Iba’t-ibang uri ng psychotheraphy para sa may anxiety at depression

July 16, 2019

Ang pinakamabisang paraan para ma-solusyonan ang problema sa pag-iisip, gaya ng depression at anxiety, ay ang pag-alam ng mga posibleng treatment options. Ang mga treatment options na ito ay ang tinatawag sa medisina na “psychological theraphy” o “psychotheraphy”.

May mga uri ng psychotheraphy na matutulungan kang baguhin ang negatibong tingin mo sa sarili mo o sa kapwa mo. Makakatulong din ito para mabago ang pag-uugali ng isang tao na nakasasagabal ng kanilang trabaho o pang-araw-araw na gawain.

Anu-ano ang mga uri ng psychotheraphy?

  • Interpersonal Therapy

Ang interpersonal therapy ay nakatuon sa relasyon ng pasyente sa ibang tao sa paligid niya na posibleng nagiging dahilan ng paglala  ng kanyang mental health. Tinutukoy sa interpersonal therapy kung ano ang naging bunga ng problema ng pasyente at pinaguusapan nang mabuti kung paano maaayos.

  • Cognitive o Behavioral Therapy

Tinutulungan dito ang mga pasyenteng maisaayos ang kanyang negatibong pag-uugali o pag-iisip, kadalasan mga sintomas ng depresyon o anxiety. 

  • Mindfulness – based Cognitive Therapy

Base sa pag-aaral na isinagawa ni Jon Kabat-Zinn patungkol sa Mindfullness Stress Reduction model, ang therapy na ito ay nagpopokus sa mga nakararanas ng paulit-ulit na senyales ng depresyon.

  • Dialectical Behavioral Therapy

Ito naman ay para sa nakararanas ng borderline personality disorder at ang aktibidad kung saan nagkakaroon ng open session o pangkalahatang diskurso. Dito, hindi lamang kasama ng pasyente ang kanyang psychiatrist, kasama rin sa pakikipag-usap ng mga karanasan ang ibang pasyente.

  • Psychodynamic Therapy

Sa ganitong therapy, inaalam ng psychiatrist kung saan nagbunga ang trauma na nararanasan ng pasyente. Madalas, ang kanyang istorya mula pagkabata ang pinaguusapan at sinusubukang mairesolba.

  • Eye Movement Desensitization Resolution (EMDR)

Ito ay madalas inirerekomenda sa mga pasyente nakararanas ng post traumatic stress disorder (PTSD). Kasama nito ay ang pagtulong sa pag-alala ng mga nagpapaulit-ulit na memorya habang inoobserbahan ang eye movement o paggalaw ng mata at iba pang pandama ng pasyente.

  • Somatic therapies, including Hakomi and Somatic Transformation

Ang therapy na ito naman ay nagpopokus sa pagbalanse ng pag-iisip at sa katawan base sa paniniwala na nakaaapekto ang pag-iisip sa pangkalahatang kalusugan ng katawan.

  • Interpersonal and Social Rhythm Therapy (IPSRT)

Dinisenyo ang therapy na ito para naman maisaayos ang mood o emosyon ng isang tao at kung paano niya matututunang mai-manage ang mga nakakastress na bagay-bagay.

Huling Paalala:

Kasabay ng mga therapy na ito ay ang pagreseta ng iyong psychotherapist ng gamot para sa iyong mental health condition. Maaari niyang irekomenda ang gamot tulad ng Ritemed Escitalopram. Alalahanin lamang na magpakonsulta muna bago bumili ng gamot sa botika.

References:

https://www.takingcharge.csh.umn.edu/what-types-psychotherapy-are-helpful-anxiety-and-depression

https://www.verywellmind.com/types-of-psychotherapy-for-depression-1067407