Kapag nakakaramdam ng karaniwang pananakit ng katawan, lagnat, sakit ng ulo, dysmenorrhea, at iba pang mga katulad na kondisyon, tinutugunan natin ito ng self-medication o ang pag gamot nang walang reseta ng doktor. Kaya naman, umaasa tayo sa mga over-the-counter medication gaya ng anti inflammatory drugs para maibsan ang mga sintomas na nararanasan.
Ano ang anti inflammatory drugs?
Ito ay tumutukoy sa mga gamot na nakakatulong sa iba’t ibang klase ng pananakit. Kadalasang nabibili over-the-counter, tinatawag din itong nonsteroidal anti inflammatory drugs o NSAIDS. Kilala rin sila dahil sa mabilis na bisa at epekto, pati na rin sa kawalan nito ng side effects para sa ibang tao.
Pinipigilan ng NSAIDS ang prostaglandins, ang substances na nagpaparanas sa katawan ng sakit kapag may inflammation. Sila rin ang dahilan kaya tumataas ang temperature ng katawan kapag may lagnat.
Anu-ano ang iba’t ibang anti inflammatory medicine?
May NSAIDS para sa mga sumusunod na kondisyon o sakit na nararamdaman:
- Ibuprofen – Para sa tension headache, dysmenorrhea, sakit ng ngipin, at pagpapababa ng lagnat, kilala rin ang ibuprofen na pangontra sa muscle pain. May mga pagkakataon ding inirereseta ito ng mga doktor para sa matinding pananakit dala ng arthritis at rheumatism. Mayroong RM Paramax (Ibuprofen+Paracetamol) para sa mga nabanggit.
- Mefenamic acid – Natatanggal nito ang pananakit ng ulo, ngipin, at puson kapag may dysmenorrhea. Bukod dito, pwede rin itong ireseta para sa pananakit ng joints dala ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. May RM Mefenamic Acid na available para gumaan ang pakiramdam mula sa ganitong mga sakit.
- Meloxicam – Ginagamit ito kadalasan para sa treatment ng osteoarthritis, rheumatoid arthritis, at iba pang mga kondisyong nangangailangan ng anti-inflammatory therapy.
- Naproxen sodium – Inirerekomenda ang gamot na ito para sa joint disorders at pananakit ng muscles o mga buto. Naaalis din nito ang pananakit matapos ang operasyon, acute gout, migraine, headache, at lagnat.
- Diclofenac – Kagaya ng Meloxicam at Naproxen sodium, ang Diclofenac sodium ay mainam para sa rheumatoid arthritis, osteoarthritis, at iba pang rheumatic disorders. Nirereseta rin ito para sa post-operation pain management.
Anti Inflammatory Medicine Common Side Effects
Bagama’t nabibili nang walang prescription o reseta ang NSAIDS, may kaakibat pa ring side effects ang labis na pag-inom ng mga ito. Ilan sa mga problema at risk ng long-term na paggamit ng anti inflammatory drugs ang mga sumusunod:
Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/tired-exhausted-asian-young-woman-glasses-594848924
- Pananakit ng tiyan;
- Diarrhea o constipation;
- Heartburn;
- Nausea o pagsusuka;
- Ulcer sa tiyan;
- Dugo sa ihi o dumi;
- Mga komplikasyon sa puso gaya ng stroke;
- Panlalabo ng paningin;
- Pangangati o pagkakaroon ng rashes;
- Pananakit ng dibdib; o
- Paninilaw ng balat.
Paalala: Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito dahil sa pag-inom ng NSAIDS, kumonsulta agad sa inyong doktor para makasigurado.
Tamang Paggamit ng Anti Inflammatory Drugs
Para makaiwas sa pagiging dependent sa paggamit ng NSAIDS at sa mga side effect nito, siguraduhing obserbahan ang mga sumusunod:
- Uminom nang ayon sa pangangailangan. Kung kayang i-tolerate ang sakit, huwag muna itong inuman ng gamot. Ang madalas na pag-inom ng NSAIDS ay maaaring makaapekto sa bisa nito sa iyong katawan.
- Alamin ang tamang dosage. Sundin ang instructions at indications sa nakalagay sa gamot. Kinakailangan din ng research para malaman kung ano ang contraindications ng iinuming NSAIDS. Sa ganitong paraan, hindi magkakaroon ng komplikasyon sa inyong pre-existing conditions o mga iniinom na gamot.
- Kumonsulta sa doktor. Humingi ng opinyon kung tama ba ang NSAIDS na iniinom tuwing nakakaranas ng pagsama ng pakiramdam.
Sources:
https://www.healthline.com/health/pain-relief/otc-anti-inflammatories#side-effects
https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/11086-non-steroidal-anti-inflammatory-medicines-nsaids
https://www.healthline.com/health/pain-relief/ibuprofen-vs-acetaminophen#brands