Gamot sa rashes ng baby

January 16, 2019

Lahat ng sanggol ay dumadaan sa pagkakaroon ng rashes. Normal lang ito sapagka’t ang balat ng baby ay sadyang maselan at sensitibo sa irritation. Mabuti na lang ang karamihan ng rashes ay kusang nawawala, kahit walang ibigay na lunas.

Bagama’t hindi malubha ang rashes, kailangan pa nating protektahan ang ating mga baby at siguraduhin na sila ay palaging presko at maginhawa.

Ano ang mga uri ng rashes ng baby?

  • Urticaria o hives

Ito ang rashes na madalas nade-develop ng mga bagong panganak. Kulay pink o  mamula-mulang pantal na maliliit na makikita mula mukha hanggang paa.

  • Heat rash

Ito ay nararanasan din ng mga bagong silang na sanggol pero madalas sa mga premature o mga sanggol na napaaga ang pagsilang. Nagkakaroon ng ganitong rashes dahil hindi pa nade-develop ang mga sweat pores ng mga premature baby. Lumalabas ito sa sa ulo ng baby hanggang sa leeg. Kapag hindi na nainitan ang baby ay kusa na siyang nawawala.

  • Milia

Ang milia ay malilit na puting rashes na lumilitaw sa mukha at sa ilong ng baby. Nangyayari ito kapag barado ang pores ng baby. Gamit ang relief cream, isang  gamot sa rashes sa mukha ng baby, mawawala na ang milia matapos lang ng ilang araw.

  • Cradle cap

Ang seborrheic dermatitis o cradle cap ay isang paninilaw na makikita sa bunbunan ng sanggol. Hindi ito nakakahawa at hindi rin dapat ikabahala dahil kusa itong gumagaling.

  • Contact dermatitis

Ang rashes na ito ay reaksyon sa mga shampoo at sabon na nagamit sa baby. Ito ay mamula-mula at maaaring maging iritable sa pakiramdam ng baby. Samantala, ang tinatawag na allergic contact dermatitis ay dulot ng allergens na nanggagaling sa mga halaman o matatapang na pabango.

  • Eczema

Ang kondisyong ito ay namamana kapag ang pamilya ay mayroong asthma o allergic rhinitis (hay fever). Lumilitaw ang mga rashes madalas sa ika-anim na buwan ng sanggol. Nagsisimula ito sa pisngi hanggang sa buong katawan.

  • Nappy Rush / Diaper Rash

undefined

Ang diaper rash ay skin irritation na dulot ng ihi o duming naiwan sa suot na lampin. Kusa itong nawawala kapag napalitan na ang suot na lampin at hinayaang huminga ang balat ng sanggol. Malaking tulong din ang paggamit ng relief cream bilang gamot sa diaper rash.

Gamot sa rashes ng baby

Narito ang ilan sa mga home remedies upang maging komportable ang pakiramdam ng baby sa tuwing nagkaka-rashes.

  • Gumamit ng malinis na lampin at paltan agad kapag dumumi ang baby. Mas mainam kung hahayaang makahinga ang balat ng sanggol bago siya lagyan ng bagong diaper.
  • Magpahid ng kaunting petroleum jelly sa bahaging may rashes.
  • Iwasan ang mga high-potency steroid cream, pulbos, o purong baking-soda o boric-acid bath, pati ang mga ointment na may neomycin sapagkat sensitibo ang balat ng baby.
  • Sa paglilinis ng pwet ng baby, gumamit lamang ng tubig at hypoallergenic na sabon. Hindi nirerekomendang gumamit ng wet wipes dahil madalas ito ay may matapang na kemikal.

May Ritemed ba nito?

Paano gamitin ang Ritemed Calming Relief cream?

undefined

  • Ang relief cream na ito ay gamot sa rashes, pantal at pangangati. Pinapahid ito sa sa mga bahagi ng katawan na may pantal o rashes at pangangati.

Paalala tungkol sa produkto:

  • Ito ay anti-irritant o ginagamit upang hindi mangati. Ito ay anti-oxidant o tumutulong upang makontrol ang pinsala. Ito ay anti-bacterial o pumapatay ng bacteria sa balat.
  • Mayroon itong ingredient na Canadian Willow Herb na nakakagaling sa pamamantal ng mga may sensitibong balat.

References:

https://www.livingandloving.co.za/baby-blog/baby-skin-rashes-what-you-need-to-know

https://www.webmd.com/children/diaper-rash

https://ph.theasianparent.com/diaper-rash-baby/