Healthy Energy-Boosting Recipes Para sa Mga Kids on The Go

April 04, 2017

 

Ngayong tag-araw, dapat tuloy-tuloy lang ang pagiging aktibo ng bata. Sa paglalaro man yan o workshop, dapat palagi silang may energy para laging all-out ang performance. Ang tamang energy ay makukuha sa tamang pagkain. Kung puno ng nutrisyon ang kanilang kakainin, siguradong malakas ang kanilang pangangatawan at maganda ang performance. Ngunit minsan, nagiging sagabal ang presyo ng mga ingredients sa paghanda ng healthy at energy-boosting na pagkain para sa mga batang on the go. Huwag mag-alala, narito ang ilang recipes na hindi lang malusog, pasok pa sa budget!
 

  1. Hearty Sopas

    Mainam itong ihanda mapa-almusal man o meryenda. Kompleto ang nutrisyon ang meron sa recipe na ito. Mayaman ito sa calcium, fibers, protein, at carbohydrate. Narito ang ingredients at paraan ng pagluto nito:

    Ingredients:
    - Bawang
    - Sibuyas
    - Manok
    - Macaroni Noodles
    - Isang maliit na lata ng gatas
    - Keso
    - Repolyo
    - Carrots
    - Celery

    Paraan ng pagluto:
    1. Igisa ang bawang, sibuyas, at hiniwang manok.
    2. Ilagay ang carrots at macaroni noodles. Lagyan ng kaunting patis at takpan ng mga tatlong minuto.
    3. Lagyan ng limang tasang tubig at hayaang kumulo.
    4. Kapag kumukulo na at luto na ang noodles, ihalo ang gatas, keso, repolyo, at celery.
    5. Takpan uli ito at hayaang kumulo ng mga limang minuto.
    6. Kapag luto na ang Hearty Sopas, dagdagan ng keso sa ibabaw para sa mas creamy na meryenda!

     

  2. Banana Ube Langka Turon

    undefined

Mahilig ang mga batasa matatamis kaya siguradong magugustuhan nila ang recipe na ito! Bukod pa riyan, napakadali lamang nitong gawin sa bahay!

Ingredients:
- Saging na saba, hiniwa sa dalawa.
- Ube halaya
- Langka, shredded.
- Asukal na pula
- Turon wrapper

Paraan ng pagluto:
1. Ilatag ang turon wrapper.
2. Pahiran ng ube halaya ang wrapper.
3. Ipatong dito ang sliced na saging.
4. Irolyo ang wrap hanggang sa ito ay maging sarado.
5. Pagulungin ito sa asukal na pulo bago ihulog sa kumukulong mantika.
6. Iprito hanggang sa ito ay maging golden brown.
7. Kapag ihahain na ito ay maaaring samahan ng ube-halaya sauce para sa sawsawan.

 

  1. Grilled Banana Choc-nut Ensaymada

    Napakadali lamang gawin ng recipe na ito. Lahat ng ingredients dito ay maaaring mayroon na sa inyong kusina. Tiyak na magugustuhan ito ng buong pamilya dahil sa ito ay mura na, healthy pa.

    Ingredients:
    - 2 pcs ensaymada
    - Choc-nut, dinurog
    - 2 saging, sliced
    - butter

    Paraan ng pagluto:
    1. Pisain ang dalawang ensaymada.
    2. Painitin ang kawali at ilagay ang butter.
    3. Iprito ang ensaymada hanggang sa maging brown ang asukal.
    4. Baliktarin ang tinapay at ipatong ang saging at budburan ng dinurog na choc-nut.
    5. Ayusin na parang sandwich.
    6. Lagyan ng hiniwang butter sa ibabaw habang mainit pa ito.
    7. Maaaring maghanda ng kape, gatas, o hot chocolate para mas kompleto ang meryenda.

undefined


Simple lamang ang paraan para gawing healthy ang mga energy-boosting food na ihahain para sa mga bata. Higit pa riyan, hindi kailangan gumastos na malaki. Ang mahalaga ay creativity sa kung paano gamitin ang mga pagkain na maaaring mayroon na kayo sa inyong mga bahay.


Sources:

  • http://happypinaymommy.com/2015/08/21/seven-filipino-recipes-under-100-pesos/
  • http://panlasangpinoy.com/2011/07/22/25-filipino-recipes-to-enjoy-with-the-family/