Ang Cardiovascular disease ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga tao sa Pilipinas taon-taon. Ang karaniwang cause of heart disease ay hypertension, high blood, at pagsakit ng dibdib.
Upang maiwasan ang komplikasyon sa puso, stroke, at ang hindi inaasahang pagkamatay dahil sa sakit na ito, mahalaga na malaman natin kung ano ang mga symptoms of heart disease upang makahingi ng agarang payo mula sa mga eksperto.
Nakalista sa ibaba ang mga heart disease symptoms na dapat ikonsidera bago magpatingin sa doctor:
· Paninikip o pagsakit ng dibdib
Ito ang pinaka pangkaraniwang sintomas ng heart disease, at isa sa mga sintomas na hindi dapat ipasa walang bahala.
Kapag ang isang tao ay malapit nang magkakaroon ng atake sa puso, makakaramdam siya ng sakit at paninikip ng dibdib. Ang sakit ay madalas na tumatagal ng ilang minuto at mawala rin agad, ngunit malaki ang posibilidad na bumalik ito. Maaari itong mangyari kapag namamahinga or mayroong ginagawang pisikal.
Payo ng mga doktor na huwag ipagwalang bahala ang sakit o paninikip ng dibdib dahil ang atake sa puso ay maaaring mangyari nang hindi inaasahan.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-women-her-stomach-aches-hard-788667379
· Pagkakaroon ng masamang pakiramdam, sakit sa tiyan, at pagkapagod
Lahat ng tao ay nakakaramdam ng pagod dahil sa trabaho, mga gawaing bahay, cardio exercises, at iba pa. Normal ang makaramdam ng pagod, ngunit sa mga taong may cardiovascular disease, ang pagkakasakit ng tiyan at pagsama ng pakiramdam kasabay ng pagod ay nakakaalarma.
Ang maaaring dahilan nito ay ang pamamaga ng sikmura dahil sa pagkakaroon ng maraming likido. Maliban sa sobrang pagod, ang pag-kain din ay posibleng may epekto dito.
Ang pagsusuka ay maaari ring mangyari bago ang atake sa puso. Sa iba, ito ay maaaring dahil sa pagkalason sa pagkain, ngunit may posibilidad din na ito ay sintomas ng heart disease.
· Pagkahilo
Ang atake sa puso ay maaaring makita sa simpleng mga sintomas, gaya ng pagkahilo. Kung ikaw ay makaramdam ng hilo, marapat na hindi tumayo agad. Ang mga tao na mayroong problema sa puso ay nakakaramdam ng hilo, at ito ay maaaring maging dahilan ng pagkawala ng malay dahil sa pagbaba ng daloy ng dugo sa utak.
Ang pagkahilo ay nangyayari kapag tumayo ng mabilis at isa ito sa mga pangkaraniwang heart disease symptoms dahil sa abnormal na pag-andar ng puso.
Kung sakaling makaramdam ng sakit, kumilos lamang nang dahan-dahan at obserbahan ang sarili.
· Kapos sa paghinga ngunit walang pisikal na aktibidad
Normal na makaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso kapag mayroong mabibigat na gawain o aktibidad. Subalit, kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng hindi regular na pagtibok ng puso at ng iba pang symptoms ng heart disease, malapit nang magpalya ang kanyang puso.
Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, marapat na alagaan natin ang ating puso. Nakalista sa ibaba ang mga rekomendasyon mula sa DOH na maaari nating gawin para makamit ang mas malusog na pamumuhay:
· Kung bibili ng tsokolate, marapat na piliin ang dark chocolate dahil mayroon itong flavonoids at antioxidants na maganda para sa puso at dugo.
· Kumain ng gulay araw-araw; hinay-hinay sa pagkain na matamis, mamantika, at maalat
· Huwag manigarilyo
· Bawasan ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa calories
· Bawasan ang stress
· Mas piliin ang lutong bahay; kumain ng isda tulad ng tuna, bangus, mackerel, at salmon
· Maglakad-lakad ng 30 minuto
Sources:
https://www.manilamed.com.ph/symptoms-heart-attack-every-filipino-know/