May mga panahon kung kailan tayo ay nagkakasakit at nagkakaroon ng loss of appetite. Ang kawalan ng gana kumain ay maaaring magresulta sa pagbabawas ng timbang, pagkahina ng resistensya at pagbabawas ng muscle mass. Pwede rin nitong maapektuhan ang pang-araw-araw na gawain tulad ng trabaho, mga gawaing bahay at pag-aaral.
Kung ang pagkawala ng gana kumain ay dulot lamang ng simpeng kaso gaya ng stress, sipon at lagnat, huwag mabahala dahil maari mong ayusin ang iyong diet at uminom ng appetite stimulant o vitamins to boost appetite upang manumbalik ang sigla. Ating talakayin ang mga solusyon upang mabigyang lunas ang nasabing kondisyon.
Uminom ng folate supplement
Ang kakulangan sa folate ay maaring magdulot ng kawalan ng gana kumain, kaya maaring dagdagan ng mga pagkaing mayaman sa nasabing sustansya at folic acid ang iyong diet. Kabilang sa mga pagkaing ito ang mga berde at madahong gulay, citrus fruits, broccoli, asparagus, at patani. Bukod pa dito, pwede ka ring bumili ng vitamins to boost appetite na naglalaman ng folate o folic acid.
Ang tamang dosage ng folic acid ay hindi bababa sa 400 micrograms bawat araw, kaya alamin ang nakasaad na dosis sa label. Maaaring kumonsulta muna sa inyong mga doktor bago bumili ng appetite stimulant na naglalaman ng folate upang malaman kung ankgop ito sa iyong kalagayan.
Subukan ang appetite booster na may bitamina K
Image from Pixabay
Ang kakulangan ng Vitamin K sa diet ay isa ring maaaring sanhi kung bakit ikaw ay walang gana kumain. Siguraduhing may sapat na bitamina K ang diet sa pamamagitan ng pagkain ng mga berde at madahong gulay. Pwede mo ring samahan ang iyong pagkain ng appetite booster na may bitamina K, na nahahanap sa mga botika. Tandaan na ang wastong dosis ng bitamina K ay hindi bababa ng 90 micrograms bawat araw.
Kumain ng mas maraming herbs at spices
Pwedeng manumbalik ang gana kumain pag dinagdagan ng herbs and spices ang mga pagkaing bahay. Bukod sa nagdadagdag ito ng sarap sa karamihan ng pagkain, maraming herbs ang may angking mga sustansya na mabuti sa katawan. Kabilang sa mga herbs na pampagana kumain ang alfalfa, fenugreek, centaury, gentian at blessed thistle. Konsultahin ang iyong doktor para malaman kung ano ang mga pinaka-angkop na herbs at spices para sayo.
Bawasan ang konsumo sa tsitsirya
Anng tsitsirya ay hindi naglalaman ng mga makubuluhang sustansya na kailangan ng ating katawan. Sa katotohanan, ang labis na konsumo sa mga ito ay hindi mabuti sa kalusugan. Bukod pa dito, nakakabusog ang mga ito kung kaya nababawasan ang espasyo sa ating tiyan para sa mga masustansyang pagkain.
Mag-ehersisyo
Image from Pixabay
Magandang appetite stimulant ang pag-ehersisyo kung stress o kalungkutan ang rason kung bakit ikaw ay walang gana kumain. Kung sa tingin mo na kailangan mong gumasta nang malaki para sa gym membership, tandaan na maraming ehersisyo ang pwedeng gawin sa loob at labas ng bahay na hindi nangangailangan ng bayad. Idagdag sa pang-araw-araw na rutina ang mga simpleng ehersisyo gaya ng brisk walking, jogging, biking, aerobic exercises, swimming at marami pang iba.
Kung gusto mo naman na may kasama, yayain ang iyong mga kumare at kumpare na mag-zumba o mag-ballroom dancing. Hindi mo kailangang lubos na pagurin ang sarili. Sapat na ang konting papawis kung ikaw ay may edad na.
Isaisip na ang kawalan ng gana kumain ay maaari ding sanhi ng mas malubhang sakit. Bago gumawa ng malaking hakbangin, konsultahin muna ang iyong doktor upang masuri ang iyong kondisyon.