Ang Filipino Elderly Week ay ipinagdidiriwang tuwing first week ng buwan ng Oktubre. Nakasailalim ang pagdiriwang na ito sa Proclamation No. 470 na pinirmahan ng dating Presidenteng Fidel V. Ramos na kung saan ninanais ng Filipino Elderly Week na bigyang pagkilala ang mga kontribusyon ng mga matatanda o senior citizens sa ating bansa.
Nagiging hamon na sa habang tumatanda ang pagkakaroon ng sapat na nutrients sa katawan dahil na rin sa limitasyon ng kanilang edad. Isa na marahil sa mga karaniwang paraan upang mapabuti ang kalusugan ng mga matatanda ay ang pagbibigay at pagpaainom ng nutritional supplements for the elderly kasabay ng pagkain ng masustansyang pagkain gaya ng mga prutas at gulay. Anu-ano nga ba ang mga recommended vitamins for the elderly?
1. Vitamin B12
Ang Vitamin B12 ay responsable sa paggawa ng red blood cells, DNA, at pagpapanatiling malusog ng nerve functions. Ayon kay Katherine Tucker, RD, PhD, chair ng department of health sciences sa Northeastern University sa Boston, na hamon para sa mga matatanda ang pagkakaroon ng sapat na B12 sa katawan dahil mas mahirap na nila itong makukuha kumpara sa mga kabataan sanhi ng kanilang edad. Maaaring kumonsulta sa mga eksperto ng geriatric medicine kung kinakailangang uminom ng supplements para sa Vitamin B12 o kumain ng mga pagkaing masusustansya rito tulad ng itlog, isda, baboy, at gatas.
2. Folate/Folic Acid
Maaaring mag-sanhi ng anemia kung kulang ng folic acids ang katawan. Upang makaiwas sa anemia, kumain ng mga pagkaing masustansya sa folate. Ilan sa mga mapagkukuhanan ng vitamin na ito ay ang mga gulay, prutas, at fortified cereals.
3. Calcium
Kasabay ng pagtanda ang paghina ng mga buto na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng osteoporosis, brittle bones, at fractures. Importante ang calcium sa pagbuo at pag-maintain ng malakas at matibay na mga buto na makukuha mula sa pag-inom ng low-fat milk, pagkain ng broccoli at kale, at iba pang mga dairy products. Maliban sa pagkain ng mga nabanggit na pagkain, mahusay din na pampalakas ng buto para sa mga matatanda ang pag-eehersisyo tulad ng pagsasayaw at mga light exercises.
4. Vitamin D
Tumutulong ang Vitamin D upang ma-absorb ng katawan ang calcium, mapanatili ang bone density, at maiwasan ang osteoporosis. Ayon din sa recent findings, sinasabi na ang Vitamin D ay nakatutulong upang protektahan ang katawan laban sa mga chronic diseases tulad ng cancer, type 1 diabetes, rheumatoid arthritis, multiple sclerosis, at autoimmune diseases. Sinasabi rin sa mga pag-aaral na maaaring may koneksyon ang Vitamin D deficiency sa risk ng pagtumba o hulog ng mga matatanda.
Maraming pagkain ang masustansya sa Vitamin D tulad ng cereals, gatas, iba’t ibang klase ng yogurt, at juices. Ito rin ay natural na nakukuha mula sa exposure ng balat sa sunlight ngunit madaming eksperto ang nagsasabi na kinakailangan ng mga matatanda ang Vitamin D supplements dahil nababawasan ang efficiency ng balat na magproduce ng bitaminang ito habang tumatanda.
5. Potassium
Ang pagkakaroon ng sapat na potassium sa katawan ay nakatutulong din sa pagpapatibay at pagpapalakas ng mga buto. Importante ang mineral na ito para sa cell function at sinasabing nakapagpapabawas ng high blood pressure at risk ng kidney stones. Nagtataglay ng maraming potassium ang mga gulay at prutas tulad ng saging, kalabasa, patatas, at avocado.
Ang vitamin at mineral supplements ay nakatutulong sa kalusugan habang tumatanda ang isang tao ngunit mabuting alalahanin din na higit na importante ang pagkakaroon ng healthy diet at exercise ng mga matatanda.
Sa nalalapit na pagdiriwang ng Filipino Elderly Week ngayong taon, siguraduhing napangangalagaan ang mga nakatatanda na kasama sa ating mga bahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusustansyang pagkain na nagtataglay ng mga recommended vitamins, pagpapainom ng mga nutritional supplements for the elderly at pagpapatingin sa mga eksperto ng geriatric medicine o mga doktor para sa mga matatanda. Makabubuti rin ang mga vitamins na ito upang makaiwas at maproteksyunan ang mga mahal nating mga nanay, tatay, lolo, at lola mula sa mga sakit.
Sources:
http://www.webmd.com/healthy-aging/nutrition-world-2/missing-nutrients
http://health.usnews.com/health-news/health-wellness/articles/2013/05/25/the-best-vitamins-and-minerals-for-seniors
http://newsinfo.inquirer.net/tag/elderly-filipino-week
http://www.gov.ph/2015/09/29/elderly-filipino-week/
Image 1: Photo Courtesy of werner22brigitte via Pixabay
Image 2: Photo Courtesy of pixabay.com via Pexels
Image 3: Photo Courtesy of coombesy via Pixabay