Ang breastmilk o gatas ng ina ang pinakamahusay na pagkain para sa mga sanggol. Naglalaman ito ng mga sustansyang nagpapalakas sa kanilang munting katawan. Gayunpaman, ang pagpapasuso buong araw ay mahirap gawin. Kaya naman ang paggamit ng mga breast pump ay magandang paraan dahil sa dulot nitong kaginhawaan, pati na rin sa praktikalidad na nabibigay nito.
Ano ang breast pump?
https://www.shutterstock.com/image-photo/electric-breast-pumping-set-milk-bottles-1872781924
Ang breast pump ay isang kagamitan na nagbibigay-daan upang alisin ang gatas mula sa suso kung kailan nais o kinakailangan. Sa pamamamagitan nito maaaring itabi ang gatas para gamitin sa ibang pagkakataon.
Mga Benepisyo ng Paggamit ng Breast Pump
Flexibility
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-working-child-1953917818
Marami ang sumasang-ayon na ang gatas ng ina ay maganda para sa sanggol. Pwedeng nasa bahay ang anak habang ang ina ay nagtatrabaho, o marahil ay kakatulog lang ng sanggol ngunit puno ng gatas ang dibdib ng ina. Ang paggamit ng breast pump ay nagbibigay-daan upang ilabas ang gatas kahit kailanman at kahit saan. Bukod pa rito, ang mga tagapag-alaga bukod sa ina ay maaring magbigay ng gatas sa sanggol gamit ang gatas na inilabas mula sa breast pump na nagbibigay ng malawak na kalayaan para sa nanay. Dahil maari nitong itabi ang karagdagang supply ng gatas ng ina, nagbibigay ito ng mas malawak na pagkakataon. Nagkakaroon ang ina ng higit pang kalayaan na lumabas ng bahay sa loob ng ilang oras, magbakasyon, at magkaroon ng pahinga habang ang kanilang sanggol ay nagkakaroon pa rin ng access sa malusog na gatas ng ina. (1)
Seguridad
May mga sanggol na mas nahihirapan sa latching o "pagsaklaw" na tumutukoy sa tamang paraan ng pagkakabit ng bibig ng sanggol sa dibdib ng ina habang nagpapasuso. Ang paggamit ng breast pump ay nakatutulong upang makakuha pa rin ng gatas ng ina. Maari rin itong masusing sukatin upang ang sanggol ay makakuha ng eksaktong dami ng gatas na kailangan nila. Ang paggamit ng breast pump ay isang ligtas at tiyak na paraan para sa sanggol na makakuha ng mga sustansiyang kailangan nila. (1)
Nakakabawas sa Pananakit o nagdudulot ng pain relief
Kapag kailangan nang ilabas ang gatas, maaaring masaktan ang ina kung hind ito agad gagawin. Ang paggamit ng breast pump ay isang magandang paraan din upang maiwasan ang maling pagsaklaw o mga pagkagat na sanggol habang pinapasuso. O kung hindi pa oras para sa pagpapasuso, maari na gumamit ng breast pump para sa agarang ginhawa. Anuman ang sitwasyon, ang paggamit ng breast pump ay wala masyadong mga negatibong epekto. Maaari rin mag-set up ng hands-free na pump, umupo, at mag-relax. Ito rin ay maaari rin maging paraan upang maiwasan ang panganib ng mastitis. (1)
Pagtaas ng Supply ng gatas
https://www.shutterstock.com/image-photo/breast-milk-frozen-storage-bag-baby-1028391871
Ang madalas na pag-stimulate ng dibdib ay nagdudulot ng mas maraming gatas na maaari nitong ilabas. Para sa mga ina na nahihirapan sa pagsaklaw o pag-latch o kaya naman hindi kayang madalas na magpasuso, ang paggamit ng breast pump ay nagbibigay-daan upang mapanatili ang supply ng gatas. Bukod pa rito, dahil mas marami kang gatas nakuha at ini-express kahit hindi gutom ang sanggol, maaaring mag-ipon ng supply ng gatas, at itabi ito para sa mga susunod na pagkakataon. (1)
Donor Milk
https://www.shutterstock.com/image-photo/breast-milk-frozen-storage-bag-baby-1355842169
Ang donor milk ay ginagamit sa maraming sitwasyon, kabilang ang adopsyon, mga pagkakataong hindi kayang magpasuso ng ina, o sa mga pagkakataong may trahedya. Ang paggamit ng breast pump ay hindi lamang isang paraan upang mabigyan ng gatas ang sariling anak, kundi pati na rin para mag-donate sa ibang nangangailangan. Ito rin ay nakakatulong sa mga pagkakataong hindi kayang mag-produce ng gatas ng isang ina ngunit nais niyang mabigyan ng breastmilk ang kanyang sanggol. (1)
Bonding Moment
https://www.shutterstock.com/image-photo/nice-moment-agreeable-young-asian-father-1090830482
Ang tunay na ugnayan ay nabubuo sa oras ng pagpapakain, at ang pagbibigay ng gatas gamit ang breast pump ay nagbibigay daan para sa ibang tagapag-alaga tulad ng ama, lolo at lola na magkaroon ng bonding moment sa sanggol. Hindi lamang ito nagbibigay daan para sa mas malalim na ugnayan, ngunit maaring din itong magbigay ng pahinga sa isang pagod na ina sa mga oras ng pagpapakain tuwing madaling araw. Sa pamamagitan nito naibabahagi ang pagmamahal at naibabahagi rin ang responsibilidad. (2)
Tamang pagiimbak ng breastmilk
https://www.shutterstock.com/image-photo/breast-milk-frozen-plastic-storage-bags-1255518829
Temperatura ng Pag-iimbak — Ang temperatura kung saan iniimbak ang gatas ay nakasalalay kung plano mo bang ibigay agad ito sa sanggol o sa ibang pagkakataon.
Para sa mga sanggol na malusog at nasa tahanan, ang gatas ng ina ay maaring ligtas na itabi ayon sa mga sumusunod:
• Sa room temperature (katawan, mga 77 hanggang 79ºF [25 hanggang 27ºC]) – Hanggang apat na oras.
• Sa isang insulated cooler na may kasamang yelo – Hanggang 24 na oras kung kinakailangan.
• Sa refrigerator – Sa pinakamainam, tatlo hanggang limang araw (bagaman napatunayang ligtas pa rin ang pag-iimbak hanggang walong araw kung ito ay nakolekta sa lubos na malinis na kondisyon).
• Sa freezer – Hanggang sa loob ng labing-isa (12) na buwan. Ang tinunaw na gatas na inilagay sa standard na refrigerator ay maaring itabi nang ligtas hanggang sa loob ng 24 na oras. Ang gatas na na-freeze at saka itinunaw ay hindi na dapat i-freeze muli. (3)
References:
- Pumps For Moms by Neb Doctors. (2022, August 31). The Benefits of Using a Breast Pump. Breast Pumps through Insurance. https://pumpsformom.com/breast-pump-101/the-benefits-of-using-a-breast-pump/
- Stever, S. (2022, June 14). The Monthly Pregnancy Subscription Box : Bump Boxes. Bumpboxes.com. https://bumpboxes.com/blog/post/what-are-the-benefits-to-using-a-breast-pump
- UpToDate. (2023, May 5). UpToDate. Www.uptodate.com. https://www.uptodate.com/contents/pumping-breast-milk-beyond-the-basics