Ang ating digestive system ay binubuo ng gastrointestinal tract—na tinatawag ring GI tract o digestive tract—at ng ating atay, pancreas, at gallbladder.
Ang GI tract ay isang series ng hollow organs na pinagdudugtong ng mahaba at "twisting" tube mula sa ating bibig hanggang sa ating anus o puwit. Ang hollow organs na bumubuo sa ating GI tract ay ang bibig, esophagus, small intestine, large intestine, at anus. Ang ating atay, pancreas, at gallbladder naman ay mga solid organs ng ating digestive system. Ang lahat ng mga organs na ito ay nagtutulungan upang ma-convert ang ating mga kinain para ma-absorb ng katawan bilang enerhiya.
Signs na Unhealthy ang Iyong Digestive System
Narito ang ilang senyales na hindi normal ang iyong digestive system function. Gawan agad ng paraan ang mga ito kung pansin mong nakakaranas ka nito.
- Bloating
Ang bloating ay isang sintomas ng leaky gut. Kapag mayroon kang butas sa gut, pinahintulutan nito ang bacteria, lason, antigens, at partially digested na pagkain na tumagos sa mga tisyu sa ilalim nito. Ito nag nagti-trigger ng pamamaga at mga pagbabago sa gut flora (normal na bakteria), na maaaring humantong sa mga problema sa loob ng iyong digestive tract.
- Diarrhea
Ang diarrhea o pagtatae, maging acute man ito o chronic, ay kilalang tanda ng unhealthy digestive tract. Maaaring pasamain ng pagtatae ang kalagayan ng iyong gut health sa pamamagitan ng pagpapalabas nito ng mga good bacteria mula sa iyong gut, na hahantong sa stomach pain at mas malalang imbalance ng iyong gut.
- Constipation
Ang constipation o paninigas ng dumi ay nauugnay din sa isang imbalanced gut. Ang mga taong nagdurusa rito ay karaniwang may isang mas mababang antas ng gut bacteria, na nakakaapekto sa panunaw at maaaring humantong sa paninigas ng dumi. Para malunasan, maari kang uminom ng gamot tuald ng RM Bisacodyl.
- Pagtaas ng timbang
Ang pagtaas ng timbang ay isa sa pinakakaraniwang mga palatandaan ng gut imbalance. Kung ang iyong gut ay hindi gumagana ng maayos, ang iyong katawan ay hindi makakatanggap ng maayos na nutrisyon. Maliban rito, pipigilan rin nito ang iyong katawan na i-store ang taba at kontrolin ang iyong blood sugar. Dahil dito, lalakas ang iyong kain upang makabawi sa mga nawalang nutrisyon, at sa huli ay hahantong ka sa pagtaas ng timbang at potentially, obesity.
- Stress
Ang microbiome ay may mahalagang papel sa ating mental health, pati na rin ang paraan ng pagtugon natin sa stress. Ang imbalance gut ay maaaring makaapekto sa hormonal balance at mag-ambag sa stress, pagkabalisa, at iba pang mood disorders.
Panatilihing Malusog ang iyong Digestive System
Ang maayos na digestive system ay kailangan para maging malusog. Sa pamamagitan ng digestion, ang mga pagkain ay natutunaw para maging nutrients na kailangan ng ating katawan. Kapag napabayaan natin ang ating digestive system, magkakaproblema tayo sa pag-absorb ng mga nutrients. Ang kakulangan sa nutrients ay magreresulta sa pagkabuo ng toxins sa katawan na maaaring magdulot ng mga karamdaman, tulad ng stomach cancer, autoimmune disease, low energy, allergies, arthritis, depression, psoriasis, acne, at iba pa.
Sa nakikitang kahalagahan ng digestive system, masasabi natin na importante ang pangangalaga nito para maging malusog. Ang tamang pagkain at wastong pamumuhay ay makakatulong sa pagpapabuti ng ating digestion. Kumain ng mga pagkaing sagana sa fiber at enzymes, limitahan ang mamantikang mga pagkain, uminom ng probiotic drinks, kumain sa tamang oras, huwag kumain ng mabilis, nguyaing mabuti ang mga pagkain, uminom ng sapat na tubig, mag-ehersisyo, at i-manage ang stress.
Sources:
https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/digestive-system-how-it-works
https://carolinadigestive.com/about-us/news/the-signs-and-symptoms-of-an-unhealthy-gut
https://www.healthline.com/health/gut-health