Mayroong three major types of alcohol: ang methyl alcohol, ethyl alcohol, at isopropyl alcohol (na kilala din sa tawag na rubbing alcohol). Sa article na ito, aalamin natin kung mayroon ba sa mga uri ng alcohol na ito ang pwede nating gamitin na panlinis ng sugat, at kung ano ba ang dapat na first aid treatment sa mga mababaw na sugat.
Alcohol sa sugat...advisable nga ba?
Ang paggamit ng hydrogen peroxide o rubbing alcohol upang linisin ang isang hiwa o sugat ay isa nang common practice na halos lahat sa atin ay nakamulatan na. Marami rin ang naniniwala na kung hahayaan lang na bukas o “exposed” ang isang sugat, mas madali itong hihilom at gagaling. Sa kabilang banda, mayroon ding mga nagsasabi na ang mga natural remedies raw ang pinakaligtas at epektibong lunas kung pagpapagaling ng sugat ang pag-uusapan. Ano’t anupaman, ang paggamit ng alcohol ay HINDI ipinapayo dahil maaari itong magdulot ng higit na pinsala kaysa sa mabuting resulta.
Kung mayroon kang cuts o wounds, HUWAG kang gagamit ng alkohol upang linisin ito. Ito ay dahil maaari nitong mapinsala ang tissues ng iyong balat at maantala ang proseso ng pag galing. Bagaman kayang pigilan ng alcohol ang bacterial activity sa sugat, maaari rin nitong sunugin ang healthy skin cells. Bukod dito, sinisira din nito ang skin cells na humahantong sa pain, swelling, irritation, at itching. Ang main purpose ng alcohol ay ang pagiging disinfectant para sa medical purposes, tulad ng isang injection o operation.
Alcohol Uses
Katulad ng nabanggit, mali na gumamit ng alcohol sa open wounds. Pagdating sa sugat, ang paggamit ng alcohol ay nirerekomenda lamang sa pag disinfect at paglinis ng "superficial wounds" o ng mababaw na mga sugat. Ay superficial wounds ay kadalasang sanhi ng friction o pagkakuskos sa isang abrasive na surface. Kabaliktaran ito ng cuts at lacerations na apektado ang layer ng balat at underlying tissue tulad ng muscle at bones.
Tamang Paraan ng Paglinis ng Sugat
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/man-washes-abrasion-on-his-arm-1875695188
Ang tamang paraan upang linisin ang mga sugat, hiwa, o gasgas ay ang paghuhugas nito sa running tap water. Maaaring gumamit ng antibacterial soap kung mayroon, o kahit na anong mild soap. Banlawan ang sugat ng ilang minuto upang maalis ang dumi at mga tira-tirang dugo (kung mayroon man). Pagkatapos, patuyuin ang balat gamit ang malinis na tuwalya o cotton at lagyan ng antibiotic cream (iwasan ang home remedies tulad ng turmeric, alum, butter, at aloe vera upang maiwasan ang paglala ng sugat.) Kung ang hiwa o sugat ay masyadong malalim o kung ito ay walang tigil sa pagdurugo, kumunsulta na agad sa isang espesyalista. Ilan sa mga posibleng i-reseta sa iyo ng doktor ay RM Amoxicillin at RM Mupirocin Ointment. Ang Amoxicillin ay mabisa sa pag-treat ng iba't ibang impeksyon na sanhi ng susceptible microorganisms samantalang ang Mupirocin ay ginagamit bilang isang topical treatment para sa primary at secondary bacterial skin infections.
Sources:
https://www.webmd.com/first-aid/ss/slideshow-wound-care-dos-and-donts