Sa pakikipagtalik, ang simpleng pananakit at pamamantal ng ari ay maaaring senyales ng isang uri ng sexually transmitted infection na nanunumbalik tuwing nagiging aktibo ang virus na nagdudulot nito. Galing sa herpes simplex virus, ang genital herpes ay nagdudulot ng matinding pamamaltos at panunugat sa ari.
Ang sakit na ito ay maaaring makontrol. Nananatili sa loob ng katawan ang herpes simplex virus, kadalasang kadikit ng mga nerve cells, hanggang sa ito ay maging aktibo. Napipigilian ang panunumbalik ng mga sintomas sa pag-inom ng gamot, pagkain ng tamang diyeta, at pag-iwas sa stress. Napapaginhawa naman ang sakit na nararamdaman sa pag-inom at paglalagay ng gamot sa herpes.
Umiwas sa pakikipagtalik
Habang aktibo ang herpes virus o kapag may mga nararamdamang sintomas, umiwas sa pakikipagtalik. Maaaring lumala ang karamdaman at tumagal ang pagkawala ng mga sintomas. Iwasan ang paghipo sa lugar ng impeksyon. Ang maruruming bahagi ng katawan ay maaaring maka-irita sa mga paltos at sugat, gayun din ang malakas na physical contact.
Maging malinis sa katawan
Ugaliing ang paghuhugas ng kamay, lalo na sa ilalim ng mga kuko, bago magpahid ng gamot sa mga apektadong parte ng katawan. Maligo sa maligamgam at tubig-alat ng tatlo o apat na beses sa isang araw upang hindi dapuan ng bacteria ang mga paltos at mapabilis ang paggaling ng mga sugat.
Panatilihing malinis at tuyo ang apektadong bahagi. Maaring budburan ng gawgaw ang underwear, na magsisilbing panangga sa mga bagay na maaaring magdulot ng impeksyon.
Uminom ng mga Gamot sa Herpes
Tandaan na ang mga gamot sa herpes ay hindi magpapawala sa nasabing karamdaman, ngunit napapawi ng mga ito ang mga sintomas hanggang sa maging payapa ang herpes virus. Maaaring uminom o gumamit ng mga gamot na may acyclovir, famciclovir, valacyclovir, famvir at iba pang katulad na antiviral medication.
Upang malaman ang gamot na pinaka-angkop sa iyo, kumonsulta sa iyong doktor. Kanyang aalamin ang mga lunas na maaaring hindi magdala ng mga side effect.
Umiwas sa stress at anxiety
Bawasan ang stress, dahil ang negatibong reaksyon ng katawan at isip ay pinapabagal ang paggaling ng mga paltos at iba pang sintomas. Kapag napunta sa sitwasyon na nakakabahala, maaaring daanin ang nararamdaman sa pag-kain, ehersisyo, at pagre-relax. Kausapin ang matalik na kaibigan kung kinakailangan.
Maaaring maiwasan at masolusyonan ang mga venereal diseases gaya ng genital herpes. Ngunit, kung hindi mag-iingat sa pakikipagtalik, baka sakuna ang iyong sapitin. Gumamit ng proteksyon upang maibsan ang panganib. Tandaan na ang malulubhang kondisyon gaya ng AIDS at Hepatitis ay mga sexually transmitted infection.
Sources:
http://www.webmd.com/genital-herpes/guide/what-is-it
http://www.progressivehealth.com/herpes-management.htm
http://www.progressivehealth.com/herpes-management.htm
http://www.ashasexualhealth.org/stdsstis/herpes/herpes-treatment/
https://www.drugs.com/famvir.html