Ang ating katawan ay nagtataglay ng gastric acid na siyang pumapatay sa mga harmful organisms mula sa ating mga kinain. Tumutulong din ito upang matunaw ang pagkain at makuha ang protein at iba pang nutrients na kailangan ng ating katawan. Ngunit ang pagkakaroon ng excess acid ay nakakasama at maaring magresulta sa iba’t ibang komplikasyon sa tiyan tulad ng hyperacidity, dyspepsia, at hilab ng tiyan.
Ang hyperacidity ay isang medical condition kung saan naglalabas ng sobra o excess acid ang ating stomach na nagreresulta sa discomfort. Ito ay maaaring mangyari sa dalawaang paraan:
1. Ang muscle na nagco-contract upang maiwasan ang pagdaloy ng stomach acid papunta sa esophagus ay hindi gumana ng maayos. Ito ang nagsasanhi na makapasok ang digestive fluids na acidic sa esophagus.
2. Mayroong mga taong nag pro-produce o naglalabas ng excess stomach acid sa kanilang katawan.
Maaaring maranasan ang mga sumusunod sa tuwing nakakaramdam ng hyperacidity:
Pagsakit ng upper abdomen
Pagkahilo, pagsusuka, at pagkawala ng appetite na maaaring tumagal ng 1-2 days
Chest pain
Constipation
Sobrang hangin sa tiyan
Hilab ng tiyan
Indigestion o dyspepsia
Maraming dahilan kung bakit nakararanas ng hyperacidity ang isang indibidwal tulad ng medications, stress, pananagarilyo at pag-inom, ngunit ang pangunahing sanhi nito ay ang ating mga kinakain. Anu-ano nga ba ang mga pagkaing dapat iwasan kapag may hyperacidity?
1. Spicy food
Ang pagkain ng mga maaanghang na pagkain ay masustansya sa calcium at vitamins A and C ngunit kung may hyperacidity umiwas sa mga chili peppers, hot sauces, at mga spicy flavored food.
2. Fried food
Ang mga pritong pagkain at matataas sa trans fats, na nakukuha sa processed food, ay mas mahirap madigest kumpara sa iba dahil sa naidudulot nito sa ating digestive tract. Mabigat at mabagal ang overall digestive process ng mga fried food kaya naman mayroong mga naiiwan na excess acids na maaaring umakyat papunta sa esophagus. Maaari ring maiwan at matigil ng mas matagal sa digestive process ang mga fried fats na kung saan ito ay makakapagdagdag sa pressure sa ating stomach.
3. Coffee
Ang kape ay isang laxative at ang pag-inom nito ay nakatutulong upang makadumi ang isang tao sa tuwing may constipation ngunit nakadadagdag din ang pag-inom ng kape sa paglabas ng gastric acid sa ating tiyan na siyang nagdudulot ng hyperacidity.
4. Alcoholic beverages
Hindi lamang pinapataas ng pag-inom ng alcohol ang gastric acid sa ating katawan, ngunit ito rin ay nagdudulot ng dehydration na lalong makapagpapasama sa kalusugan.
5. Acidic fruits
Ang mga prutas ay masusustansya at nakapagpapalakas ng ating katawan ngunit mayroong mga prutas na dapat iwasan kapag may hyperacidity, partikular na rito ay ang mga acidic fruits. Ilan sa mga prutas na may mataas na acid ay berries, apple, pineapple, at mga citrus fruits tulad ng orange at lemon.
6. Dairy products
Ang gatas ay nakapaglalabas ng excessive acid. Maliban sa pag-inom ng gatas, umiwas din sa pag-kain ng iba pang mga dairy products tulad ng yogurt, ice cream, at cheese.
7. Processed baked goods
Ang mga matatamis na pagkain tulad ng brownies at cookies ay acidic lalo na kung ito ay processed baked goods na kung saan puno ito ng artificial colors at preservatives. Umiwas sa lahat ng klase ng refined white sugar at enriched flour dahil ito ang pinakamataas sa acidity.
Umiwas sa mga nabanggit na pagkain upang hindi magkaroon ng hyperacidity. Kumain ng mga pagkaing may mababang acid at uminom ng madaming tubig. Mag-practice ng healthy lifestyle tulad ng pag-eehersisyo, pagkain ng tama at sapat lamang sa ating katawan, at pag-iwas sa alcohol, pananagarilyo, at stress.
Makabubuti rin na uminom ng RiteMED Omeprazole o magpakonsulta at humingi ng payo sa mga doktor kung nakararanas ng mga sintomas ng hyperacidity upang maiwasan ang iba pang mga komplikasyon na lalong makapagpapasama sa ating katawan at kalusugan,
Sources:
http://www.interestinghealthfacts.net/hyperacidity-causes-symptoms-treatments/
http://www.livestrong.com/article/518365-what-foods-to-eat-for-hyperacidity/
http://digestion.ygoy.com/2010/05/10/hyper-acidity-symptoms-and-causes-of-hyperacidity/
http://www.globalhealingcenter.com/natural-health/foods-that-cause-acid-reflux/