Minsan ka na bang uminom ng antibiotic na gamot nang hindi nagpapakonsulta sa doktor? O kaya naman ay uminom ka ng antibiotic ayon sa sinabi ng iyong doktor pero dahil tingin mo ay magaling ka na, hindi mo na kinumpleto ang full prescription ng doktor? Ilan lamang ang mga ito sa hindi inirerekomendang patuloy mong gawin dahil ang mga ito ay hindi nakatutulong sa pag-iwas sa antibiotic resistance.
What is antibiotic resistance?
Ang antibiotic resistance ay isang growing health issue na ngayon sa buong mundo. Alam nating napakahalaga ng mga antibiotics o antimicrobial drugs sa paglaban ng impeksyon sa katawan tulad na lamang ng urinary tract infection, pneumonia, o tuberculosis. Ngunit dahil sa antibiotic resistance, nagiging immune ang mga bacteria o iba pang mga mikrobyo sa mga epekto ng antibiotics. Dahil dito, nababawasan o nawawalan ng bisa ang mga antibiotics na dating mabilis na nakagagamot sa mga sakit o impeksyon.
Ang mga bacteria na ngayon ay hindi na tinatablan ng antibiotics at maaaring patuloy na dumami, o mas kilala sa tawag na antibiotic resistant bacteria, ay maaaring kumalat sa iba pang myembro ng pamilya, kaklase, katrabaho, o taong nakakasalimuha sa pang-araw araw na pamumuhay. Ito ay maaaring maging sanhi ng mas malaking pinsala tulad na lamang ng bagong strain ng infectious disease na mas mahirap at mahal gamutin. O kaya naman ay mas mapapahaba ang iyong pag-take ng antibiotic dahil mas matagal na itong maging epektibo sa iyong katawan. Ang mas malala pa dyan ay, dahil sa mga antibiotic resistant bacteria, maaaring mas mapapatagal ang paggaling ng isang tao mula sa impeksyon o mag-develop pa siya ng ibang health issues.
What causes antibiotic resistance?
Ayon kay Marc Sprenger, director ng secretariat for antimicrobial resistance ng World Health Organization (WHO), ang mga sumusunod ang nagiging sanhi ng antibiotic resistance:
- Natural selection and genetic adaptation – Ang mga mikrobyo tulad ng bacteria, viruses, fungi, at parasites, ay living organisms na nag-eevolve sa paglipas ng panahon. Ang primary function nila ay ang mabilis at maayos na pagreproduce, pagsurvive, at pagspread sa paligid kaya sila nakakapag-adapt sa kanilang kanya-kanyang environments. Dahil dito, kapag may isang bagay na humadlang sa kanilang paglago at pagdami, tulad na lamang ng antibiotics, mas mataas ang posibilidad na magkakaroon ng genetic changes para masigurado ang survival ng microbe o ng bacteria.
- Common prescription of antibiotics to patients – Hindi inirerekomenda ng WHO sa mga doctors, nurses, veterinarians, at iba pang health workers ang pag-prescribe ng antibiotics sa kanilang mga pasyente kung hindi naman talaga kinakailangan at kung hindi pa natetest at nakoconfirm kung anong antibiotic ang makapagpapagaling sa pasyente – mapatao man o hayop. Ito ay dahil mas napapadali lamang ang proseso ng antibiotic resistance sa iba’t ibang parte ng mundo.
- Taking of unprescribed antibiotics – Ayon pa sa WHO, dapat lang na nagti-take ng antibiotics ang isang tao kapag ito ay prescribed or isinangguni na sa isang certified health professional. Ngunit hindi rin dapat mahiyang magtanong kung feeling mo talaga na kailangan mo na nito.
- Not completing the full prescription of antibiotics – Recommended din na dapat ay laging kinukumpleto ang full prescription ng antibiotics kahit pa sa tingin mo ay magaling ka na. Ito ay dahil kapag tinigil mo ang treatment nang mas maaga at nag-take nang hindi tamang dose ng antibiotics, maaari pa itong maging sanhi ng pagdami ng antibiotic resistant bacteria.
- Misuse of antibiotics – Marami ring hindi gumagamit nang tama ng antibiotics sa larangan ng livestock, agriculture, and crops kaya iminumungkahi ng WHO na itigil ito, panatilihing malinis at uncrowded and environment at ipa-vaccinate ang ibang mga alagang hayop.
Antibiotic Resistance Mechanisms
Ngayon na alam niyo na ang mga sanhi ng paglago ng antibiotic resistance, mas mainam din na malaman kung paano nadedevelop ng mga antibiotic resistant bacteria ang kanilang kakayahang i-resist ang mga epekto ng antibiotic medication. Tingnan ang imahe sa baba.
Ang diagram sa taas ay nagpapakita ng pagkakaiba ng non-resistant bacteria sa antibiotic resistant bacteria. Kapag naexpose ka sa isang mikrobyo o bacteria sa iyong paligid, maaaring mag-lead ito sa iyong pagkakaroon ng impeksyon. Ang antibiotics o antimicrobial drugs ang isa sa mga nagsisilbing pinakamabisang drug treatment sa mga sakit o impeksyon na maaari mong makuha. Dahil sa mga sanhing nabanggit kanina na nagdulot ng antibiotic resistance, kapag uminom ka ng antibiotics, mas dadami pa at patuloy na kakalat ang antibiotic resistant bacteria kaya mas mataas ang posibilidad na ang taong may impeksyon ay hindi gagaling.
May dalawang antibiotic resistance mechanisms na usual na nangyayari:
- Pagpigil sa antibiotic na maabot ang target na bacterial cell na kailangan nitong labanan. May ilang mga pagbabago sa antibiotic resistant bacteria na mas nagpapahirap sa antibiotic na i-infiltrate o lusutan.
- Pag-camouflage ng target bacteria na resulta ng genetic adaptations at mutations at pagpapakita ng ibang alternative proteins. Ang mga ito ang nagsisilbing shield ng drug-resistant bacteria sa antibiotic.
How is antibiotic resistance diagnosed?
May mga diagnostic tests na nakatutulong madetermine kung anong microbe ang sanhi ng impeksyon at kung anong antibiotic drugs ang maaaring i-prescribe sa pasyente. Kapag nakapag-test na, mas maayos na mabibigyan ng healthcare provider ang pasyente ng tama at epektibong antimicrobial treatment.
Photo from Pexels
How to treat antibiotic resistance?
Kapag tingin mo ay may kahit anong type ng impeksyon ka – ito man ay bacterial, viral, o fungal, dumiretso at magpatingin na agad sa doctor o kahit sinong healthcare provider. Sila lamang ang maaaring mag-prescribe sayo ng antibiotics na hindi resistant sa sitwasyon mo.
How to prevent antibiotic resistance?
Mas mainam nang magpa-check up agad sa doctor at pag-usapan kung ano ang pinaka-appropriate na medicine para sa iyong sakit o impeksyon. Sundin nang maigi ang prescription ng doktor – kung ilang gamot sa isang araw, kung anong oras kailangan itong inumin, etc. – at tapusin ang buong prescription. Huwag din i-suggest ang iyong antibiotic treatment sa ibang tao dahil maaaring may mas akmang gamot para sa kanyang sitwasyon. Mas mabuti ring sundin ang required dosage ng antibiotics na inireseta ng doktor at huwag na muli itago at gamitin ang mga antibiotic na ito sa ibang pagkakataon.
SOURCES:
Antibiotic Resistance: Read About Bacteria Evolving. (2019). MedicineNet. Retrieved 4 February 2019, from https://www.medicinenet.com/antibiotic_resistance/article.htm#antimicrobial_resistance_a_growing_health_issue
Antibiotic Resistance: Questions & Answers. (2019). RxList. Retrieved 4 February 2019, from https://www.rxlist.com/antibiotic_resistance/drugs-condition.htm#antibiotic
How to stop antibiotic resistance? Here's a WHO prescription. (2019). World Health Organization. Retrieved 4 February 2019, from https://www.who.int/mediacentre/commentaries/stop-antibiotic-resistance/en/
Resistance mechanisms. (2019). Reactgroup.org. Retrieved 4 February 2019, from https://www.reactgroup.org/toolbox/understand/antibiotic-resistance/resistance-mechanisms-in-bacteria/
What you need to know about antibiotic resistance -- and how to protect yourself. (2019). WebMD. Retrieved 4 February 2019, from https://www.webmd.com/cold-and-flu/antibiotic-resistance