutulong sa pag-regulate ng blood pressure. Kung bibili ng dark chocolates, siguraduhing mayroon itong 70% na cocoa at walang additives gaya ng palm oil.

 

10. Broccoli, spinach, at kale

Ang mga berdeng gulay na ito ay naglalaman ng carotenoids, na tumutulong sa pag-alis ng mga masasamang compounds sa katawan. Masagana din ang mga ito sa fiber, vitamins, at minerals kung kaya nama’y dapat ugaliing isali ang mga ito sa iyong diet.

 

Sources:

  • http://www.health.com/health/gallery/0,,20720182,00.html/view-all#avocado-13
  • http://www.webmd.com/food-recipes/features/11-top-heart-healthy-foods#1
  • https://health.clevelandclinic.org/2015/01/15-heart-healthy-foods-to-work-into-your-diet/
  • http://www.prevention.com/health/health-concerns/best-foods-for-heart-health/