Ang ubo at sipon ang ilan sa mga common health concerns ng mga tao tuwing sasapit ang rainy season. Bagama’t ang viral infections na ito ay maaaring makuha kahit anong oras, ang common colds at cough ay mas madalas na nakukuha tuwing tag-ulan.
Ngunit maraming pwedeng gawin para maiwasan ang mga sakit na ito. Para maiwasan ang pag inom ng gamot sa sipon o gamot para sa ubo, ugaliin ang pagsunod sa ilang preventive measures tulad ng proper hand hygiene. Makakatulong din ang pagpapalakas ng resistensya para labanan ang mga infections. Sundin ang mga sumusunod na health tips para sa tamang alaga laban sa ubo at sipon tuwing tag-ulan.
Ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay
Ang proper hand hygiene ang isa sa mga unang depensa mo laban sa ubo at sipon. Ang virus ay maaaring maipasa gamit ang kamay na madalas in contact sa kung anu-anong bagay tulad ng pera, handrails, susi, doorknob at mga packages. Para masigurong tanggal ang germs sa kamay, ugaliin ang paghugas ng kamay sa loob ng 20 seconds gamit ang tubig at sabon. Kung hindi posible ang paghugas gamit ang tubig at sabon, maaring linisin ang kamay gamit ang alcohol o hand sanitizer.
Suotin ng tama ang face mask kung lalabas ngayong tag-ulan
Ang pagsusuot ng face mask ay proteksyon hindi lang laban sa Covid virus. Maaari rin tayong protektahan ng pagsusuot ng face mask laban sa iba’t ibang uri ng mikrobyo na maaaring makuha mula sa respiratory droplets mula sa infected na tao. Proteksyon din ito laban sa common colds virus.Kaya’t ugaliin ang tamang pagsuot ng face mask lalo na kung pupunta sa mga pampublikong lugar ngayong tag-ulan.
Palakasin ang iyong immune system
Ang malakas na immune system ay nagsisilbing proteksyon ng katawan laban sa virus na maaaring magdulot ng common colds at cough. Kaya’t mahalagang pagtibayin ang iyong immune system sa pamamagitan ng pagkain ng balanced meal na mayaman sa mga antioxidant vitamins tulad ng beta-carotene, vitamin C at vitamin E. Kumain ng dark green, red, yellow at orange na mga prutas at gulay. Ito ay makakatulong mag boost ng iyong immunity.
Para siguradong sapat ang nakukuha mong Vitamin C, idagdag sa iyong balanced diet ang pag-inom ng vitamin C supplement tulad ng RiteMed Ascorbic Acid + Zinc. Ang Vitamin C at Zinc ay mahalaga sa pagpapalakas ng immune system para siguradong protektado ka laban sa ubo at sipon.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/warming-tea-honey-lemon-ginger-1485910475
Uminom ng mainit na colds and cough natural remedies
Ang dry cough, wet cough at sipon ay nakakapagdulot ng sakit sa dibdib, sakit sa lalamunan at hirap sa paghinga. Para maibsan ang hirap na dulot ng ubo at sipon, maaaring gumawa ng colds and cough home remedy mula sa mga natural ingredients na mayroon sa inyong bahay. Gumawa ng mainit na tsaa mula sa luya, lagundi, oregano, lemon o kalamansi. Ang mga natural ingredients na ito ay epektibong colds and cough remedy.
Siguraduhing may colds and cough medicine sa bahay
Uminom ng over-the-counter medicine for cough at gamot para sa sipon. Ito ay makakapagbigay ng relief para sa mga nakakainis na sintomas ng common colds and cough.
Kung hindi naiibsan ng mga natural colds and cough remedies at over-the counter medicines ang iyong ubo at sipon, kumunsulta agad sa doktor para malaman ang wastong treatment. Ang pagsusuri din ng doktor ang makakatukoy kung ito ay covid cough o sintomas na dulot ng ibang health condition. Isang gamot sa ubo na maaaring ireseta ng doktor ay ang Ambroxol. Nakakatulong ang Ambroxol na mapadali ang pag labas ng plema. Isa pang common cough medicine na maaaring ibigay sayo ay ang Carbocisteine, isang gamot para sa respiratory tract disorders na dulot naman ng labis na mucus.
Alagaan ang iyong kalusugan para maging matibay ito laban sa ubo at sipon tuwing tag-ulan. Ugaliin ang proper hygiene habits, palakasin ang resistensya at alamin ang mga wastong lunas para sa ubo at sipon.
Sources:
https://www.unilab.com.ph/articles/5-simple-ways-to-stay-healthy-during-the-cold-season
https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/understanding-common-cold-basics#1
https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/understanding-common-cold-basics#2