Nakakatulong ba ang Ascorbic Acid para sa Iron Deficiency Anemia?

March 23, 2020

Ayon sa 8th National Nutrition Survey sa Pilipinas, 11.1% ng mga Pilipino ang anemic. Tinatayang 25.2% dito ay mga buntis at 39.4% ay mga bata. Ano nga ba ang kondisyong ito at paano ito maaagapan?

 

Iron Deficiency Anemia

 

Ang iron deficiency anemia ay isang pangkaraniwang uri ng anemia - isang kondisyon kung saan ang dugo ay kulang sa healthy red blood cells. Ang red blood cells ng dugo ang siyang nagdadala ng oxygen sa mga tissue ng katawan.

 

Kakulangan sa iron ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Kung walang sapat na iron ang katawan, hindi ito makakagawa ng sapat na sangkap para sa red blood cells na makapagdala ng oxygen (hemoglobin). Resulta nito ay ang panghihina ng katawan at pag-ikli ng paghinga.

 

Madalas namang kayang tapatan ng iron supplementation ang iron deficiency anemia. Minsan din ay kailangan ang karagdagang pagsusuri kung may iron deficiency anemia lalo na’t kung ang iyong doktor ay may suspetsa na ikaw ay mayroong internal bleeding mula sa iyong health condition o kaya naman ay nagdadalantao.

 

 

Symptoms of Anemia

 

Ang mga sintomas ng iron deficiency anemia ay madalas halos hindi napapansin. Ayon sa mga eksperto, ang mga taong may iron deficiency anemia ay hindi nalalamang may taglay sila ng nasabing kondisyon. Para ma-diagnose ito, kinakailangang sumailalim sa blood test.

 

Nakalista rito ang ilang iron deficiency anemia signs na kailangan nating bantayan. Suriing mabuti para matukoy kung mayroong anemia:

 

  • Overfatigue;
  • Panghihina;
  • Pamumutla;
  • Pananakit ng dibdib at pag-ikli ng paghinga;
  • Pagkahilo o pananakit ng ulo;
  • Kakaibang kagustuhang kumain ng mga bagay na hindi naman pagkain gaya ng alikabok, yelo, o clay;
  • Kawalan ng ganang kumain lalo na sa mga batang may iron deficiency anemia;
  • Nakakakilabot na pakiramdam sa binti;
  • Pamamaga o pananakit ng dila;
  • Panlalamig na mga kamay at paa;
  • Mabilis o iregular na tibok ng puso; at
  • Marupok na mga kuko.

 

 

Anemia Causes

 

Ang iron deficiency anemia ay nangyayari kapag ang katawan ay may kakulangan sa iron at hindi makagawa ng sapat na hemoglobin. Ang hemoglobin ay parte ng red blood cells na nagbibigay ng kulay sa dugo. Tumutulong din ang hemoglobin para makapagdala ang red blood cells ng oxygenated blood sa buong katawan.

 

Kung hindi sapat ang pagkonsumo ng iron at hindi nakakagawa ng sapat na hemoglobin ang katawan, posibleng magkaroon ng iron deficiency anemia.

 

Narito ang ilang sanhi ng nasabing kondisyon:

 

  1. Kawalan ng maraming dugo

 

Ang dugo ay nagtataglay ng iron. Kapag nagkaroon ng labis na pagdudugo, gaya ng sa pagtamo ng malubhang injury o aksidente ay maaaring magsanhi ng iron deficiency anemia. Madalas ang mga kababaihan ang nagkakaroon ng iron deficiency anemia, lalo na tuwing malakas ang buwanang dalaw.

 

 

  1. Low-iron diet

 

Ang katawan ng tao ay regular na kumukuha ng iron sa mga pagkaing kinakain. Kung and pang-araw-araw na diet ay hindi mayaman sa iron, mataas ang risk sa pagkakaroon ng iron deficiency anemia. Ugalling magsama sa karne, itlog, madadahong gulay, at iba pang mga pagkaing nagtataglay ng iron sa inyong mga lutuin. Ikonsulta rin sa inyong doktor kung maaaring uminom ng anti-anemic supplements lalo na kung may history na ng iron deficiency anemia.

undefined

 

  1. Walang kakayahang tumanggap ng iron ang katawan

 

Ang iron mula sa mga kinakain ay dumadaloy sa mga ugat patungo sa small intestine. Ang intestinal disorder gaya ng celiac disease ay maaaring makaapekto sa iyong mga bituka para tanggapin ang sustansya mula sa pagkain. Ito ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng iron deficiency anemia. Kapag may parte ng small intestine na nagalaw o natanggal dulot ng operasyon, may posibilidad na maging mahirap para sa katawan na tumanggap ng iron at iba pang nutrisyon.

 

  1. Pagbubuntis

 

Kung walang iron supplementation, maaaring magkaron ng iron deficiency anemia ang nagdadalantao. Madalas ay iminumungkahi ng doktor na isama ang iron supplements sa pre-natal vitamins para matiyak na sapat ang nakukuhang sustansya ng mommy at ng sanggol. May ilan din namang nagbubuntis na may kakaibang reaksyon sa iron supplements. Sa mga ganitong kaso, ikonsulta sa doktor kung anu-anong iron-rich food at substitute ng supplements ang pwedeng isama sa diet.

 

 

Sinu-sino ang at risk sa pagkakaroon ng iron deficiency anemia?

 

  • Mga babaeng may buwanang dalaw, lalo na kung malakas ang flow;
  • Mga babaeng buntis, nagpapadede, o kakapanganak pa lang;
  • Mga taong dumaan sa major surgery o physical trauma;
  • Mga pasyente na may gastrointestinal disease;
  • Mga taong may peptic ulcer;
  • Mga vegetarians o vegans, at mga taong hindi nagsasama ng pagkaing mayaman sa iron sa kanilang diet; at
  • Mga batang umiinom ng gatas ng kalabaw 16- 24 ounces a day. Ang gatas ng kalabaw ay pinapahina ang pagtanggap ng katawan ng iron at naapektuhan ang intestinal lining na maaaring mag-resulta sa chronic blood loss.

 

 

Anemia Prevention

 

Maaaring mahadlangan ang tuluyang pagkakaroon ng iron deficiency anemia sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa vitamins na iron at vitamin C

 

Ilan sa mga pagkaing mayaman sa iron ang mga sumusunod:

 

  • Karne ng baboy, manok, at baka;
  • Beans;
  • Kalabasa at buto ng kalabasa;
  • Madadahong gulay gaya ng spinach;
  • Raisins; at
  • Seafoods gaya ng sardinas, hipon, at talaba.

 

Para naman sa mga pagkaing sagana sa Vitamin C:

 

  • Mga prutas gaya ng ubas, strawberry, bayabas, papaya, pinya, melon, at mangga;
  • Broccoli
  • Green o red bell peppers;
  • Cauliflower; at
  • Kamatis.

 

Anemia Treatment

undefined

Para bumalik sa normal ang dami ng red blood cells sa katawan, narito ang ilang paraan para -malabanan ang iron deficiency anemia:

 

  1. Uminom ng supplements – Ang pag-inom nito ay makakatulong para tumaas ang supply ng iron sa katawan. Kung posible, uminom ng iron supplements habang wala pang laman ang sikmura dahil napapadali nito ang pagtanggap ng katawan ng iron. Sa ilang kondisyon, kinakailangang mag take ng iron supplements sa loob ng ilang buwan. Tandaan lang na maaaring makaranas ng constipation bilang side effect ng pag-inom nito.

 

Bukod sa iron supplements, importante rin ang pag-inom Vitamin C para mas madaling ma-absorb ng katawan ang iron. Ito ang dahilan kaya kapag niresetahan ng doktor ng iron supplements, imumungkahi rin na sabayan ito ng ascorbic acid.

 

  1. Magsagawa ng tamang diet - Ang mga pagkain gaya ng mapulang karne, berde at madadahong gulay, tuyong prutas, mani, at iron-fortified cereals ay maaaring makatulong kontra iron deficiency.

 

  1. Paggamot sa binabantayang sanhi ng malakas na bleeding - Hindi inirerekomenda ang iron supplements kung malakas ang pagbawas ng dugo sa katawan. Sa mga babaeng malakas ang buwanang dalaw, inirereseta ng mga doktor ang birth control pills para mabawasan ang halaga ng dugong nawawala sa katawan kada buwan. Sa matitinding kaso ng bleeding, pagsasalin ng dugo ang pinakamabisang paraan.

 

 

Ang iron deficiency anemia kapag napabayaan ay maaaring magdulot ng mas malalalang kondisyon gaya ng lung failure, heart failure, o komplikasyon sa pagbubuntis. Sikaping magkaroon ng healthy lifestyle at ugaliin ang regular na pagpapakonsulta sa doktor para makasigurado.

 

 

 

 

Sources:

https://www.hematology.org/Patients/Anemia/Iron-Deficiency.aspx

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/iron-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355034

https://www.rappler.com/brandrap/health-and-self/167569-anemia-in-the-philippines

https://www.healthline.com/health/iron-deficiency-anemia#symptoms

https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/iron-deficiency-anemia