Masamang Epekto ng Sobrang Pag-aalala

October 30, 2017

Parte na ng araw-araw na buhay ng tao ang mag-alala sa mga bagay bagay, maliit man o malaki. Ang pag-aalala ay nagdudulot ng malaking epekto sa katawan. Kung ang pag-aalala ay nagiging sobra, ito ay maaaring mapunta sa pagkakaroon ng mataas na level ng anxiety at maaaring maging sanhi ng pagkakasakit.

 

Ano ang maaaring mangyari sa labis na pag-aalala?

 

Ang pag-aalala ay nagiging sanhi ng hindi pagkapalagay o sobrang pag-iisip sa isang sitwasyon o problema. Sa labis na pag-aalala, ang isip at katawan ay laging napupunta sa pag-iisip ng “anong pwedeng mangyari” o kadalasa’y “anong masamang pwedeng mangyari.” Nakakaapekto ang labis na pag-aalala sa gana sa pagkain, lifestyle, relationships, pagtulog at pati na rin sa trabaho. Karamihan ng mga taong sobrang mag-alala ay naghahanap ng outlet na kalimitan ay masama ang epekto sa katawan tulad ng pagkain (overeating), paninigarilyo, paglalasing o pagkalulong sa drugs.

 

Ano ang Anxiety?

 

Ang Anxiety o pagkabalisa ay normal na reaksiyon sa stress. Ang tuloy-tuloy na pagkabalisa ay maaaring maging resulta ng isang disorder tulad ng generalized anxiety disorder, panic disorder o social anxiety. Ang Anxiety ay maaaring makita sa anumang edad, gender o lahi.

 

Ang mga taong labis mag-alala ay iba mag-react sa mga stressful na pangyayari. Mas mabilis at mas intense silang mag-react sa mga stressful na sitwasyon o sa mga bagay na pinagmumulan ng stress. Ang labis na pag-aalala ay delikado kung nagiging irrational ka na at nawawala na ang focus mo sa realidad o sa pag-iisip ng tama. Nahihirapang tanggalin ang pag-alala sa kanilang sistema ng mga taong may mataas na level ng anxiety. Maaaring makaranas ng mga pisikal na sintomas kapag yan ay nangyari.

 

Ang labis na pag-aalala at anxiety ba ay nagiging dahilan ng stress response?

 

Ang stress na ang itiniturong pinakakaraniwang dahilan ng pagkakasakit. Ang stress ay galing sa mga pang-araw-araw na demands at pressures ng buhay tulad ng traffic, problema sa trabaho, pamilya o pera. Ang pagkabahala at pagkabalisa sa mga bagay na ito ay maaaring pagsimulan ng stress.

 

May dalawang elemento ang pagtugon sa stress. Ang una ay ang perception sa challenge. Ang pangalawa naman ay ang automatic physiological reaction na tinatawag na "fight or flight" response na nagdudulot ng pagbulusok ng adrenaline at naglalagay sa iyong katawan sa red alert.

 

Maaari ba akong magkasakit dahil sa labis na pag-aalala?

 

Ang labis na pag-aalala at emotional stress ay maaring mag-trigger ng iba’t ibang problema sa kalusugan. Ang fight or flight response sa mga stressful na sitwasyon o pangyayari ay dahilan para mag-release ng stress hormones tulad ng cortisol ang sympathetic nervous system ng iyong katawan. Ang mga hormones na ito ay nagbo-boost ng blood sugar levels at triglycerides (blood fats) na ginagamit na pang-gasolina ng ating katawan. Ang mga hormones na ito ay maaaring maging dahilan din ng ganitong mga kondisyon:

 

  • Hirap sa paglunok
  • Pagkahilo
  • Panunuyo ng bibig
  • Mabilis na pagtibok ng puso
  • Fatigue o pagkapagod
  • Pananakit ng ulo
  • Hindi makapag-concentrate
  • Pagkairita
  • Pananakit ng muscles
  • Muscle tension
  • Pagsusuka
  • Nervous energy
  • Mabilis na paghinga
  • Pangangapos sa paghinga
  • Pagpapawis
  • Panginginig

undefined

Kung hindi nagagamit ang sobrang fuel sa katawan sa mga physical activities, ang chronic anxiety at sobrang stress hormones ay maaaring maging isang seryosong physical consequence tulad ng mga sumusunod:

 

Kung hindi magagamot ang mataas na level ng anxiety, maari itong mapunta sa depression o di kaya’y suicidal thoughts. Kahit na ang mga ito ay epekto lamang ng kung paano tumugon sa stress, ang stress ay tanging trigger lamang. Nakadepende sa tao kung paano nito iha-handle ang stress. Sa pag-respond ng katawan sa stress, kasama ang immune system, puso at blood vessels, at kung paano ilalabas ang hormones ng ilang glands sa katawan. Ang mga hormones na ito ay nakakatulong para ma-regulate ang iba’t ibang functions sa katawan tulad ng brain function at nerve impulses. Hindi ang stress ang magiging dahilan ng iyong pagkakasakit, kundi ang epekto ng reaksiyon ng tao tungo dito tulad ng labis na pag-aalala at pagkabalisa ang magiging dahilan ng iyong pagkakasakit.

 

Para mabago ang pananaw sa stress, mainam na baguhin ang lifestyle at subukan ang mga sumusunod:

  1. Kumonsulta sa doktor
  2. Mag-exercise araw-araw
  3. Kumain ng healthy
  4. Uminom ng kape in moderation
  5. Matutong mag-relax
  6. Mag-meditate
  7. Patatagin ang social network o relationships
  8. Maging concious sa mga pinag-aalala
  9. Kumonsulta sa isang psychiatrist

 

Huwag gawing hobby ang pag-aalala. Iwasan ito, para maiwasan ang pagkakasakit o di kaya’y baguhin ang pananaw sa stress. Kasama ang pag-iisip sa pagiging healthy, wholistically. Dapat hindi lamang ang katawan ang pinapanatiling malusog kundi pati na rin ang pag-iisip. Madaming paraan para maiwasan ang stress, ugaliin lang ito para maging healthy ang mind, heart and body.

 

 

References: