Anu-ano ang mga nagpapahina ng ating resistensya?

July 21, 2021

Ang malakas na immune system ay mahalaga lalo na sa panahon ng pandemic. Bukod sa pagsunod sa safety measures at pagpapabakuna, ang pagkakaroon ng matibay na immune system ang magsisilbing proteksyon ng ating katawan laban sa mga sakit.

 

Hinaharang ng immune system ang mga foreign substances para hindi makapasok sa loob ng katawan.  Ang mga foreign substances na ito ay maaaring virus, bacteria, fungi o parasites.  Kapag may nakapasok na foreign substance sa katawan, ang immune system ay automatic na gagawa ng white blood cells at iba pang chemicals na lalaban sa mga foreign invaders na ito. Kapag malusog ang immune system, kaya nitong protektahan ang katawan laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

 

 

Kaya naman patuloy na pinalalakas ng mga tao ang kanilang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins tulad ng ascorbic acid at sodium ascorbate.  Ngunit may mga factors na nakakaapekto sa paghina ng ating resistensya. Kapag mahina ang immune system, walang lalaban sa mga bacteria, virus at iba pang foreign invaders sa loob ng katawan.

 

Ang mga sumusunod ang mga dapat iwasan para hindi humina ang immune system:

 

Kulang sa tulog

 

Lagi ka bang puyat dahil sa trabaho o panonood ng paboritong series? Maaring humina ang iyong immune system kapag madalas na kulang ang tulog mo. Habang ikaw ay natutulog, ang katawan ay nagproproduce ng mga antibodies na nakatutulong palakasin ang resistensya. Kaya kung hindi sapat ang tulog mo, mahihirapan ang katawan mag release ng antibodies para protektahan ka laban sa mga sakit.

 

Kawalan ng regular exercise

 

Ang sedentary lifestyle ay maaari ring makapagpahina ng resistensya. Mahalaga ang regular exercise sa paglaban sa sakit sapagkat nakatutulong ito na mag circulate ang dugo nang maayos. Kapag nakakaikot nang maayos ang dugo sa katawan, madali ring makakagalaw ang mga germ-fighting substances.

 

Stress and anxiety

 

Malakas ding magpahina ng immune system ang stress at anxiety. Mula sa deadline sa trabaho hanggang sa takot na mahawaan ng sakit, maraming dahilan para makaranas ngayon ng high level of stress at anxiety. Hindi man ito maiiwasan, mahalagang matutunan kung paano ang tamang pagharap sa mga ganitong sitwasyon.  May iba’t ibang stress management techniques na pwede mong gawin tulad ng meditation, breathing exercises o simpleng pagpapahinga. Kumunsulta sa health expert kung nahihirapan kang mag cope sa mga pangyayaring nagdudulot ng stress at anxiety.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-man-smoking-side-road-blowing-1066573238

 

Paninigarilyo

 

Hindi lang respiratory problems ang masamang naidudulot ng paninigarilyo. Ito rin ay nakakapagpahina ng immune system.  Dahil sa paninigarilyo, nahihirapan ang airways ng iyong katawan na magsala ng mga infection.

 

 

 

 

 

Labis na pag inom ng alcohol

 

Ang sobrang pag inom ng alcohol ay nagdudulot ng paghina ng immune system. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga taong malakas uminom ay at risk sa maraming mga sakit tulad ng tuberculosis, liver disease, pneumonia at cancer.

 

 

 

Unhealthy meals

 

Ang mga pagkaing mataas sa oil ay nakakasira ng balance of bacteria sa loob ng iyong katawan. Ito ay maaaring mauwi sa paghina ng iyong immune response. Kaya iwasan ang mga oily food at piliin ang mga low-fat food at mga lean protein tulad ng seafoods at manok.

 

Imbis na junk food, kumain ng mga pagkaing mayaman sa mga antioxidant vitamins tulad ng beta-carotene, vitamin C at vitamin E. Kumain ng dark green, red, yellow at orange na mga prutas at gulay. Ito ay makakatulong magbigay sa katawan ng Vitamin C immunity.

 

Para siguradong sapat ang vitamin C o ascorbic acid na iyong nakukuha, idagdag sa iyong balanced diet ang pag-inom ng vitamin C supplement tulad ng RiteMed Ascorbic Acid + Zinc. Ang Vit C at zinc ay mahalaga sa pagpapalakas ng immune system. Kapag sensitibo ang iyong tiyan, piliin ang sodium ascorbate, isang form ng Vitamin C na mayroong sodium components na nakatutulong magpababa ng acidity levels.

 

Protektahan ang sarili laban sa mga sakit. Iwasan ang mga unhealthy habits na nakapagpapahina sa immune system. Kumain ng masustansyang pagkain, alamin ang mga proper stress management techniques at uminom ng vitamin supplement na nakapagpapatibay ng resistensya.

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/cold-and-flu/ss/slideshow-how-you-suppress-immune-system

https://health.usnews.com/wellness/slideshows/what-weakens-the-immune-system?slide=2