Patient Care 101: Paano Mag-alaga ng May Sakit?

February 27, 2017

 

May mga pagkakataon na kinakailangan nating magbantay at mag-alaga ng mga kamag-anak o kaibigang may sakit. Kadalasan ay sapat ang binibigay na gamot at atensyon ng pagamutan ngunit mas magkakaroon ng inspirasyon ang pasyente na labanan ang kanyang sakit kapag may caregiver o mahal sa buhay sa kanyang tabi. Minsan, napapagaling ng nasabing inspirasyon ang pinakamalulubhang sakit.

 

Kung sasamahan ang kaanak o kaibigan sa ospital, ang unang tanong na maaring umusbong sa iyong isipan ay ”paano mag-alaga ng may sakit?” Ito ay aming bibigyang-linaw gamit ang mga  sumusunod na impormasyon.

 

Alamin ang kondisyon ng pasyente

 

Ang unang nilalaman ng aming carer manual ay ang pag-alam nang lubusan sa kalagayan ng iyong aalagaan. Intindihin kung ano ang kanyang sakit at ano ang mga maaring reaksyon ng kanyang katawan sa gamot. Maaaring mayroon siyang allergic reaction sa ilang kemikal maski na wala siyang allergy sa mga pagkain.

 

Kung may hindi malinaw, itanong sa doctor ang tungkol sa mga karaniwang mangyayari base sa kondisyon ng pasyente at kung ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Nakakabawas ng anxiety at kaba kapag mas marami kang nalalaman tungkol dito.

 

Maging organisado

 

undefined

 

 

Bilang caregiver, malaki ang nagagawa ng pagiging organisado lalo na kapag maraming gamot at proseso at ang kanyang dadaanan tungo sa paggaling. Ang simpleng paglilista ng mga angkop na impormasyon ay makakatulong hindi lamang pasyente, pati na rin sa doktor.

 

Halimbawa, maaari mong itala sa kwaderno ang mga datos gaya ng oras ng pagkain, pag-ihi o pagdumi, dami ng kinain, oras ng pag-inom ng gamot at kung anuman ang kinain o ininom sa loob ng 24 oras. Isama rin ang schedule ng pag-inom ng gamot ng pasyente. Gamit ang iyong talaan, maaari mong painumin ng gamot sa wastong oras ang pasyente. Pwede mo ring sagutin ang mga tanong ng doktor kung may kakaibang reaksyon o nararamdaman ang pasyente.

 

Maging listo sa lahat ng oras  

 

Ang pangatlong kailangan ayon sa ating carer manual ay ang pagiging listo sa lahat ng oras habang binabantayan ang pasyente. Tandaan na maaaring may emergency na maganap, at ang pagiging handa ang maaaring magsalba sa pasyente sa kapahamakan.

 

Halimbawa, dapat mayroon kang kumpletong listahan ng gamot ng pasyente, kabilang na ang mga first aid o emergency medicine. Siguraduhin ding mayroon kang contact number ng mga doctor na kinonsulta upang mabiis silang masabihan tungkol sa estado ng pasyente.

 

Alamin ang iyong limitasyon  

 

undefined

 

 

May mga bagay na doktor lamang ang makakagawa, at mahirap akuin ang mga responsibilidad na ito kung wala kang medical training. Ang maling kilos ay pwedeng magpasama sa kalagayan ng may sakit. Ipaubaya na sa doktor ang mga teknikal na bagay at maging handa na lamang sa mga kailangan ng pasyente, lalo na kapag wala ang doktor at nars sa paligid.

 

Mabigat na tungkulin ang pag-aalaga ng may sakit, at baka ikaw naman ang magkasakit kung hindi mo rin bibigyan ang sarili ng sapat na pahinga at pagkain. Kung ikaw ay pagod na at kasulukuyang ginagawa ng doktor at nars ang kanilang tungkulin, maaaring umupo muna at umidlip. Tandaan na kung ikaw ay dapuan ng sakit, baka mahawa pa sa’yo ang pasyente, kaya alagaan mo rin ang iyong sarili.

 

Ngayong may ideya ka na kung paano mag-alaga ng pasyente, maaari mong gamitin ang nalalalaman sa bahay at sa pagamutan. Sa katotohanan, hindi madali ang pag-aalaga ngunit kung maramdaman ng may sakit ang iyong pagmamahal at suporta, baka matalo niya ang kanyang karamdaman nang maaga bago ito magkaroon ng mapanganib na komplikasyon.

 

Sources: