What is stress? Bakit nga ba ito masama sa katawan? Mabilis lang bang malaman ang causes of stress? Ano naman ang kaugnayan nito sa kalusugan ng ating puso?
Kung nais mong malaman ang sagot sa mga katanungang ito, basahin natin ang article na ito mula sa Ritemed.
Meaning and Causes of Stress
Ang stress ay bahagi na ng ating buhay. Ito ang normal na reaksyon natin sa mga bagay na sa tingin natin ay threat o challenge.
Maaaring magmula ang stress sa mga pisikal na dahilan (tinatawag itong physical stress), tulad ng hindi sapat na pagtulog o pagkakaroon ng karamdaman. Ang isa pang posibleng sanhi ng stress ay emosyonal (emotional stress), tulad ng pag-aalala kapag walang sapat na pera o pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Ang stress ay maaari ring magmula sa mga hindi gaanong “dramatic causes,” tulad ng pang-araw-araw na mga obligasyon at pressures na pinaparamdam sa iyo na hindi mo ito kontrolado.
Epekto ng Stress sa ating Puso
Ayon sa mga eksperto, maging a minor stress ay maaaring mag-trigger ng heart problems, tulad ng hindi magandang daloy ng dugo sa muscles ng puso. Ito ay isang kondisyon kung saan ang puso ay walang sapat na dugo o oxygen. Maliban rito, ang long-term stress ay maaaring makaapekto sa pamumuo ng dugo. Ginagawa nitong mas malagkit ang dugo, na nagpapataas sa risk of stroke.
Ang stress ay maaari ring mag-contribute sa poor health behaviors, na may kaugnayan sa pagtaas ng panganib sa sakit sa puso at stroke, gaya ng:
- Paninigarilyo
- Overeating
- Kakulangan ng physical activity
- Unhealthy diet
- Pagiging overweight
- Hindi pag-inom ng niresetang gamot
Stress Symptoms
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-teacher-kindergarten-hands-closed-both-726742909
Ang stress ay maaaring makaapekto sa lahat ng aspeto ng ating buhay, kabilang na ang emosyon, pag-uugali, kakayahang mag-isip, at pisikal na kalusugan. Walang bahagi ng katawan ang immune. Ngunit, dahil iba-ba ang paraan natin ng pag-handle ng stress, ang mga sintomas nito ay maaaring magkakaiba rin. May mga pagkakataon na ang sintomas ng stress ay malabo at at maaaring pareho sa mga sintomas ng ilang medical conditions. Dahil dito, mahalagang talakayin mo ang iyong sitwasyon sa isang espesyalista.
Ang kalimitang mga sintomas ng stress ay ang sumusunod.
Physical stress symptoms:
- Low energy
- Sakit ng ulo
- Sakit ng tiyan (kabilang na ang diarrhea, constipation, at pagduduwal)
- Kirot, sakit, at tensed muscles
- Chest pain at mabilis na tibok ng puso
- Insomnia
- Madalas na pagkakaroon ng sipon o impeksyon
- Pagkawala ng sexual desire o ability
- Kaba at panginginig, ringing in the ear, malamig o pinagpapawisang kamay at paa
- Dry mouth at hirap sa paglunok
- Clenched jaw at grinding teeth
Emotional stress symptoms:
- Moody/madaling mainis o magalit
- Feeling overwhelmed
- Hindi makapag relaks
- Mababang pagtingin sa sarili; pakiramdam na malungkot, walang halaga, at depressed
- Pag-iwas sa ibang tao
Cognitive stress symptoms:
- Hindi mahintong pag-aalala
- Maraming iniisip o pinoproblema
- Makakalimutin at makalat
- Kawalan ng kakayahang mag-focus
- Poor judgment
- Pagiging "pessimistic"
Behavioral stress symptoms:
- Pagbabago ng appetite (maaaring mahina kumain o kabaliktaran)
- Procrastination at pag-iwas sa mga responsibilidad
- Madalas na pag-inom ng alak, paggamit ng droga, o paninigarilyo
- Pagpapakita ng nervous behaviors tulad ng pagkagat ng kuko (nail biting), pagkakalikot (fidgeting), at pabalik-balik na paglalakad (pacing)
Stress Management Tips Para sa ating Heart Health
- Dalasan ang pag-ehersisyo.
- Matulog ng maayos at iwasan ang pagpupuyat.
- Panatilihin ang social connections sa iyong pamilya at mga kaibigan.
- Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng vitamins.
- Magrelaks habang nakikinig sa iyong paboritong mga kanta.
- Sumali sa mga stress management o relaxation classes.
- Panatilihin ang positive attitude.
- Magsimula ng isang “stimulating” hobby na nagpapasaya sayo at kaya kang i-distract mula sa negative thoughts at pag-aalala.
Sources:
https://www.health.harvard.edu/heart-health/stress-and-your-heart
https://www.webmd.com/balance/stress-management/stress-symptoms-effects_of-stress-on-the-bodyhttps://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=1&ContentID=2171