Ang anxiety ay ang pagkaramdam ng takot, pangamba, o pag-aalala. Normal ito at maaaring maranasan rin ng mga kabataan. Ngunit kapag ang anxiety ay hindi naagapan, maaari itong makaapekto sa kanilang pang-araw araw na mga gawain o sa pakikitungo sa ibang tao. (1) Kailangang malaman kaagad ang mga senyales at kung paano dapat ito harapin para maiwasan ang paglala ng sitwasyon.
Ilan sa mga halimbawa ng iba't ibang uri ng anxiety disorders ay: (2)
- Labis na takot kapag nalalayo sa mga magulang o tagapag-alaga (separation anxiety)
- Labis na takot sa tiyak na bagay o sitwasyon, tulad ng aso, insekto, o pagpunta sa doktor (phobias)
- Labis na takot sa paaralan at iba pang lugar na maraming tao (social anxiety)
- Labis na pag-aalala sa hinaharap at sa mga masasamang bagay na maaaring mangyari (general anxiety)
- Pagkakaroon ng biglaan, di-inaasahang takot na may kasamang sintomas tulad ng mabilis na pagtibok ng puso, hingal o pakiramdam ng pagkahilo, panginginig o tremors (panic disorder)
Paano Malalaman Kung May Anxiety ang Isang Bata? (1)
https://www.shutterstock.com/image-photo/portrait-preschooler-girl-having-headache-326115887
May ilang mga bata na nagtatago ng kanilang nararamdaman kaya't maaaring hindi ito madaling mapansin. Kapag ang mga bata ay nakakaramdam ng anxiety, pwedeng hindi rin nila ito maunawaan at maipahayag agad. Ang ilang mga senyales ng anxiety ay:
- Pagiging iritable o iyakin
- Hirap sa pagtulog o nagigising sa gitna ng gabi.
- Bedwetting
- Pagkakaroon ng masamang panaginip.
Sa mga mas matandang bata, maaaring ang mga sumusunod:
- Pagbaba ng self-confidence
- Mahirap mag-concentrate
- Hirap sa pagtulog o pagkain
- Biglaang nagagalit
- Pagkakaroon ng negatibong pag-iisip o laging pag-iisip na may mangyayaring masama.
- Pag-iwas sa mga social activities tulad ng pag-iwas sa pakikipagkita sa mga kaibigan, paglabas sa publiko, o pagpunta sa paaralan
Paano tulungan ang mga bata na mayroong anxiety?
Narito ang ilang paraan na pwedeng gawin upang matulungan ang inyong mga bata na nakararanas ng anxiety:
1. Pagsasagawa ng mga gawaing nakakarelax
- Pagsasagawa ng deep breathing exercises: (4) Dahan-dahang huminga nang malalim sa pamamagitan ng ilong sa loob ng 4 na segundo, pigilin ang paghinga sa loob ng 1 segundo at dahan dahang mag-exhale sa pamamagitan ng bibig sa loob ng 4 na segundo. Pwede itong gawin 5-10 beses upang ma-relax.
- Gumawa ng Relaxation Kit: Punuin ang isang kahon ng mga bagay na nais gawin ng bata at lumikha ng isang relaxation corner sa bahay. Maaari itong maglaman ng coloring books, clay, mga libro, at mga stuffed toys.
2. Pagsusulat
Ang pagsusulat o journaling ay nakakatulong sa mga bata upang mailabas ang kanilang mga saloobin.
- Write and Tear: Pwedeng turuan ang bata na isulat ang kanyang takot o negatibong nararamdaman sa isang papel, matapos itong basahin ay pwede na itong punitin at itapon ang pira-pirasong papel. Ito ay nakatutulong upang mailabas ang nararamdaman at marelax ang damdamin ng bata.
- Pagkakaroon ng Worry Journal:
Ang pagsusulat ng mga negatibong saloobin araw -araw at pagsusulat ng mga positibong saloobin kasunod nito ay makakatulong upang mapalitan ang negatibong pag-iisip at makapag focus sa mga positibong saloobin at mawala ang paulit ulit na cycle ng negative thoughts.
3. Ang layunin ay hindi alisin ang anxiety, Kundi tulungan ang bata na makontrol ito. (5)
Hindi natin nais na makitang malungkot ang isang bata, ngunit ang isang paraan upang matulungan ang mga bata na malampasan ang anxiety ay hindi ang pag-alis ng mga stressor na nag-trigger nito. Sa ganitong paraan ay natutulungan sila na magcope o mag-adjust sa kanilang anxiety. Ito ay makakatulong upang bumaba ang lebel ng kanilang anxiety sa paglipas ng panahon.
4.Igalang ang Kanilang Damdamin
Mahalaga ang pag-unawa sa nararamdaman ng mga bata. Kung takot ang isang bata na pumunta sa doktor dahil sa injection, hindi ito dapat balewalain. Pakinggan ang bata at tulungan siyang maunawaan ang kanyang kinakatakutan, at hikayatin siyang malaman na kaya niyang harapin ang kanyang mga takot. Mainam na iparamdam sa bata na normal na matakot at iparamdam na hindi siya nag-iisa.
5. Pagkonsulta sa mga doctor at counseling
Kung ang anxiety ng bata ay hindi nawawala, maaaring magpakonsulta sa mga doktor.
Ang Cognitive Behavioural Therapy (CBT) ay nakakatulong sa mga bata na maunawaan ang kanilang mga iniisip at nararamdaman. Ang CBT ay nakakatulong rin sa kanila sa pag-handle ng anxiety. Pwede rin magrekomenda ang mga doktor ng talk therapy at magbigay ng gamot kung kinakailangan.
Ang mga counselors at therapists ay maaaring magbigay ng emosyonal na suporta at makatulong sa mga bata na maunawaan ang kanilang mga nararamdaman. Ang mga therapists ng mga bata ay pwedeng magtherapy sa pamamagitan ng laro at sining, tulad ng pag-paint, pag-drawing, at iba pang mga gawain na mas kawili-wili sa mga bata.
References:
(1) NHS (2021). Anxiety in children. [online] nhs.uk. Available at: https://www.nhs.uk/mental-health/children-and-young-adults/advice-for-parents/anxiety-in-children/.
(2) CDC (2019). Anxiety and depression in children. [online] Centers for Disease Control and Prevention. Available at: https://www.cdc.gov/childrensmentalhealth/depression.html.
(3) Hurley, K. (2016). How to Help Children with Anxiety. [online] Psycom.net - Mental Health Treatment Resource Since 1986. Available at: https://www.psycom.net/kids-coping-skills-anxiety.
(4) How to Teach Your Child Calm Breathing. (n.d.). Available at: https://www.anxietycanada.com/sites/default/files/calm_breathing.pdf.
(5) Goldstein, C. (2016). What to Do (and Not Do) When Children Are Anxious. [online] Child Mind Institute. Available at: https://childmind.org/article/what-to-do-and-not-do-when-children-are-anxious/.
(6) YoungMinds. (n.d.). Supporting A Child With Anxiety | Tips and Advice. [online] Available at: https://www.youngminds.org.uk/parent/parents-a-z-mental-health-guide/anxiety/#:~:text=Make%20a%20worry%20box%20or [Accessed 20 Dec. 2023].