What is social anxiety?
Normal lang na makaramdam ng kaba sa ilang social situations. Ang pagpunta sa isang date o ang pagsasagawa ng presentation sa loob ng klase, halimbawa, ay maaaring magdulot ng takot at kaba sa isang tao. Ngunit pagdating sa social anxiety disorder (na kilala din sa tawag na social phobia), ang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan ay nagdudulot ng matinding pagkabalisa, self-consciousness, at lubos na hiya dahil sa takot na mahusgahan ng negatibo ng iba.
Social Anxiety Meaning
Ang terminong ito ay tumutukoy sa mga tao na labis ang pagkabalisa at masyadong conscious sa sarili kapag kahalubilo ang iba. Ang ilang dumaranas nito ay laging takot na takot na baka pinagmamasdan sila at hinuhusgahan ng iba. Maaari nilang ikabalisa nang ilang araw o linggo ang isang dadaluhang okasyon. Pwedeng maging napakatindi ng takot nila na umaabot sa puntong hindi na sila makapag-focus sa trabaho, pag-aaral, o sa iba pang gawain, at nahihirapan din silang makipagkaibigan.
Ang social anxiety disorder ay maaaring maging isang chronic mental condition, ngunit ang pag-aaral ng coping skills sa psychotherapy at ang pag-inom ng mga gamot ay makakatulong sa isang taong may social anxiety upang magkaroon ng confidence at pagbutihin ang kaniyang kakayahang makipag-ugnayan sa iba.
Mga Sintomas at Epekto ng Social Anxiety
Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/depressed-young-beautiful-asian-woman-sitting-1731914305
Ang pagiging mahiyain o hindi komportable sa isang partikular na sitwasyon ay hindi nangangahulugang mga palatandaan ng social anxiety disorder, lalo na sa mga bata. Ang comfort levels sa mga social situations ay magkakaiba, depende sa personality traits at karanasan sa buhay ng isang tao. May ilang tao lang talaga na sadyang "reserved" at hindi palaimik samantalang may iba naman na "outgoing" at palakaibigan.
Hindi tulad ng pangkaraniwang kaba, ang social anxiety disorder ay kinabibilangan ng takot, pagkabalisa, at pag-iwas na nag-iinterfere sa mga relasyon, pang-araw-araw na gawain, trabaho, pag-aaral, o iba pang aktibidad. Karaniwang nagsisimula ang social anxiety disorder sa early hanggang sa mid-teens, bagaman maaari itong magsimula minsan sa mga mas bata o sa mga adults.
Prevention Tips
Walang paraan upang malaman kung paano nagkakaroon ng social anxiety disorder ang isang tao, ngunit maaari kang gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng mga sintomas nito. Kabilang na rito ang:
- Paghingi ng tulong habang maaga pa. Ang anxiety o pagkabalisa, tulad ng iba pang mental health conditions, ay maaaring maging mas mahirap gamutin kung patatagalin mo ito. Kumonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ng lunas ang iyong kondisyon
- Pagkakaroon ng isang journal. Ang pagsubaybay sa iyong personal na buhay ay makakatulong sa iyo at sa iyong health professional na matukoy kung ano ang nagdudulot sa iyo ng stress at kung ano ang nakakatulong sa iyong bumuti ang iyong pakiramdam.
- Pag-set ng priorities. Maaaring mabawasan ang iyong pagkabalisa sa pamamagitan ng maingat na pamamahala sa iyong oras at lakas. Siguraduhin na gumugugol ka ng oras sa paggawa ng mga bagay na gusto mo.
- Pag-iwas sa unhealthy substances. Ang paggamit ng alcohol at drugs, kabilang na ang caffeine o nicotine, ay maaaring magdulot o magpalala ng anxiety. Kung ikaw ay addicted sa alinman sa mga substances na ito, ang pagtigil ay maaaring magdulot sa iyo ng anxiety. Kung hindi mo kayang huminto, humingi ng tulong sa iyong health care provider o maghanap ng treatment program o support group na makakatulong sa iyo.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/social-anxiety-disorder/symptoms-causes/syc-20353561
https://www.webmd.com/anxiety-panic/tips-for-living-with-social-anxiety