Sa ngayon, ang mga kababaihan ay makikitang mas tutok sa pangangalaga ng kanilang kalusugan mula sa pagpili ng kanilang kakainin hanggang sa uri ng ehersisyo na kanilang gagawin. Ngunit, hindi rin nalalayo dito ang mga kalalakihan sapagkat sila rin ay may kalusugang dapat pangalagaan.
Kung ikaw ay lalaki, o isang mahal sa buhay, basahin ang mga tips sa ibaba upang mas magabayan ka tungkol sa men’s nutrition at men’s health concerns.
Iwasan ang pag-inom ng alcohol at paninigarilyo
Hindi lingid sa iyong kaalaman na maraming masamang epekto sa kalusugan ang malimit na pag-inom ng alak at paninigarilyo. Maaari itong makaapekto sa ating atay at baga na nakapagdudulot ng mas malaking problema tulad ng pagkaroon ng kanser na isa sa diseases of men. Isa pa sa itinuturing na men’s health concerns ay ang nikotina at alcohol na mabilis na nakakasira ng sperm higit na doble kumpara sa ibang sanhi na nakakaapekto sa sigla nito.
Iwasan ang stress
Ayon sa isang neuroscience research, mas nagiging “mean” o magaspang ang ugali ng lalaki kapag nakakaranas ng stress, kumpara sa mga babae. Sa mga lalaki, ang stress ay nagdudulot ng pagkawala ng balance ng hormones na testosterone at oxytocin. Mas maraming nailalabas na testosterone ang lalaki tuwing siya ay stressed, habang kakaunti lamang ang oxytocin. Ang oxytocin ang hormone na nagiging sanhi kung bakit nagiging kalmado at relaxed ang isang tao.
Upang mapunan ang oxytocin, maaaring bumili ng nasal sprays na nagtataglay nito, ngunit hindi naman kailangang ugaliing bumili nito. Bukod sa nasal sprays, matutong kontrolin ang iyong emotion at iwasan ang mga bagay na alam mong makapagbibigay sa iyo ng stress.
Photo courtesy of cattalin via Pixabay
Kumain ng sapat na pagkain lamang
Ikaw ba o may kilala ka bang lalaking malaki ang tiyan na tinatawag na “beer belly”? Para naman sa men’s nutrition, karaniwang nagkakaroon ng beer belly ang mga lalaki dahil sa labis na pag-inom at pagkain. Ngunit paano nga ba nakaka-accumulate ng ganitong karaming taba?
Ang taba ay nagmumula sa mga sobrang pagkain na kailangan ng katawan upang makapagbigay enerhiya sa pang araw-araw na gawain ng tao. Naiipon ang taba kapag may sobra - sobrang supply nito at hindi naman nagagamit ng ating katawan. Ngunit bakit nga ba ang tiyan ang kapansin-pansing tumataba sa mga lalaki?
Nagkakatalo ito sa pagkakaiba ng pagkalat ng taba sa katawan ng babae at lalaki. Sa mga kababaihan, sa balakang napupunta ang mga taba, samantalang sa mga kalalakihan naman ay sa tiyan ito naiipon kaya ugaliing kumain ng sapat lamang para ma-supplyan ang pang araw-araw na enerhiyang kailangan ng iyong katawan. Piliin din ang mga kinakain at umiwas sa masyadong maraming alak at pulutan.
Magkaroon ng regular ng pag-eehersisyo
Sa panahon natin ngayon, marami ng naglalabasang iba’t ibang uri ng ehersisyo na nakadepende sa pangangailangan ng ating katawan. Maaari nang pumili ngayon ng isang programa kung saan mas ninanais mong linangin ang iyong pisikal na anyo.
Hindi lamang makapagbibigay ng self-confidence ang isang maayos at toned na katawan, ngunit malaking tulong din ito para sa ating sistema. Ang pag-eehersisyo ay makakatulong upang panatilihing masigla at mag-function ng maayos ang puso at baga ng isang tao, gayundin ang blood circulation nito.
Makakatulong din ito upang mapanatiling “in shape” ang isang tao na nangangahulugang napapanatili ang normal na timbang at hindi na kailangan pang bumili pa ng supplement upang mapunan ito.
Photo courtesy of skeeze via Pixabay
Bagama’t ang mga inilahad ay pawang gabay lamang upang mapanatiling malusog ang pangangatawan lalo na ng mga kalalakihan, makabubuti pa ring sundin ito o subukang gawin ang mga bagay na ikasisigla ng ating pangangatawan.
Ang pangangalaga sa katawan at kalusugan ng mga kalalakihan ay hindi lang dapat napagtutuunan ng pansin tuwing National Men’s Day, ngunit dapat ay pakatutukan sa araw-araw.
Sources:
http://tipsnikatoto.blogspot.com/2012/08/mens-health-tips-para-malusog-ang.html
http://www.philstar.com/para-malibang/2015/02/27/1427935/mas-madaling-ma-stress-si-kuya-1