Ang arthritis o rayuma ay ang tawag sa karamdaman kung saan nakakaranas ng inflammation at sakit sa joints ang pasyente. Ang dalawang pinakakaraniwang uri ng rayuma ay ang rheumatoid arthritis (systemic na rayuma na nakakaapekto sa anumang parte katawan, hindi lamang sa joints) at osteoarthritis (pagkasira o pag-degenerate ng joints at cartilage).
Huwag nang hayaang madagdagan pa ang sakit sa paa, tuhod, at kamay na dala ng rayuma. Bago alamin kung anu-anong mga pagkain ang dapat iwasan para ma-manage ang mga sintomas ng arthritis, pag-aralan muna natin kung paano nito naaapektuhan ang katawan.
Mga Sintomas ng Rayuma
Iba’t iba ang mga sintomas ng rayuma para sa magkaibang uri nito.
Ang rheumatoid arthritis ay isang autoimmune disorder – ibig sabihin ay inaatake ng katawan ang kanyang sarili. Sa rayuma na ito, inaakala ng katawan na ang malalambot na lining sa paligid ng joints ay nakakapinsala sa kalusugan gaya ng virus o bacteria kaya naman inaatake niya ito. Dahil dito, napupuno ng fluid ang joints, resulta para mamaga ito, sumakit, at manigas. Ilan sa mga sintomas nito ang:
- Mababang lagnat, lalo na sa mga bata;
- Labis na pagkapagod; at
- Pananakit ng muscles.
Ang joints na kadalasang naaapektuhan ng rheumatoid arthritis ay nagreresulta sa masakit na tuhod, sakit sa paa, at maging sa pananakit ng kamay at balikat. Ang rayumang ito ay symmetrical. Ibig sabihin ay mararanasan ang mga sintomas sa parehong side ng iyong katawan nang sabay. Kung halimbawang masakit ang tuhod sa kanan, may rayuma sa tuhod din ang kaliwa.
Degenerative naman ang osteoarthritis, na nangangahulagang sanhi ito ng pagkakasira ng joints. Dahil sa pinsala na ito, nagkikiskisan ang mga buto, na nagiging dahilan naman para ma-expose ang mga nerves at sumakit ang parte ng katawan.
Ang mga sintomas ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis ay nagkakapareho sa:
- Pananakit at paninigas ng joints;
- Pagiging mainit at tender ng parte ng katawan na apektado;
- Pagiging limitado ng paggalaw; at
- Labis na pagtaas ng level ng sakit ng mga sintomas pagkagising sa umaga.
Kaiba sa rheumatoid arthritis, ang osteoarthritis ay mas nararanasan sa kamay at sa mga daliri. Naaapektuhan din nito ang spine at balakang. Hindi ito masyadong symmetrical – kung halimbawang may rayuma sa paa sa kanan, posibleng mas masakit ang rayuma sa kaliwa o vice versa.
Paano maiiwasan ang paglubha ng mga sintomas ng rayuma?
Isa sa mga susi sa pagkakaroon ng maayos na quality of life sa kabila ng rayuma ay ang pagbabantay nang mabuti sa kinakain. Bukod sa pagpapanatiling healthy ng buong katawan, ang pagkain nang tama ay nakakatulong para bumaba ang level ng sakit ng mga sintomas ng rayuma.
Sa kabilang dako, ang labis na pagkonsumo ng mga pagkaing ito ay maaaring mauwi sa paglala ng inflammation o pamamaga na dala ng rayuma. Siguraduhing iwasan ang:
- Processed Foods
Photo from Unsplash
Lahat ng processed foods gaya ng pre-packaged meals sa mga convenience stores ay mataas sa trans fats na tumutulong para mapahaba ang shelf life ng mga ito. Nakaka-trigger ng inflammation ang trans fats. Para makaiwas, i-check ang label ng mga produktong binibili at tingnan kung naglalaman ito ng hydrogenated oils.
- Dairy Products
Bagama’t mayaman sa calcium ang mga produktong ito gaya ng gatas at keso, mabilis mag-react ang rheumatoid arthritis sa proteins na matatagpuan sa mga ito. Inaakala ng katawan na ang milk proteins ay isang threat sa katawan kaya naman sinusubukan itong puksain, dahilan para sumakit ang mga joints at mamaga.
- Sugar
Anumang produtong naglalaman ng refined sugar - gaya ng pastries, candy, soda o softdrinks, chocolate, at maging fruit juices – ay nagsasanhi para maglabas ang katawan ng cytokines. Ito ay isang rason kung bakit nagsisimula ang inflammation. I-check ang product labels at bantayan kung ginamitan ba ang mga ito ng fructose, sucrose, maltose, o corn syrup.
- Fried Foods
Photo from Unsplash
Ang advanced glycation end product (AGE) ay isang toxin na lumalabas kapag ang pagkain ay iniitin, gini-grill, piniprito, at pinapadaan sa pasteurization. Sinisira ng AGE ang ilang proteins sa katawan. Bilang depensa, maglalabas naman ang katawan ng cytokines para sugpuin ang AGEs, at nalaman na natin na ang cytokines ay nagpapalala ng inflammation sa may rayuma. Ang mga pinritong pagkain gaya ng donut, French fries, at meat ay mataas sa level ng AGEs at saturated fats kaya ipinapayo na iwasan ang mga ito.
- White Foods
Ang white rice, potatoes, bread, at iba pang pagkaing white flour-based ay hindi rin nakakabuti para sa may rayuma. Ang taglay nitong refine carbohydrates ay ginagawang sugar ng katawan – at ang sugar ay nakakapag-trigger ng inflammation. Bilang substitute, maaaring sumubok ng whole grain carbohydrates.
Mabisang Gamot sa Rayuma
Bilang suporta sa tamang diet at pag-iwas sa mga pagkaing nakakapagsanhi ng inflammation, maaaring uminom ng gamot sa arthritis upang maibsan ang sakit na dala ng mga sintomas nito. Ang NSAIDs o nonsteroidal anti-inflammatory drugs ay nakakatulong sa pag-treat ng iba’t ibang klase ng rayuma. Ang ganitong mga gamot ang kadalasang inirereseta pang-maintenance sa mga pasyenteng nakakaranas ng arthritis.
Kung para naman sa pananakit ng katawan na dala ng rayuma, sama-sama na sa isang produkto ang pangangailangan sa gamot sa rayuma sa paa, gamot sa rayuma sa tuhod, at gamot sa rayuma sa kamay. Ang pananakit sa mga bahaging ito ay maaaring inuman ng RiteMED paracetamol o RiteMED ibuprofen. Siguraduhing sundin ang tamang dosage ng mga ito para makaiwas sa anumang komplikasyon at overdosage.
Paalala: Tandaan na inirerekomenda lamang ang pag-inom ng RiteMED paracetamol o RiteMED ibuprofen para sa minor arthritis pain. Hindi ito dapat gamitin bilang substitute sa mga gamot na inireseta ng doktor. Ikonsulta muna sa iyong healthcare provider kung angkop ba ang solusyon na ito para sa kondisyon at uri ng iyong rayuma.
Bukod sa wastong pagkain, isama rin ng regular na low-impact exercises sa lifestyle para ma-preserve ang quality at health ng iba pang joints at mga buto. Balanseng pamumuhay at disiplina ang kailangan para mapagtagumpayan ang rayuma araw-araw. Maging wais sa pagpili at pagdedesisyon ukol sa kakainin, activities, at iba pang factors na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan.
Sources:
https://www.healthline.com/health/rheumatoid-arthritis/ra-vs-oa#affected-joints
https://www.arthritis-health.com/blog/kitchen-arthritis-foods-avoid
https://www.rd.com/health/conditions/foods-bad-for-arthritis/
https://www.healthline.com/health/foods-to-avoid-with-arthritis#ages