Mapa-lalaki man o babae, walang pinipili ang sakit. Ngunit, tulad ng sa mga kababaihan, mayroon ding mga karaniwang sakit na kinakaharap ang mga lalaki. Hindi man bago sa atin ang mga karamdamang ito, nararapat pa ring malaman ang mga ito upang maagapan at mabigyang lunas kung kinakailangan.
Cancer
May iba’t ibang uri ng kanser na maaaring kaharapin ng mga kalalakihan. Ilan dito ay ang prostate at lung cancer. Ang mga kalalakihang may edad 50 pataas ang kadalasang natatamaan ng sakit na prostate cancer. Bagama’t ang uri ng kanser na ito ay maaaring namamana o hereditary, maaari rin itong makuha sa paninigarilyo at pag-aabuso sa katawan. Karaniwang sintomas ng prostate cancer ay ang madalas na pag-ihi sa gabi, paputol-putol na ihi, ihi na may kasamang dugo, at ang pagsakit ng balakang.
Samantala, ang lung cancer ay isa sa pangunahing sakit ng mga lalaki dulot ng paninigarilyo. Ngunit, bukod dito at tulad ng prostate cancer, ang lung cancer ay maaari ring hereditary o kaya nama’y dulot ng polusyon sa hangin.
May mga pagkain na maaring maging panlaban sa cancer. Upang makaiwas sa prostate cancer, kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo. Sa lung cancer naman, kumain ng maraming kamote. Damihan ang pagkain ng anti-cancer foods at bawasan ang mga karne at taba.
Photo courtesy of Unsplash via Pixabay
Diabetes
Ang diabetes ay isang chronic disease o pangmatagalang sakit na dulot ng mataas na blood sugar sa katawan. Ang sakit na ito ay kinakailagan ng kombinasyon ng gamot na iniinom at pagbabago sa pagkain at pamumuhay. Regular na i-monitor ang blood pressure ng pasyente gamit ang glucose monitors. Maaari itong gawin sa sariling tahanan o kaya naman ay sa health center.
Kung ikaw ay may diabetes, umiwas sa pag-kain ng matataba at matatamis. Iwasasan din ang paninigarilyo at limitahan ang pag-inom ng alak. Malaking tulong din ang pagiging aktibo at pag-eehersisyo kasabay ng pagkain ng mga masusustansyang pagkain.
Heart Diseases
Kapag sakit sa puso ang usapan, madalas daw tamaan nito ang mga lalaki. Ang sakit na ito ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan sa bansa. Dahil sa walang sintomas at senyales ang sakit na ito, kung minsan ay huli na para maagapan pa. Kaya’t nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin at obserbahan ang kahit maliit na senyales ng pagkakaroon nito.
Ang ilan sa senyales ng pagkakaroon ng sakit sa puso ay ang madalas na pagkahilo, pagsusuka, at sobrang pagpapawis.
Headache o Sakit sa ulo
Marami ang pwedeng maging dahilan ng pananakit ng ulo. Una, dahil sa pagta-trabaho sa harap ng computer, maaaring naapektuhan na nito ang ating paningin. Maaaring kumonsulta sa optometrist o ophthalmologist upang ipasuri ang iyong mga mata. Pangalawa, maaari namang naninibago lang ang mga ugat natin sa ulo sanhi ng pabago-bagong panahon. At pangatlo, ang paninikip ng mga muscles ng ulo kapag naii-stress.
Para sa pananakit ng ulo dahil sa stress, maaaring subukan ang acupressure massage. Bilang paalala, iwasang ipamasahe ang iyong batok sa likod at harap ng leeg dahil maaaring magdulot ito ng pagka-paralisa.
Insomnia
Kabilang sa sakit ng mga lalake ay ang Iinsomnia. Kung nakakaranas ng hirap sa pagtulog sa gabi, mahalagang suriin kung ano ang dahilan nito. Maaaring ito ay dulot ng stress sa trabaho, mga kinakaharap na problema, o ang paghinto sa bisyo tulad ng pag-iinom o paninigarilyo.
Maraming pwedeng maging sanhi ng insomnia, ngunit upang ito ay maiwasan, subukang uminom ng mainit na chamomile tea with honey bago matulog at langhapin ang usok nito. Ang chamomile ay sinasabing nagpapa-relax ng ating katawan. Subukan ding kumain ng isang saging sa gabi upang matanggal ang stress.
Photo courtesy of DarkoStojanovic via Pixabay
Marami pang ibang sakit na kinakaharap ng mga kalalakihan. Nariyan din ang stroke at depression na kung minsan ay nagiging sanhi rin ng kanilang kamatayan. Upang makasiguradong ligtas at malusog ang iyong pangangatawan, mas makabubuti pa ring kumonsulta sa doktor upang ikaw ay magabayan.
Sources:
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2013/03/21/922142/mga-sakit-ng-lalaki
https://www.untvweb.com/news/prostate-cancer-nangungunang-sakit-ng-kalalakihan-sa-ngayon/
http://www.philstar.com/punto-mo/2015/07/05/1473462/masakit-ang-ulo-headache-ano-kaya-ito