Sa kabila ng pag-unlad sa medisina at pag-usbong ng kaalaman, marami pa rin ang naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).
Myth 1: Ang HIV ay maaaring makuha sa pamamagitan ng halik
Hindi totoo na maaaring mahawa ng HIV sa pamamagitan ng halik. Maaaring makuha ito mula sa mga body fluids tulad ng dugo, semen, vaginal fluid, at breast milk ng isang taong mayroong HIV. Ang halik ay hindi sapat na basehan para mahawahan ng virus. (1)
Myth 2: Maaari kang mahawa ng HIV sa pamamagitan ng pag-share ng mga tasa at kutsara sa mayroong virus.
Hindi ito totoo. Subalit, maaari kang mahawa ng HIV kapag ang bodily fluids mula sa isang taong may HIV ay pumasok sa iyong bloodstream. Kasama dito ang:
- Dugo.
- Breastmilk
- Likido mula sa anus.
- Semen.
- Vaginal fluid.
Ang HIV ay maaaring pumasok sa dugo sa pamamagitan ng mga linings ng bibig, anus, reproductive organs o sa pamamagitan ng balat na may sugat o nasugatan.
Hindi ka makakakuha ng HIV o AIDS sa:
- Pag-hawak o pagyakap sa isang may HIV/AIDS.
- Paggamit ng pampublikong banyo o swimming pool.
- Pag-share ng mga tasa, kutsara, o telepono sa isang may HIV/AIDS.
- Kagat ng insekto.(2)
Myth 3: Ang Pagkakaroon ng HIV ay Nangangahulugang Positibo na Rin sa AIDS
Ang HIV at AIDS ay magkaibang estado ng kalusugan. Hindi lahat ng may HIV ay nagkakaroon ng AIDS. Ang maagap na pagtuklas, paggamot, at pangangalaga ay maaaring magpabagal o maibsan ang pag-develop o pag-progress ng HIV patungo sa AIDS.
Ang pagkakaiba ng HIV at AIDS ay ang HIV ay isang virus na nagpapahina ng iyong immune system. Ang AIDS naman ay isang kondisyon na maaaring mangyari bilang resulta ng impeksyon ng HIV kapag ang iyong immune system ay labis na naapektuhan(3)
Myth 4: Ang taong may HIV ay madaling makikilala sa kanilang itsura.
Hindi, hindi mo malaman kung sino ang may HIV sa pamamagitan ng kanilang pisikal na anyo.
Ang pagsasailalim sa antiretroviral treatment ng mga taong may HIV ay nakakatulong upang mabawasan ang sintomas ng sakit.(4)
Myth 5: Ang HIV ay Nakakaapekto sa Pagbubuntis at Fertility.
Ang HIV ay hindi nakakaapekto sa fertility at childbirth, lalo na para sa mga kababaihan na nakakatanggap ng antiretroviral treatment. Ang hindi pagsunod sa tamang gamutan habang buntis ay maaaring magdulot ng mother-to-child transmission ng HIV. Ang mga buntis na may HIV ay dapat magpatuloy sa tamang pag-inom ng gamot o pagtanggap ng treatment base sa rekomendasyon ng doctor.(2)
Myth 6: Kung parehong may HIV ang mag-partner, hindi na kailangan ng condom.
Kailangan pa rin mag-condom dahil ang mga taong may HIV ay maaari pa ring magkaroon ng ibang sexually transmitted diseases tulad ng gonorrhea, chlamydia, at syphilis (2)
Myth 7: Ang HIV ay Maaaring Makuha sa mga Pagkain at Tubig
Hindi maaaring mahawa ng HIV sa pamamagitan ng paglangoy, pagligo, o iba pang water-related activities Bukod dito, hindi rin nakukuha ang HIV sa pamamagitan ng:
- Pag-share ng pagkain
- Pag-share ng toilet o iba pang pasilidad sa banyo
- Pagkakaroon ng contact sa laway, pawis, o luha (5)
Myth 8: Kung ako'y umiinom ng gamot para sa HIV, hindi na ako nakakahawa at hindi ko na maipapasa ang virus sa iba
Ang HIV treatments ay nakakatulong upang bumaba ang dami ng virus sa iyong dugo. Ang patuloy na pagbaba ng dami ng virus sa dugo ay maaaring humantong sa tinatawag na undetectable viral load. Ayon sa mga pag-aaral, kung ang iyong viral load ay undetectable, hindi mo maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ngunit kung hindi mo nasusunod ang tamang pag-inom ng gamot, nakakalimot ka o itinigil mo ang pag-inom ng gamot, maaaring tumaas ulit ang viral load at maaari mong ipasa ang virus sa iba. (6)
Ang pagbibigay-linaw at pag-aalis sa mga maling paniniwala at mga sabi-sabi hinggil sa HIV/AIDS ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan at pangkalahatang kapakanan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng wastong edukasyon, malinaw na pang-unawa, at pag-alis ng stigma, magiging mas magaan para sa lahat na makibahagi sa pagsugpo sa HIV/AIDS. Ang kampanya para sa tamang kaalaman at pag-unawa ay nagbubukas ng pinto tungo sa isang lipunan na puno ng respeto, pag-unawa, at pagkakaisa.
References:
- Centers for Disease Control and Prevention (2020). Ways HIV Can Be Transmitted | HIV Transmission | HIV Basics | HIV/AIDS | CDC. [online] www.cdc.gov. Available at: https://www.cdc.gov/hiv/basics/hiv-transmission/ways-people-get-hiv.html.
- Cleveland Clinic. (n.d.). 8 Common Myths About HIV and Aids. [online] Available at: https://health.clevelandclinic.org/myths-about-hiv.
- Cleveland Clinic (2022). HIV & AIDS: Causes, symptoms, treatment & prevention. [online] Cleveland Clinic. Available at: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4251-hiv-aids.
- Healthline. (2018). 9 Myths About HIV/AIDS. [online] Available at: https://www.healthline.com/health/hiv-aids/misconceptions-about-hiv-aids#Myth-#2:-You-can-tell-if-someone-has-HIV/AIDS-by-looking-at-them.
- www.medicalnewstoday.com. (2020). Myths about HIV and AIDS: Transmission and misconceptions. [online] Available at: https://www.medicalnewstoday.com/articles/323832#insects-and-pets.
- Pathak, N. (2021). Common Myths About HIV and AIDS. [online] WebMD. Available at: https://www.webmd.com/hiv-aids/top-10-myths-misconceptions-about-hiv-aids.