Tamang kaalaman: Cholesterol at heart disease

July 21, 2021

Isa sa mga common health problems ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng mataas na cholesterol level na maaaring magdulot ng sakit sa puso. Ilan sa mga kadalasang sintomas ng mataas na cholesterol ay pananakit ng dibdib, nausea o pakiramdam na nasusuka, fatigue at hirap sa paghinga.  Maari ring makaramdam ng sakit sa leeg, jaw, likod o upper abdomen kapag mataas ang cholesterol.

Nararanasan mo ba ang mga sintomas na ito? Alamin kung ano ang role ng cholesterol sa katawan, paano ito nakakasama at paano maiiwasang mauwi ito sa heart disease. Alamin din ang Vitamin B complex benefits para sa pagpapanatili ng good cholesterol level.

 

 

Bakit mahalaga ang cholesterol sa katawan?

Ang katawan ng tao ay nangangailangan ng sapat na nutrisyon para manatiling malusog. Bukod sa mga micronutrients, importante rin ang pagkakaroon ng sapat na cholesterol level sa katawan.

Ang cholesterol ay ang malapot na uri ng taba na kailangan ng ating katawan sa ilang mahalagang body functions. Tinutulungan ng cholesterol ang katawan na paggawa ng mga bagong cells, pagprotekta sa mga nerves at paggawa ng mga bagong hormones.

Ang ating atay ang kadalasanag gumagawa ng cholesterol para sa ating katawan. Bukod dito, maaari ring makakuha ng cholesterol sa mga Vitamin B foods tulad ng karne at itlog, mga produktong gatas, mantikilya at mantika, whole grains, madahong gulay at ilang mga prutas.

 

Paano nakakasama ang Cholesterol sa katawan?

Anumang labis na pumapasok sa ating katawan ay hindi makakabuti. Gaano man kahalaga ang cholesterol para sa ating mga cells, ang kalabisan nito sa ating dugo ay maaaring magdulot ng health problems tulad ng heart disease. Kapag may nakabarang sobrang taba o cholesterol, hindi makakadaloy ng maayos ang dugo patungo sa ating puso.

Ang pagbara ng ugat sanhi ng labis na cholesterol sa ating mga dugo ay nagdudulot ng artherosclerosis, isang uri ng heart disease. Kumikipot ang daluyan ng dugo sa ating mga ugat  na nagdudulot din ng pagbagal o paghinto ng daloy ng dugo sa ugat ng mga puso. Kapag hindi nagkaroon ng sapat na oxygen ang puso, maaaring magdulot ito ng heart disease symptoms tulad ng chest pain at hirap sa paghinga. Kapag tuluyan nang nawalan ng supply ng dugo ang puso, maari itong mauwi sa heart attack.

 

Good Cholesterol vs Bad Cholesterol

May dalawang uri ng cholesterol sa ating katawan. Ito ang at ang High Density Lipoprotetin (HDL) o tinatawag na good cholesterol at ang Low Density Lipoprotein (LDL) o bad cholesterol. 

Ang HDL o ang good cholesterol ay ang uri ng healthy cholesterol na kailangan ng ating katawan. Dinadala nito ang mga labis na cholesterol sa ugat pabalik sa atay kung saan naman ito inilalabas ng katawan.

Samantala, ang LDL o ang bad cholesterol naman ay hindi nakabubuti sa ating kalusugan. Ito ang mga taba na kumakapit sa mga looban ng mga ugat at nagpapaliit ng mga daluyan ng dugo sa katawan. Ang mataas na bad cholesterol level sa katawan ay nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng high blood pressure, heart diseases, stroke at diabetes.

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/assortment-high-vitamin-b-sources-on-1696786360

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng high cholesterol level?

Para maiwasan ang heart disease at iba pang karamdamang dulot ng mataas na cholesterol, bantayan ang iyong cholesterol level at sundin ang ilang mga healthy lifestyle choices.

Mainam na alamin ang cholesterol level ng mga cholesterol food na kinakain sa araw-araw. Ang healthy cholesterol level sa ating katawan ay hindi hihigit sa 200mg/dL. Kapag lumampas na ito sa 240mg/Dl, magiging mapanganib na ito sa katawan at maaaring maging sanhi ng paglabas ng heart disease symptoms.

Siguruduhing magbawas ng mga pagkaing mayaman sa saturated fat at trans fat. Kumain ng fiber-rich foods at mga pagkaing mayaman sa Vitamin B.       Makakatulong din ang regular exercise sa pagpaparami ng good cholesterol.

 

Pataasin ang good cholesterol sa tulong ng Vitamin B Complex

Isa sa paraan para labanan ang mga masamang epekto ng labis na cholesterol ay ang pagpaparami ng good cholesterol sa katawan sa tulong ng B Complex vitamins.  Ang Niacin, isang B Vitamin, ay nakakapagparami ng HDL o good cholesterol sa katawan.  Ito ang tumutulong na gawing energy ang mga pagkaing pumapasok sa katawan.

Maaring makuha ang niacin at iba pang Vitamin B sa mga pagkain tulad ng isda, manok at beef. Para maiwasan ang vitamin b deficiency, mainam ding uminom ng Vitamin B Complex supplement.  Bukod sa ito ay makakatulong na paramihin ang good cholesterol sa katawan, makakatulong din ito sa pag iwas sa ngalay at nerve pain.

 

 

Sources:

https://www.phc.gov.ph/heartinfo/KOLESTEROL%20VIDEO.mp4

https://www.medicalnewstoday.com/articles/9152

https://www.philheart.org/documents/evamanual.pdf

https://businessmirror.com.ph/2016/07/13/cholesterol-levels-of-pinoys-rising-survey/

https://www.webmd.com/cholesterol-management/guide/diseases-linked-high-cholesterol#:~:text=High%20cholesterol%20is%20linked%20with,diabetes%20and%20high%20blood%20pressure