Huwag mahihiyang
magtanong

May tanong tungkol sa sakit at sintomas

 

Ano ang Acid Reflux?

Ang acid reflux ay nangyayari kapag ang laman ng tiyan ay umangat at dumaloy sa esophagus. Kapag nangyari ito, maaaring malasahan ang pagkain o stomach acid sa lalamunan

 

Ano ang mga sintomas ng Acid Reflux?

Heartburn ang tawag sa karaniwang sintomas ng Acid Reflux. Kahit wala itong kinalaman sa puso, nakuha nito ang pangalan dahil sa burning sensation nito sa dibdib. Lumalala ang sakit kapag nakayuko, nakahiga, at pagkatapos kumain.Ang sumusunod ay ang iba pang sintomas ng acid reflux: 

- Maasim na panlasa

- Pananakit ng lalamunan

- Tuloy-tuloy na paglunok o pagdighay

- Bloated o pakiramdam na puno ang tiyan

- Nausea at pagsusuka

- Chest pain

 

Anu-ano ang mga sanhi ng Acid Reflux?

Nangyayari ang Acid Reflux kapag ang muscle nagco-connect sa esophagus at sa tiyan o ang lower esophageal sphincter (LES) ay mahina. Kapag hindi mahigpit ang pagkasara ng LES ay maaaring umangat ang laman ng tiyan. Doon nanggaling ang sakit na nararamdaman.

Kapag ang pasyente ay nakaranas ng acid reflux more than twice a week, maaaring kaso na ito ng gastroesophageal reflux disease o GERD.

 

Anu-ano ang mga pagsusuri para malaman kung ikaw ay mayroong Acid Reflux??

Karaniwang gumagaling ng kusa ang Acid Reflux. Pero kapag hindi na gumana ang over the counter medication o lagpas dalawang beses na ito sa isang linggo mabuting magpatingin na sa doctor. 

Kadalasan ay sapat na indicator ang heartburn para madiagnose ang acid reflux. Pero para sa iba o mas malubhang kasi may ibang tests na pwede gawin tulad ng endoscopy at pH monitoring. 

 

 

Paano ginagamot ang Acid Reflux?

 

Para sa iba kusang gumagaling ang Acid Reflux. Pero may mga over the counter antacids at prescription medication na pwedeng ibigay ang mga doctor tulad ng Omeprazole at Ranitidine. May ilang lifestyle changes na pwedeng gawin para makatulong sa pag gamot nito tulad ng: 

- Pagtigil sa paninigarilyo

- Pagsuot ng maluluwag na damit

- Pagkain ng mas marami pero sa maliit na portions. 

 

Paano maiiwasan ang Acid Reflux?

Para maiwasan ang Acid reflux magandang umiwas sa alcohol at softdrinks. Kapag iinom ng kape siguraduhing may laman ang tiyan bago inumin ito. Ang mga sumusunod na eating habits naman ay maaaring makatrigger sa Acid reflux

 

- Mataas na intake ng table salt

- Mababang intake ng fiber

- Pagkain ng marami sa isang upuan

- Maghintay ng 2-3 hours pagkatapos kumain bago humiga 

 

Panoorin ang aming mga videos para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kalusugan.