Tamang Alaga Para sa Asthma

August 18, 2021

Ngayong panahon ng pandemiya, isa sa mga kailangan mag doble ingat ay ang mga taong may asthma. Ayon sa Philippine College of Chest Physicians, ang mga taong may severe asthma ay mas madaling kapitan ng Covid 19 virus. Dahil dito mainam na maintindihan kung ano nga ba ang asthma , ang asthma causes na dapat bantayan at ang mga paraan para maiwasan ang asthma attack.

 

 

What is Asthma?

 

Ayon sa datos ng World Health Organization, 12% ng populasyon ng Pilipinas ay nabubuhay ng may asthma. Sa Global Asthma Report, halos one kada 10 Pilipino ang may asthma, habang 98% ng mga asthmatic na Pilipino ay kulang sa sapat na pangangalaga.

 

Base sa Department of Health, ang asthma ay isang paulit-ulit na sakit kung saan ang daluyang ng hangin ng tao ay hindi umaayon sa natural na pag contract and expand ng brochules. Ito ay madalas na dulot ng magkakaibang trigger factors.

 

 

Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng asthma attack ang lining ng daluyan ng hanging ay namamaga. Dahil dito, napipigilan ang tamang pag daloy ng hanging sa baga kung kaya’t nagkakaroon ng hirap sa paghinga ang taong may asthma.

 

Ang cause of asthma ay genetic, ngunit ito ay maaaring ma-trigger ng iba’t ibang mga bagay katulad ng temperatura, stress, matinding emosyon, kapaligiran, dumi, pollen, mga kemikal sa hanging o pagkain, usok ng sigarilyo, balahibo ng hayop at viral infections.

 

Ang mga madalas na symptoms of asthma ay ubo, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, mabilis na tibok ng puso, pagkapagod, asul na labi o daliri, pagkahimatay.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-woman-using-blue-asthma-1716465901

 

 

Para maiwasan ang mga komplikasyon, importante na alam ng mga may asthma at nangangalaga sa mga asthmatic ang tamang alaga para sa asthma. Ang mga sumusunod na tips ay makakatulong sa tamang management ng sakit na ito.

 

Mahalagang maging consistent sa asthma medication

 

Ang patuloy na pag inom ng mga naayong asthma medicine at asthma treatment katulad ng inhalers, corticosteroid medication, oral corticosteroids, at iba pang gamot na nireseta ng doctor ay makakatulong sa patuloy na pag ginhawa ng paghinga.

 

Gumawa ng Asthma Action Plan

 

Siguraduhin na mayroong asthma action plan ang taong may hika kung saan nakasulat ang mga detalye tungkol sa pasyente at paano kilalanin ang malubhang asthma attack, paano itaas ang controller medication, at kung kailan dapat kumunsulta sa doctor.

 

 

 

 

Iwasan ang mga triggers ng asthma attacks

 

Para maiwasan ang pag depende sa gamot at asthma episodes, mainam na alamin kung ano ang mga trigger factors ng asthma. Ilan sa mga ito ay ang mga activities kung saan may exposure ang taong may asthma sa maduduming lugar, sa mga hayop o sa ibang may sakit.

 

 

Kung ikaw ay may asthma o may inaalagaang taong may asthma, doblehin ang pag iingat sa kalusugan ngayong panahon ng pandemic. Iwasan ang mga asthma triggers at kumunsulta sa iyong doktor para sa tamang gamot at pangangalaga.

 

 

Sources:

https://rmc.doh.gov.ph/patientscorner/health-corner#:~:text=According%20to%20the%20World%20Health,continue%20to%20lack%20proper%20treatment.

https://philchest.org/xp/world-asthma-day/

https://www.nhs.uk/conditions/asthma/symptoms/

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273#:~:text=Atopic%20dermatitis%20(eczema)%20is%20a,been%20found%20for%20atopic%20dermatitis.

https://www.aafa.org/asthma-prevention/