Photo Courtesy of Pixabay
Tuluyan na ngang nagtapos ang summer season at nagpaparamdam na muli ang pulu-pulong pag-ulan. Kasabay ng pagbabago na ito ng panahon ay ang mga dala nitong sakit tulad ng colds, flu, trangkaso, o anumang virus. Dapat nating mapanatiling malakas at malusog ang ating pangangatawan para sa ganitong mga uri ng sakit.
Bukod sa bitamina at ehersisyo, malaki ang tulong ng mga pagkaing ating kinakain upang mapalakas ang ating resistensya. Alamin ang ilang healthy recipes na maaaring ihain sa pamilya ngayong panahon ng taglamig.
Photo courtesy of cegoh via Pixabay
Bulalo (Beef Shank Soup)
Ang Bulalo (Beef Shank Soup) ay hindi lamang perfect para sa malamig na panahon, ngunit malaki rin ang hatid na sustansya ng mga sangkap nito. Ang Bulalo soup ay ginagamitan ng beef shank at bone marrow ng baka. Maging ang bone broth stock nito ay malaki rin ang nutritional level. Karamihan sa mga popular na Bulalohan ay matatagpuan sa Tagaytay at Batangas.
Ang recipe sa ibaba ay aabot ng hanggang apat na servings.
Mga sangkap:
2 lbs. beef shank
Kalahating piraso ng repolyo
Isang maliit na bundle ng pechay
3 piraso ng mais, hinati sa tatlo
2 kutsarang paminta
½ tasang onion leeks
1 medium-sized na sibuyas
34 ounces na tubig
2 kutsara na patis (optional)
Hakbang sa pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig sa isang malaking sisidlan.
2. Ilagay ang beef shank, sibuyas, paminta, at pakuluin ng isa’t kalahating oras (30 minutes kung gamit ay pressure cooker) o haggang malambot na ang karne.
3. Idagdag ang mais at pakuluin muli ng 10 minuto.
4. Idagdag na ang patis, pechay, repolyo, at onion leeks.
5. I-serve ng mainit-init. Enjoy!
Photo courtesy of Olichel via Pixabay
Chicken Sopas
Ang Chicken Sopas ay isang creamy soup na may halong elbow macaroni, butter, at karne ng manok. Ang soup na ito ay magandang comfort food at tulad ng Bulalo ay masarap din ihain tuwing tag-ulan. Masustansya rin ang pagkaing ito dahil sa iba’t ibang uri ng gulay na maaari mong ihalo tulad ng red bell peppers, carrots, at celeries. Maaari rin itong ihain sa mga taong may flu o colds.
Mga sangkap:
3 kutsarang butter
3/4 tasang hilaw na elbow macaroni
2 pirasong chicken breast fillet
2 ulo ng bawang, minced
1/2 sibuyas, chopped
2 pirasong hotdog, sliced
1 red bell pepper, cubed
1 carrot, cubed
2 stalks celery, cut into half-inch pieces
1/2 tasang ebaporadang gatas
Asin, paminta, at 1 chicken broth cube para sa dagdag na pampalasa
6 tasang tubig
Hakbang sa pagluluto:
-
Ilagay ang manok sa kaserola, idagdag ang tubig, at pakuluin sa loob ng 20 minuto. Tanggalin ang manok at itabi.
-
Habang kumukulo pa ang tubig sa kaserola, ilagay ang macaroni. Pakuluin sa loob ng 10-12 minuto, at idagdag ang carrots at celery sa huling limang minuto.
-
Habang hinihintay na maluto ang macaroni, hiwain ng pa-cube ang manok.
-
Sa isang kawali, tunawin ang butter at igisa ang bawang, sibuyas, hotdog, at manok.
-
Kung bahagya nang nagkulay-brown ang manok, idagdag na ang bell pepper at igisa ang lahat ng sangkap sa kawali ng isa pang minuto.
-
Ilipat ang lahat ng sangkap sa kaserola.
-
Idagdag ang gatas at haluin. Idagdag na rin ang asin at paminta.
-
Para sa karagdagdang flavor, ihalo ang chicken broth cube. Haluin hanggang sa matunaw ito.
-
I-serve ng mainit-init. Enjoy!
Photo courtesy of makamuki0 via Pixabay
Fish Tinola
Isa pa sa mga masarap at healthy na soup dish tuwing taglamig ay ang Fish Tinola. Bukod sa isda, kabilang din sa sangkap nito ang papaya o sayote, malunggay, at dahon ng sili. Maaaring gumamit ng ibang uri ng isda para sa tinolang isda, ngunit sa recipe na ito ay gagamit tayo ng hasa-hasa.
Mga sangkap:
1 pirasong malaking hasa-hasa
1 pirasong sayote, peeled and wedged
1 pirasong bawang
2 pirasong chili
2 tasang dahon ng malunggay
1 kutsara ng luya (thin strips)
2 kutsara ng patis
4 tasa ng tubig
½ kutsarita ng paminta
2 kutsara ng mantika
Hakbang sa pagluluto:
-
Ilagay ang isda sa kawaling may mainit na mantika sa loob ng isang minuto (per side). Tanggalin sa kawali at itabi.
-
Sa kaparehong kawali, igisa ang bawang at luya.
-
Ihalo ang paminta at lagyan ng patis.
-
Ilagay ang tubig at pakuluin.
-
Ilagay ang sayote at chili. Lutuin sa loob ng limang minuto.
-
Idagdag ang nilutong isda at pakuluin sa loob muli ng limang minuto.
-