Mga sakit na makukuha sa pag-abuso sa alak

October 29, 2018

Likas sa mga Pinoy ang pagse-celebrate sa pamamagitan ng pagsasalu-salo. Kahit sa simpleng kainan, pagdiriwang, at maging pagkukwentuhan, madalas kasama sa hinahain ang alak at pulutan. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ngayong taon, 45.5% ang umiinom para makipag-socialize, 23.8% naman ang nakikipag-inuman para magtanggal ng stress, at 17.5% naman nakikitagay para sumaya.

 

Kung tutuusin, hindi naman masama sa katawan ang beer o alak. Sa katunayan, maraming benefits of beer na lingid sa kaalaman ng marami. Pag-usapan natin ang mga ito bago natin talakayin ang negative side effects ng isa sa pinakakilalang pampasarap ng usapan sa kulturang Pilipino.

 

Benefits of Drinking Beer

 

Ang beer ay isang alcoholic drink na ginagamit para maiwasan ang iba’t ibang karamdaman. Sa circulatory system ng katawan, maaari itong makatulong para makaiwas sa coronary heart disease o sakit sa puso, atherosclerosis o ang paninigas ng arteries o mga ugat sa puso, heart failure, heart attack, at stroke. Napapataas kasi ng beer ang high-density lipoprotein (HDL) o good cholesterol na kailangan ng puso para makapag-function nang maayos. May taglay din na Vitamin B6 o pyridoxine ang alak na nakakapagpababa ng homocysteine levels, isang kemikal na nagpapataas ng risk sa pagkakaroon ng kahit anong sakit sa puso.

 

Sa parteng utak naman, ginagamit din ang beer para makatulong sa pagbagal ng cognitive decline o ang ability ng brain na magamit ang thinking skills nito. Nakitaan din ng benepisyo ang beer sa pagpapababa ng risk sa Alzheimer’s Disease sa pamamagitan ng pag-iimprove ng memory.

 

Bukod dito, nakakatulong ang tamang pag-inom ng beer sa appetite and digestion, maging sa iba pang functions ng digestive system. Maaari din itong makaiwas sa pagkakaroon ng ulcers sa tiyan na dala ng bacterium na Helicobacter pylori.

 

Sa tulong ng moderate na pag-inom ng beer, bumaba naman ang risk ng  pagkakaroon ng Type 2 Diabetes, gallstones, kidney stones, at mga cancer sa prostate at breast.

 

Mayroon ding pinag-aaralang benefits of beer sa pag-iwas sa osteoporosis lalo nsa mga babaeng dumaan na sa menopause. Nangangailangan pa ito ng matibay na findings.

 

Anu-ano ang mga komplikasyon na dala ng labis na pag-inom ng alak?

undefined

Photo from Unsplash

 

Ibang usapin pa rin ang labis na pag-inom nito o ang bisyo ng heavy drinking. Kahit may mga na-discover nang health benefits of beer, kailangan pa ring magdahan-dahan sa labis na pag-inom nito. Alamin kung anu-anong health conditions ang maaaring makuha sa pag-abuso sa alak.

 

  1. Liver Disease

Ang alak ay pinoproseso o sumasailalim ng metabolism sa atay, kaya naman ang organ na ito ang pinaka-at risk sa pagkakaroon ng damage mula sa chronic heavy drinking. Nagiging acetaldehyde ang beer sa atay, isang toxic at cancerous na substance. Ito ang ilan pa sa mga kondisyon ng liver na maaaring matamo base sa kung gaano karami ang iniinom ng isang tao at gaano na katagal ang heavy drinking activity:

 

  • Fatty Liver – Ito ang pinakamaagang resulta ng labis na pag-inom ng alak. Nababago kasi ng sobrang pag-inom ng beer ang metabolism ng liver ng fats. Ang sobrang fats ay nananatili sa liver, dahilan para magkaroon ng sakit na ito.

 

  • Alcoholic Hepatitis – Ang sakit naman na ito ang kondisyon kung saan mayroon nang long-term inflammation o pamamaga ang atay. Maaaring mauwi ito sa pagkakaroon ng tissue na may scar o sugat.

 

  • Liver Cirrhosis – Kapag tumagal ang scar sa tissue sa atay, maaaring balutin nito ang buong liver, sasamahan pa ng paninigas nito ang pagkakaroon ng nodules.

 

Hindi nagpapakita ang mga sintomas nito habang wala pang labis na pinsala sa atay. Sa pagkakataong hindi na makapag-function nang mabuti ang liver, maaaring humantong ito sa multiple organ failure at kamatayan.

 

  1. Cancer

Ang labis na pag-inom ay maaari pa ring mauwi sa development ng cancer. Napapataas ng acetaldehyde (naprosesong beer sa atay) ang risk ng pagkakaroon ng cancer sa bibig, esophagus, stomach, liver, rectum, colon, breast, at larynx. Kung sinasamahan naman ng paninigarilyo ang bisyo ng pag-inom, nasa gastrointestinal tract at respiratory tract naman ang mataas na risk sa pagkakaroon ng cancer.

 

  1. Brain Damage

undefined

Photo from Pixabay

 

Kasama rin sa benefits of drinking beer ang pagpapababa sa risk ng Alzheimer’s Disease at pagbagal ng brain functions, pero malaki ang epekto ng sobrang pag-inom ng alak sa central nervous system. Nagsisilbi itong depressant ng bahaging ito ng katawan, kaya nakakaranas ng pagkalabo ng paningin, pagkalimot, pagkahirap sa pagsasalita at paglalakad, at pagbagal ng kilos tuwing nalalasing. Dahil dito, napapabilis ng beer ang normal na aging process ng utak. Posibleng mauwi ito sa injuries, maagang pagkakaroon ng permanent dementia o pagkalimot, o matinding mga epekto sa behavior.

 

  1. Heart Disease

Nakakataas ng blood pressure at nakakapagpanipis ng mga ugat papuntang puso ang labis na pagkonsumo ng beer, dahilan para magkaroon ng mga komplikasyon sa cardiovascular system gaya ng stroke at heart failure.

 

  1. Vitamin Deficiencies

Isang sanhi nito ang epekto ng labis na pag-inom sa gastrointestinal tract at dugo. Napapabagal din ng bisyong ito ang paggawa ng bone marrow ng red blood cells, sanhi para magkaroon ng iron deficiency anemia.

 

Paano maiiwasan ang mga ito?

 

Kung madalas at matagal nang nae-enjoy ang pag-inom ng beer, hindi madali ang tuluyang pag-iwas dito. Gawin ito nang dahan-dahan at may disiplina, gamit na rin ang tulong ng pamilya at mga kaibigan para masuportahan sa layuning itigil ang masamang bisyo. Maaaring makaranas ng withdrawl symptoms, ngunit ito ay pansamantala lamang. Maghanap ng healthy alternatives o activities na pwedeng gawin sa halip na uminom ng alak.

 

Mahalaga rin ang pagkakaroon ng tamang diet para mai-supply sa katawan ang mga kulang na vitamins at nutrients na naapektuhan ng chronic heavy drinking. Makakabuti rin ang pag-eehersisyo araw-araw para mapainam ang circulation ng dugo na naaapektuhin din kapag labis ang pagkonsumo ng alak. Magpakonsulta sa iyong doktor para ma-assess kung ano ang treatment na angkop sa iyong kalusugan.

 

Sources:

 

https://www.rappler.com/brandrap/travel-food-and-lifestyle/196460-why-drink-beer

https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-1007/beer

https://www.medicalnewstoday.com/articles/297734.php

https://www.livestrong.com/article/392731-liver-health-and-beer/