Ang mental health ay isang aspeto ng ating buhay na kasing halaga ng ating pisikal na kalusugan. Ang pangangalaga sa ating sariling isipan ay mahalaga may kapansanan man o wala.
Ayon sa isang pag-aaral ang mga taong may kapansanan ay limang beses na mas mataas ang tyansa na maapektuhan ang mental health. Ito ay isang aspeto ng kanilang buhay na madalas na hindi napagtutuunan ng pansin. Sa madaling salita, mahalagang bigyan ng atensyon ang mental health ng mga kababayan nating may kapansanan upang sila'y maging masigla at produktibo sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain. (1)
1. Alagaan ang isip at katawan
https://www.shutterstock.com/image-photo/basketball-player-portrait-man-wheelchair-sports-2339560699
Iwasan ang labis na panonood at pagbabasa ng balita, lalo na sa social media kung hindi ito nakakabuti sa mental health. Tinatawag rin itong “social media detox”. Ito ay nakakatulong para sa mas malinaw na pag-iisip, pati na rin sa pagpapakalma ng mood. Bukod dito, ang social media detox ay isang pagkakataon upang mabawasan ang stress.
Mahalaga rin ang pangangalaga sa iyong pisikal na pangangatawan. Mainam na kumain ng mga wastong pagkain, mag-ehersisyo, magsagawa ng meditation at yoga, magkaroon ng sapat na tulog, at bawasan ang pag-inom ng alak. (2)
2. Makipag-ugnayan sa iba
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-disabled-child-on-wheelchair-playing-1895168110
Ang pakikipag-ugnayan o socializing sa mga taong pinagkakatiwalaan mo at pagbabahagi ng iyong mga alalahanin ay napakahalaga. Bagamat ito ay naging mas mahirap sa panahon ng pandemya, mainam pa rin na magkaroon ng koneksyon sa iyong support system kahit sa virtual na pamamaraan. Ang pakikipag-usap sa iyong pamilya ay isa sa mga pinakamainam na therapy kaya marapat lamang na panatilihin ang koneksyon sa mga mahal sa buhay. Kung komportable ka sa personal na pakikipag-ugnayan sa ibang tao, pwedeng maglaan ng oras para mag-volunteer sa komunidad o sa mga organisasyon.(2)
Ang pagbuo at pagpapanatili ng mga social connections ay nakakatulong upang mabawasan ang depresyon at anxiety. Ang socialization ay isang magandang paraan upang mabawasan ang stress, sapagkat ang mas madalas na pakikihalubilo sa iba ay nakakatulong para mapalawak ang iyong koneksyon. Sa pamamagitan nito, mas nararamdaman ng isang tao ang pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao. (3)
3. Subukan ang mga bagong hobbies
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-disabled-children-woman-teacher-enjoying-1816704944
Ang pag-aaral ng bagong hobby ay magandang paraan upang maging aktibo at mapagyaman pa ang pagiging malikhain. Ang paglahok sa mga bagong gawain ay nakakatulong din sa pagbawas ng depresyon at anxiety. Maging ang “small victories” ay nagpapabuti ng kumpiyansa sa sarili at nagpapataas pa ng pagnanais na matutunan ang iba’t ibang bagay-bagay. Tandaan na hindi dapat limitahan ng iyong edad o kapansanan ang pag-aaral ng mga bagong bagay.
Huwag limitahan ang sarili sa indoor na mga aktibidad kundi subukan din ang outdoor na mga gawain tulad ng gardening o sports activities. Lumabas, matutunan ang mga bagong bagay, huminga ng sariwang hangin, at panatilihing bukas ang sarili para sa bagong kaalaman. (3)
4. Pagsasalita Laban sa Diskriminasyon o sa mga bagay na may negatibong epekto sa mental health
Matutong magsalita kung nakakaranas ng anumang uri ng diskriminasyon o nakakakita ng anumang diskriminasyon na maaaring makaapekto sa mental health. Huwag matakot na mag-report, magpahayag ng nararamdaman, at alamin ang mga karapatan. Ang ganitong hakbang ay hindi lamang nakakatulong sa sarili, kundi nagbibigay rin ng inspirasyon at suporta sa iba na magsalita at ipagtanggol ang kanilang sarili..
5. Magpakonsulta sa Counseling at Therapy^
Ang counseling o therapy ay mahalaga para sa mga taong may kapansanan na nakakaranas ng mga isyu sa mental health. Ang mga propesyonal ay may kasanayan upang magbigay ng iba’t ibang pamamaraan para sa ikabubuti ng isipan at mag reseta ng gamot kung kinakailangan. Ang counseling at therapy ay hindi lamang solusyon para sa mga may malalang isyu sa mental health kundi isang mahalagang hakbang para sa lahat na nagnanais mapabuti ang kanilang pangkalahatang kalusugan. (2)
Ang isa rin sa pinakamabisang paraan upang makatulong sa mental health ng mga taong may kapansanan ay ang pagbabawas ng stigma at pagbubuo ng isang komunidad na walang diskriminasyon. Isa na rito ang pagsusulong sa wika na may respeto, pang-unawa sa pagkakaiba, at pagbibigay halaga sa bawat isa. Ang pagtataguyod ng isang “inclusive society” ay naglalayong bigyan ang bawat isa ng pantay-pantay na pagkakataon sa bawat larangan.
References:
- CDC (2020). The Mental Health of People with Disabilities. [online] Centers for Disease Control and Prevention. Available at: https://www.cdc.gov/ncbddd/disabilityandhealth/features/mental-health-for-all.html.
- United Disabilities Services (2022). Significance Of Mental Health And People with Disabilities. [online] udservices.org. Available at: https://udservices.org/mental-health-and-people-with-disabilities/.
- M_Adnan (n.d.). Ways to boost mental health of people with disability. [online] Access Foundation. Available at: https://www.accessfoundation.com.au/blog/mental-health-tips.