Paghahanda ng Pagkain para sa mga Batang Pihikan Kumain

December 15, 2023

Ang wastong nutrisyon ay mahalaga sa growth at development ng mga bata. Ngunit hindi maiiwasan na minsan ay nagiging maselan o mapili sila sa mga pagkain. Ang pagiging picky eater ay isang karaniwang suliranin sa pamilya na maaaring makaapekto sa tamang paglaki ng bata. Gayunpaman, may mga pamamaraan na maaaring gawin upang mapakain at masanay ang mga bata na kumain ng mga masustansyang pagkain habang nasa murang edad pa.

1. Pagsasalo-salo sa oras ng pagkain

undefined
https://www.shutterstock.com/image-photo/multi-generational-asian-family-chatting-while-2244516533

Ang pinaka-epektibong paraan para labanan ang pagiging pihikan sa pagkain ay ang pagsasama-sama sa pagkain bilang pamilya. Iwasan ang pagluluto ng espesyal na  pagkain para sa mas bata o mas matanda, at bagkus, kumain ng parehong pagkain. Ayon sa isang pag-aaral, ang pagsasalo-salo sa pagkain bilang pamilya ay nagbubukas ng daan sa mas magandang eating habits ng mga bata. Maganda rin ito para sa mga magulang upang maging halimbawa sa tamang asal sa oras ng pagkain. (1)

Natuklasan sa isang pag-aaral na ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan kasama ang pamilya ay may malalim na ugnayan sa mas magandang nutrisyon, lalo na sa mga kabataang nasa adolescent age. Ang mga teenager na kumakain kasama ang kanilang pamilya ay mas nahihimok na kumain ng prutas at gulay, at mas kaunti sa fast food at sugary beverages tulad ng soda drinks. Isaalang-alang din na hindi kailangang maging malapit sa pamilya para maranasan ang mga benepisyong ito. Ayon sa pag-aaral, natuklasan na ang mga kabataan ay nakakabuo ng mas malusog na mga gawi sa pagkain kahit hindi gaanong malapit sa kanilang pamilya. (2)

2. Pagpapakilala ng bagong pagkain kasama ang paboritong pagkain

undefined
https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-making-school-lunch-morning-2017237871

Isang epektibong paraan ng pagpapakilala ng bagong pagkain sa mga bata ay ang food pairing. Maaaring maghanda ng isang pagkain na gusto na ng mga bata at itabi ito sa ibang pagkain. Isang eksperimento ang ginawa na gumamit ng celery sticks. Ibinigay ang celery sticks mag-isa at ang iba naman ay may kasamang cream cheese. Ang mga batang mahilig sa cream cheese ay mas maraming nakain na celery sticks. Magagamit ito sa iba't ibang pagkain at pwedeng gamitin sa iba't ibang paraan.

Hindi man ito laging epektibo, subalit, ito ay isang magandang paraan upang maghain ng pagkain at magpataas ng posibilidad na magustuhan ito ng mga bata. (3)

Isama ang mga bata sa pagluluto at pagprepare ng pagkain
undefined
https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-mother-her-daughter-enjoy-cooking-2187241813

Ang pakikilahok ng mga bata sa paghahanda ng pagkain at paglalaro bilang young chef ay nagbibigay ng mas mataas na tsansa na kainin ng mga bata ang kanilang nilulutong pagkain. Pwedeng isama ang mga bata sa mga supermarkets at hayaan silang pumili o tanungin sila kung ano ang mga prutas, gulay, at iba pang mga pagkain ang kanilang nais. Mag-usap tungkol sa mga pangalan nito, kung paano ito tingnan, amuyin, at lasahan. Sa bahay, bigyan ang mga bata ng mga gawain na naaayon sa kanilang edad tulad ng paghalo ng mga pagkain, pagsasandok o pag-aayos ng mga hiniwang gulay. (4)

Ang simpleng ambag ng mga bata sa pagluluto ay hindi lang nagdadala ng saya kundi nagbibigay din ng edukasyon para sa kanila. Ang partisipasyon ng mga bata sa pagluluto ay makakatulong sa kanilang pag-aaral ng basic math, tulad ng pagbibilang ng itlog at pagtimpla sa measuring cup. Bukod dito, maaari rin itong magbigay ng pagkakataon na magbasa ng mga recipe kasama ang mga magulang, na nagpapalawak sa kanilang bokabularyo. (7)

4. Maging Magandang Halimbawa

undefined
https://www.shutterstock.com/image-photo/mother-making-fresh-juice-daughter-2156665021

Gusto ng mga bata na tularan ang asal ng mga taong iniidolo at pinagkakatiwalaan nila. Kung nakikita ng mga bata na kumakain ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga ng isang pagkain na hindi pa nila natitikman, mas nahihikayat silang subukan ito. Pwedeng kumain nang magkasama at pag-usapan ang pagkain at banggitin ang mga sustansya nito. (5)

5. Maging matiyaga at mapag-pasensya.

Maaaring kailanganin ng ilang pagkakataon bago maging komportable ang isang bata na subukan ang bagong pagkain. Maging mapag-pasensya at patuloy na mag-alok ng iba’t ibang mga gulay at prutas. Kung nababahala ka sa mga pagkain na maaaring masayang, pwedeng gumawa ng mas maliit na portions ng bagong pagkain para magkaroon ng pagkakataon ang mga bata na subukan ito at hindi mag-alala na baka itapon ito kung hindi ito makakain. (6)

Kahit mahirap pakainin ang mga picky eater na bata, mahalaga ang tamang nutrisyon. Importante rin na ang pagkain ay hindi maging sanhi ng stress para sa mga bata. Marapat na gawing masaya at positibong karanasan ang oras ng pagkain. Ito ay isang paraan upang maitaguyod ang malusog na aspeto ng paglaki ng mga bata at magkaroon sila ng magandang asal sa pagkain. Ang pagbibigay halaga sa oras ng pagkain ay nagbibigay daan para sa mga bata na magkaroon ng healthy eating habits habang sila ay lumalaki.

 

References:

  1. Together to Eat. (n.d.). The LESS Picky Eater Plan. [online] Available at: https://www.togethertoeat.com/family-cooking/the-less-picky-eater-plan/ [Accessed 20 Dec. 2023].
  2. Parents. (n.d.). 7 Unexpected Benefits of Eating Together as a Family, According to Science. [online] Available at: https://www.parents.com/recipes/tips/unexpected-benefits-of-eating-together-as-a-family-according-to-science/.
  3. Happy Healthy Eating for kids. (n.d.). Fun Ways to Introduce New Foods to Kids. [online] Available at: https://www.happyhealthyeatingforkids.com/blog/fun-ways-to-introduce-new-foods-to-fussy-eater.
  4. CDC (2020). Tips to Help Your Picky Eater. [online] Centers for Disease Control and Prevention. Available at: https://www.cdc.gov/nccdphp/dnpao/features/picky-eaters/index.html.
  5. Linnerud, A. (2023). Embracing Picky Eaters with Love: 7 Tips for Parents. [online] Children’s Discovery Center. Available at: https://childrensdiscoverycenters.com/embracing-picky-eaters-with-love-7-tips-for-parents/ [Accessed 20 Dec. 2023].
  6. DesignChute (2023). Nurturing Little Food Explorers: Tips for Parents of Picky Eaters. [online] Patients ER and Hospital. Available at: https://patientser.com/nurturing-little-food-explorers-tips-for-parents-of-picky-eaters/ [Accessed 20 Dec. 2023].
  7. Gavin, Mary. 2014. “Cooking with Preschoolers (for Parents) - KidsHealth.” Kidshealth.org. 2014. https://kidshealth.org/en/parents/cooking-preschool.html.