Ang allergic rhinitis ay walang pinipiling edad o kasarian. Malaki ang epekto nito sa pang-araw-araw na buhay: maaaring mahirapang matulog sa gabi at makapagpahinga nang maayos, pakiramdam ng pagkaantok maghapon, at iba pang nakakaabalang mga sintomas.
Kapag naka-encounter ng allergens ang taong mayroon nito, nagsisimula nang umatake ang mga sintomas. Kinakailangan ng mga gamot, home remedies, treatment, at lifestyle changes para guminhawa mula rito.
Allergic Rhinitis Symptoms & Causes
Kapag may allergic rhinitis, nilalabanan ng immune system ang tinatawag na allergens dahil kinikilala ang mga ito bilang foreign objects sa katawan. Dahilan ito para mamaga ang mucus membrane sa ilong at magdala ng allergic rhinitis.
Ano ang allergens?
Ito ang mga nakakaapekto o nakaka-trigger sa mga taong may allergic rhinitis. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod:
- Malamig na panahon;
- Biglang pagbabago ng temperature sa paligid;
- Polusyon (usok ng sasakyan, pagsisiga, o amoy ng basura);
- Matapang na pabango o mga amoy;
- Mga kemikal gaya ng panglinis;
- Molds;
- Mga ipis, lalo na ang mga namatay na;
- Mga alagang hayop;
- Pollen o mga particle galing sa iba’t ibang halaman; at
- Dust mites na matataguan sa bahay, higaan, mga unan, at iba pa.
Bantayan ang mga sumusunod na sintomas at komplikasyong dala ng allergic rhinitis para matugunan agad ang pangangailangan ng katawan laban dito:
- Pamumula, pangangati, at nagtutubig na mga mata;
- Pagbahing;
- Pagbabara ng ilong;
- Runny nose;
- Pangangati ng tenga o bahagyang pagkabingi;
- Pangangati o pananakit ng lalamunan;
- Ubo; at
- Drowsiness o pagkaantok.
Ilan naman sa mga karaniwang komplikasyon nito ay sinusitis, impeksyon sa tenga, at nasal polyps.
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-woman-eating-pills-glass-water-1452732365
Allergic Rhinitis Medicine
Tingnan ang ilan sa mga inirerekomendang mga gamot ng doktor laban sa allergic rhinitis ang mga sumusunod:
- Nasal spray – Kinakailangang may corticosteroids ito para maibsan ang mga sintomas na dala ng allergic rhinitis. Makakatulong ito para matanggal ang pagbabara ng ilong at pagiging hirap sa paghinga.
- Cetirizine at Loratidine – Nakakatulong ang mga ito para maibsan ang pagbahing, runny nose, at eye irritation. Para sa mga batang may allergic rhinitis, pwedeng subukan ang RiteMED for Kids Cetirizine Syrup at RiteMED for Kids Loratidine Syrup.
- Montelukast – Para rin sa mga mayroong sintomas ng asthma, umeepekto ito laban sa mga sintomas ng allergic rhinitis.
- Levocetirizine – Kung seasonal ang inyong allergic rhinitis o dala ng paiba-ibang panahon, makakatulong ito kontra sa mga sintomas.
- Vitamin C – Ang regular na pag-inom ng Vitamin C supplements ay makakapagpalakas ng resistensya para sa mabilis na pagginhawa mula sa allergic rhinitis. Subukan ang RM Ascorbic Acid o RM Sodium Ascorbate para sa adults at RiteMED for Kids Ascorbic Acid Syrup o RiteMED for Kids Ascorbic Acid+Zinc (Zinc-C) naman para sa mga bata.
Paalala: Kumonsulta muna sa inyong doktor para maresetahan ng gamot na angkop sa inyong kondisyon.
Ipinapayo pa rin ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay tungo sa maayos na management ng allergic rhinitis. Siguraduhin ang pagkonsumo ng prutas at gulay, pag-inom ng sapat na dami ng tubig araw-araw, at pag-iwas sa pagpupuyat, bisyo, at stress para hindi lumala ang mga sintomas ng sakit.
Sources:
https://www.nhs.uk/conditions/allergic-rhinitis/treatment/
https://medlineplus.gov/ency/article/000813.htm