Positive Disposition While Facing Sickness

October 31, 2016

Madaling magpaka-positibo kung short term sickness lamang ang kinakaharap mo tulad ng lagnat o sipon. Ngunit, ibang usapan na kung ito ay chronic diseases o life-threatening diseases tulad ng cancer.

 

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang tao ay nagdudulot ng mahabang buhay, mababa ang level ng nararanasang depression o stress, at malakas ang resistensya at pangangatawan.  Mababa rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng sakit sa puso at nagtataglay ng malakas na fighting spirit.

 

Narito ang ilang gabay upang magkaroon ng positive thinking habang ikaw ay kumakaharap sa iyong karamdaman.

 

1.Harapin ang resulta ng iyong diagnosis

 

Mas nakadaragdag ng bigat sa ating dibdib ang masyadong pag-iisip sa resulta ng ating diagnosis. Bagama’t nakapanlulumo ngang malaman na tayo ay humaharap sa isang illness tulad ng heart disease, huwag kalilimutang maaari itong paglabanan ng ating katawan.

 

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers ng University of Illinois, ang mga taong may mataas ang level ng optimism o positive thinking ay dalawang beses na mas ligtas sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ito ay kung ihahambing sa mga taong pessimistic o mga taong negatibo kung mag-isip ukol sa head researcher na si Rosalba Hernandez.

image111.jpg

 

Samantala, kinumpirma naman ng Harvard University noong 2012 na ang pagiging optimistic ng isang tao ay maaaring maging pananggalang niya mula sa pagkakaroon ng heart disease at stroke.

 

2.Iwaksi sa isipan ang negatibong pananaw ukol sa iyong paligid

 

Habang nasa gitna ng sakit, hindi natin maiiwasan na makaramdam ng panlulumo. Iwasang mag-isip ng negatibo, bagkus harapin ang iyong karamdaman ng may magandang disposisyon at pag-asang iinam ang iyong pakiramdam ito at magiging maayos na muli ang iyong buhay.

 

Upang simulan, sa pagkakataong nakakaisip ka na ng negative thoughts, dali-dali itong kontrahin ng isang positibong pananaw. Paulit-ulit itong gawin hanggang sa makasanayan na. Ang habit na ito ay maaring makapagbigay sa iyo ng mas mapayapa at positibong mindset na makakatulong din sa iyong pisikal na pangangatawan.

 

3.Kontrolin ang iyong emosyon

 

Isa pang paraan upang magkaroon ng positibong disposisyon ay ang pag kontrol sa iyong ibang emosyon, lalo na ang galit. Ang pagkakaroon ng negatibong emosyon tulad ng ngitngit o galit ay may katumbas na negatibong epekto sa ating pisikal na pangangatawan at maging sa ating sistema.

 

Kung ikaw ay nasa gitna ng laban sa iyong karamdaman, hindi makabubuting madagdagan pa ang iyong sakit dulo ng mga negatibong emosyon na iyong nararamdaman. Hangga’t maaari ay kontrolin ito at iwasan ang mga bagay na maaaring magdulot sa iyo upang maramdaman ang naturang emosyon.

 

4.Pahalagahan ang bawat sandali

 

Ang pagkakaroon ng serious illness ay nangangahulugan na magbibilang ng ilang buwan ang iyong pagkakasakit. Sa mga panahong ito, isipin ang mga masasaya at makabuluhang bagay sa halip na negatibo. Ang bawat pagpapahalaga na inilalaan mo sa bawat sandali ay makapagdudulot sa iyo ng kaligayahan.

 

Makabubuti rin ang pagkakaroon ng support system sapagkat maaaring makapagpagaan ito ng iyong kalooban. Nariyan ang pamilya, kaibigan, at ibang mahal sa buhay upang ikaw ay magabayan.

 

Iwaksing isipin ang mangyayari sa hinaharap bagkus ay mabuhay ka sa kasalukuyan. Hayaan mo ang sarili mong i-enjoy ang bawat sandali at mahalaga na tingnan ang ganda ng bawat araw kaysa panlumuan ito. Pumunta sa mga lugar na maaaring makapagbigay sa’yo ng peace of mind, o di kaya nama’y sumubok ng mga laro ng maaari mong gawin at i-enjoy.

Tandaan na nagre-react lamang ang ating katawan batay sa mga bagay na nasa ating isipan. Bagama’t hindi kaaya-ayang balita ang pagkakaroon ng karamdaman, hindi pa ito ang katapusan. Harapin natin ang bawat araw ng may positibong disposisyon upang hindi maging ganoon kabigat ang ating dinadala.

 

Sources:

 

http://www.philstar.com/para-malibang/2014/01/04/1274915/positibong-pananaw-ngayong-bagong-taon-1

http://www.philstar.com/para-malibang/2014/12/12/1401571/magandang-kalusugan-positibong-pananaw

http://dokalternatibo.org/pagiging-positibo-makakatulong-laban-sa-sakit-sa-puso/

http://www.philstar.com/opinyon/530983/negatibong-emosyon-nakasisira-sa-katawan

Image 1: Photo courtesy of Pixabay

Image 2:  Photo courtesy of Pixabay

Image3: Photo courtesy of Pixabay