Ang Fair Trade Alliance, Universal Storefront Services Corporation (USSC), Ayos na Gamot sa Abot-kayang Gamot sa Abot-kayang Presyo Coalition (AGAP), at Buklod ng Manggagawa sa Radio Communication of the Philippines, Inc. – National Federation of Labor (BMRCPI-NFL) ay nagkaisa sa paglulunsad ng isang social partnership na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga manggagawang kasapi sa kanilang organisasyon ng pangkalusugan katulong ang RiteMed, ang nangungunang unibranded na gamot sa bansa ngayon. Ang partnership ay magbibigay ng access sa mga miyembro sa mas mura at dekalidad na gamot pati na rin iba't ibang serbisyong pangkalusugan. Makikita sa larawan sina (from L to R) Jessica Reyes-Cantos ng Fair Trade Alliance at AGAP; Vince Guerrero, general manager ng RiteMed; Gabriel Paredes, president at CEO ng USSC; Deobel Deocares at Tony Fulgado ng BMRCPI-NFL na lumalagda sa kasunduan.