Ano ang mga Enzymes at Paano ito Nakakatulong sa Digestive Health?

November 15, 2023

Ang enzymes ay mga protina na nagpapabilis ng tamang pag-breakdown ng pagkain, na nagbibigay-daan upang maabsorb ng katawan ang mga sustansyang kinakailangan nito.

Kapag kulang ang enzymes ng iyong katawan, hindi nagiging maayos ang digestion ng mga pagkain. Ito'y maaaring magdulot ng iba't-ibang problema sa tiyan tulad ng pagiging-bloated at pananakit ng tiyan.

Ang mga pangunahing uri ng mga enzymes na mahalaga sa digestion ay ang mga sumusunod:

  • Amylases: mga enzyme na nagko-convert ng mga carbohydrates upang maging simple sugar.
  • Lipases:  mga enzyme na tumutulong i-breakdown ang mga taba upang maging fatty acids at mas madaling maabsorb ng katawan
  • Proteases: mga enzyme na tumutulong upang ang mga protina mula sa pagkain ay ma-convert sa amino acids, na tumutulong sa pag-repair ng ating mga tissue sa katawan. (1)

Kulang sa mga Enzyme: Ano ang Epekto?

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/pleased-cheerful-asian-woman-keeps-hand-2180833127

Kung kulang ang mga enzyme sa ating katawan, maaaring magdulot ito ng ilang mga problema sa kalusugan. May mga tao na kulang sa digestive enzyme o hindi sapat ang produksyon ng mga digestive enzyme ng kanilang katawan.

Ilan sa mga uri ng digestive enzyme deficiency ay ang mga sumusunod:

  • Congenital sucrase-isomaltase deficiency: Kulang sa sucrase na tumutulong sa pag breakdown ng ilang asukal at pwedeng magdulot ng chronic diarrhea at pwedeng magdulot ng malnutrition (2)
  • Exocrine pancreatic insufficiency (EPI): Nagkakaroon ng EPI kapag hindi sapat ang produksyon ng pancreas ng mga enzyme na kinakailangan para tunawin ang carbohydrates, protina, at taba. Ang mga karaniwang sintomas nito ay pagtatae, pananakit ng tiyan, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, at pagkakaroon ng hindi normal na dumi (kulay dilaw na dumi at mamantikang dumi) (1)
  • Lactose intolerance: Hindi sapat ang produksyon ng lactase, kaya't maaaring magkaroon ng problema sa pagtunaw ng asukal na natural na matatagpuan sa gatas at dairy products. (3)

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-holding-probiotic-supplement-pill-2297140275

Sa mga taong may digestive enzyme deficiency o nagnanais na magkaroon ng mas magandang digestion,  mahalaga ang tamang pagkain, pagkontrol sa stress, at ang regular na pag-eehersisyo. Mahalaga rin ang maayos na pagnguya ng pagkain dahil dito nagsisimula ang digestion, at ang mga enzymes sa bibig nakatutulong sa mas mabilis na digestion. (5)

Mayroon ding over-the-counter supplements. Ilan sa mga ito ay ang lactase supplements na maaaring makatulong sa mga taong lactose intolerant. Mayroon din ang bromelain na mula sa pinya, na maaaring makatulong sa pagtunaw ng protina.

Tulad ng anumang supplement, laging kumunsulta sa mga doktor bago uminom ng over-the-counter digestive enzymes upang makasiguro na ligtas ito para sa iyo. (4)

Ang mga enzymes ay may mahalagang papel sa digestion at sa pangkalahatang kalusugan ng tiyan. Ito'y nagpapabilis ng proseso ng pagbreakdown ng mga pagkain at pagkuha ng mga sustansya mula dito. Ang tamang pangangalaga at pagsasaalang-alang sa kalusugan ng tiyan ay mahalaga upang mapanatili ang maayos na pagtunaw at pag-absorb ng mga sustansya. Huwag kalimutan na kumunsulta sa iyong doktor para sa mga problema sa digestion o kung may mga kondisyon ka na maaaring maka-apekto sa iyong digestion.

 

REFERENCES:

  1. Pryor, Olivia. 2021. “Why Are Enzymes Important for Digestive Health?” Austin Gastroenterology. April 9, 2021. https://www.austingastro.com/2021/04/09/why-are-enzymes-important-for-digestive-health/.
  2. Marcadier, Julien L., Margaret Boland, C. Ronald Scott, Kheirie Issa, Zaining Wu, Adam D. McIntyre, Robert A. Hegele, Michael T. Geraghty, and Matthew A. Lines. 2015. “Congenital Sucrase–Isomaltase Deficiency: Identification of a Common Inuit Founder Mutation.” CMAJ 187 (2): 102–7. https://doi.org/10.1503/cmaj.140657.
  3. Denhard, Morgan. 2022. “Digestive Enzymes and Digestive Enzyme Supplements.” Www.hopkinsmedicine.org. 2022. https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/digestive-enzymes-and-digestive-enzyme-supplements.
  4. Bolen, Barbara. 2021. “Why Enzymes Are an Important Part of Your Digestive System.” Verywell Health. November 10, 2021. https://www.verywellhealth.com/what-are-digestive-enzymes-1945036.
  5. Grossman, Kayla. n.d. “How to Increase and Improve Digestive Enzymes Naturally.”RadiantLife.https://radiantlifecatalog.com/blog/how-to-increase-and-improve-digestive-enzymes-naturally/.