5 Bagay na Dapat Alamin sa Paracetamol

August 26, 2020

Isa ang paracetamol o acetaminophen sa mga gamot na karaniwang iniinom ng mga tao kung sumasama ang kanilang pakiramdam. Mahalaga na alamin ang tamang pag-inom at mga bagay na dapat iwasan dito.


Narito ang limang mga bagay na dapat alamin bago uminom ng paracetamol:

1. Paano ito gumagana?

Ginagamit ang paracetamol sa pampawala ng kirot sa katawan. Ayon sa mga eksperto, hindi sila sigurado kung paano partikular na gumagana ang paracetamol, subalit hinala ng mga ito na hinaharangan nito ang cyclo-oxygenase (COX) enzyme na kadalasang nasa sa utak ng tao.

Nabibilang ang paracetamol sa klase ng medisinang tinatawag na analgestics o pain relievers. Maaari rin itong tawaging antipyretic dahil napapababa nito ang init na dulot ng lagnat.
 

2. Ano ang benepisyo sa pag-inom nito?

Epektibo ito na pansamantalang pampaalis ng mga kirot sa katawan o sakit sa ulo. Maaari rin itong gamiting gamot sa iba pang kondisyon tulad ng rayuma, sipon, sakit sa likod, ipin, o sa puson dulot ng regla.

Pinababa rin nito ang lagnat, subalit hindi nito nakagagamot ng implamasyon.

Mabilis itong mahanap sa anumang mga tindahan. Mabibili ito sa iba’t-ibang klase ng pormulasyon tulad ng liquid, oral na tableta, oral disintegrating na tableta, chewable na tableta, controlled-releasena tableta, dispersible na tableta, injectable, at rectal preparations.

Mayroon ding nabibiling generic na uri ng paracetamol.
 

3. Ano ang mga side-effect nito?

Kung ikaw ay nasa edad 18 hanggang 60, na walang iba pang iniinom na gamot, walang ibang malalang sakit, maaari mong maranasan ang mga side effect na ito:

  • Pangangati ng katawan
  • Paghihirap sa pagdumi
  • Pagsusuka
  • Sakit sa ulo
  • Hirap sa pagtulog
  • Pagkakabalisa

Ang paracetamol overdose ay maaaring magdulot ng gastrointestinal o liver damage.

4. Ano ang mga dapat tandaan sa tuwing iinom nito?

  • Maaari itong inumin na walang laman na pagkain ang sikmura. Subalit makatulong ang pagkain upang hindi sumakit ang tiyan.
  • Uminom lamang ayon sa nirerekomendang paracetamol dosage dahil maaari itong magdulot ng pagkasira ng atay.
  • Kung ikaw ay isang matanda o teenager na may timbang na 50 kilograms, hindi dapat lalagpas sa 500 mg pero dose ng paracetamol ang dapat inumin o 4000mg sa loob ng isang araw.
  • Laging kumonsulta muna sa doktor kung magpapainom ng paracetamol sa mga bata na may edad dalawa pababa. Kung ikaw ay magpapainom ng paracetamol for kids, laging sundin ang tamang dosage at gumamit ng syringe bilang panukat.
  • Laging alugin ang liquid na uri ng paracetamol bago ito inumin. Nararapat din na nguyain nang maayos ang chewable na klase ng tableta.
  • Ipagbigay alam sa mga doktor kung lumala ang sintomas, kung mamula o mamaga ang parte ng katawan na sumasakit, o kung tumagal ang lagnat ng lagpas tatlong araw.
  • Kumonsulta rin agad sa doktor kung ang anak na uminom ng paracetamol ay mayroong sore throat at hindi gumagaling.
  • Magtungo kaagad sa ospital kung nakararanas ng sakit sa taas na parte ng tiyan, pagkawala ng gana sa pagkain, pagdilaw ng balat at pag-itim ng kulay ng dumi.
  • Alamin muna sa doktor kung puwede ba ang paracetamol for pregnant bago uminom nito.

 5. Anong mga gamot ang nararapat iwasan kung uminom ng paracetamol?

Ang pag-inom ng ibang gamot kasabay ng paracetamol ay posibleng makaapekto sa pagiging epektibo nito. Maaaring mabawasan  o mapabilis mawala ang bisa ng paracetamol. Kumonsulta sa doktor ukol dito upang masigurado na gumana ang mga gamot na iniinom.

Ito ang ilang mga gamot na maaaring makaapekto sa paracetamol:

  • barbiturates
  • busulfan
  • carbamazepine
  • dapsone
  • flucloxacillin
  • isoniazid
  • lamotrigine
  • phenylephrine
  • probenecid
  • warfarin.

Iwasan din ang pag-inom ng alak dahil maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay.

Mas maigi na humingi ng payo mula sa mga eksperto bago uminom ng mga gamot kasabay ng paracetamol.

Soruce:

https://www.drugs.com/tips/paracetamol-patient-tips