Malaria at Pagbubuntis: Panganib na dulot nito at Paano Maiiwasan ito

November 15, 2023

Ano nga ba ang Malaria? 

Ang malaria ay isang sakit na dulot ng kagat ng lamok na nagiging sanhi ng pagkamatay ng higit sa 1 milyong tao taon-taon. Ang mga buntis, mga bata, at mga taong may mahinang immune system ang may pinakamataas na panganib at bilang ng mga namamatay. Karaniwan, ang mga buntis na naapektuhan ng malaria ay may mas malubhang mga sintomas. (1)

Epekto ng Malaria sa Ina

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/distressed-pregnant-woman-visiting-doctor-741432376
Ang mga buntis ay tatlong beses na mas mataas ang tyansang magkaroon ng malubhang sakit dulot ng impeksyon ng malaria kumpara sa mga hindi buntis, at ang mortality rate mula sa malubhang impeksyon nito ay umaabot sa hanggang 50%. (1)

Ang ilan sa mga komplikasyon na dulot ng malaria ay ang mga sumusunod: (2)

  • Anemia
  • Acute pulmonary edema
  • Immunosuppression
  • Malarial nephropathy
     

Epekto ng Malaria sa Sanggol (2)

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/baby-sleeping-on-soft-mattress-1633624162

Ang malaria sa buntis ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa sanggol. Ang pagkakasakit at kamatayan ng mga apektadong sanggol ay maaaring umabot sa 15-70%. Maaaring magdulot dini ng mga komplikasyon ang P. falciparum, kabilang ang:

  • Spontaneous abortion
  • Preterm birth
  • Intrauterine growth restriction
  • Low birth weight
  • Perinatal mortality
  • Congenital malaria
     

Mga Sintomas ng Malaria (2)

Walang partikular na mga sintomas para sa malaria sa pagbubuntis. Ito ay maaaring magmukhang simpleng lagnat, kasama ang:

  • Sakit ng ulo
  • Pananakit ng mga kalamnan
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Ubo
     

Pagsusuri ng Malaria sa mga Buntis (3)

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/doctor-injects-pregnant-girl-she-came-797753200

Ang malaria sa buntis ay mahirap tukuyin at suriin dahil karaniwang walang mga sintomas ang mga kababaihang dinapuan ito. Dahil din sa pagtatago ng parasite na P. falciparum sa placenta, maaaring hindi ma-detect ang impeksyon sa mga blood samples mula sa peripheral blood.

Upang tukuyin ito, karaniwang kinokolekta ng mga doktor ang mga blood sample mula sa placenta. Maaaring dumaan sa isa o higit pang mga sumusunod na tests:

  1. Blood Smear Test: Isang patak ng dugo ay kinukuha at inilalatag sa isang microscopic slide. Ang sample ay sinusuri para sa pagkakaroon ng parasite. Ito ay isang kilalang pagsusuri para sa pagtukoy ng malaria sa buntis.
  2. Rapid Diagnostic Test (RDT): Ito ay nakaka-detect ng mga antigen ng Malaria sa dugo ng pasyente. Ngunit karaniwang sinusundan ang RDT ng microscopic diagnosis upang kumpirmahin ang resulta at tukuyin ang bilang ng mga red blood cells na tinamaan. Karaniwang ginagamit ang RDTs sa mga lugar kung saan wala o hindi maaaring gamitin ang microscopy.
  3. Polymerase Chain Reaction (PCR): Ang PCR ay isang makabagong pagsusuri na ginagamit para sa molekular na pagtukoy ng malaria. Ito ay itinuturing na mas mahusay kaysa sa microscopy at RDT dahil sa kakayanan nitong suriin ang presensya sa mga sample na may kaunting mga parasite.

Paggamot sa mga Buntis na may Malaria Infection (4)

Sa paggamot ng mga buntis na may malaria, kapag malubha ang impeksyon o complicated malaria, mahalaga ang agarang aksyon upang iligtas ang buhay ng buntis. Ang pagbibigay ng gamot ay depende kung gaano kalubha ang sakit. May mga oral na gamot at mayroon ding parenteral o ini-inject sa ugat kung ang kondisyon ay mas malubha. Ang uri ng gamot ay depende rin sa trimester ng pagbubuntis. Mahalaga ang agarang konsultasyon sa doktor upang mabigyan ng nararapat na gamot.

Paano Maiiwasan ang Malaria? (3)

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/young-pregnant-woman-relaxing-room-2047482188

Ang malaria sa buntis ay isang malubhang suliranin sa kalusugan, at maaaring magdulot ng panganib sa mga ina at kanilang sanggol.

Kung hindi naman mahalaga ang dahilan ng pagbiyahe, mas mabuting iwasan ng mga buntis ang pagpunta sa mga lugar na may mataas na kaso ng malaria.

Narito ang ilang mga paraan upang maiwasan ang malaria:

  1. Insecticide-treated Bed Nets (ITN): Ang mga mosquito net na treated ng insecticide ay makatutulong sa pag-iwas sa mga lamok na nagdadala ng malaria. Ito ay cost-effective at ligtas para sa buntis at sa sanggol.
  2. Intermittent Presumptive Treatment (IPT): Ang IPT ay isang buong therapy na gamot na nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ng malaria, anemia sa buntis at sanggol, impeksyon sa placenta, mababang timbang ng sanggol, at pagkamatay ng sanggol. May mga rekomendadong IPT ang WHO na maaaring magamit para sa mga lugar na may katamtaman o mataas na panganib ng malaria. Mahalagang kumonsulta sa doctor o sa OBGYN para sa gamot na ito.
  3. Magsuot ng mga Light-Colored Clothes: Karaniwan, ang mga lamok ay nahuhumaling sa dark-colored na mga damit. Kaya't ang mga buntis na nakatira o naglalakbay sa mga lugar na may malaria ay dapat magsuot ng mga damit na light ang kulay at may mahahabang manggas.
  4. Manatili sa Malalamig na Lugar: Manalagi sa malamig o air-conditioned na mga lugar dahil hindi kaya ng mga lamok ang malamig na temperatura.
  5. Maaaring gamitin ng mga buntis ang mosquito repellents na may DEET, picaridin, IR3535, lemon oil, o eucalyptus, o para-menthane-diol. Subalit sundin ang tagubilin sa label ng produkto at ilagay ito sa mga damit, hindi sa balat.

 

REFERENCES:

Schantz-Dunn, Julianna, and Nawal M Nour. 2009. “Malaria and Pregnancy: A Global Health Perspective.” Reviews in Obstetrics & Gynecology 2 (3): 186–92. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2760896/.

HealthThink. 2021. “Malaria in Pregnancy: Effects and Solutions – Health Think Analytics.” Health Think Analytics. September 21, 2021. https://healththink.org/malaria-in-pregnancy-effects-and-solutions/.

pillai, shreeja. 2014. “Malaria during Pregnancy: Symptoms, Treatment & Prevention.” MomJunction. July 11, 2014. https://www.momjunction.com/articles/symptoms-of-malaria-5-treatments-to-cure-it-during-pregnancy_0080074/.

World Health Organization. 2004. “WHO Guidance for Prevention and Treatment of Malaria in Pregnancy Insecticide-Treated Nets (ITNs).” https://www.mchip.net/sites/default/files/03.%20%20WHO%20Guidance%20for%20MIP%20Prevention%20and%20Treatment.pdf.